A/N: sorry for the wrong grammar and typo.
Chapter 11
Zoe POVMAGGAGABI na nang masundo ako ni Yanni dito sa resort.
Pagpasok namin sa loob ng kotse niya agad na nagseat belt ako syaka bahagyang binuksan ang bintana.
Narinig kong bumukas ang pinto sa kaliwa. Iniluwa nun si Yanni na papasok pa lang ng kotse. Agad na pinaandar ni Yanni ang kotse niya.
"Zoe, I'm really rea–"
"It's okay Alam ko naman na nadala ka lang" putol ko sa sasabihin niya.
Nagpatuloy lang sya sa pagmamaneho. Hanggang sa makapunta kami sa condo niya walang nagsasalita samin. Nakakabingi ang katahimikan. Kaya naman binasag ko ang katahimikan ng makapasok kami sa condo niya.
"Bakit? Bakit dito ka na nakatira? Diba may bahay ka naman" tanong ko. Nakakapagtaka lang Kasi na sinasayang niya pa Ang pera niya sa pang bayad ng bill sa condo niya eh may bahay naman sya.
Umupo muna sya sa sofa at tumingin saakin. "Gusto ko kasi kalimutan ang nangyari nung nandun Tayo sa bahay namin" Sabi niya sabay mapait na ngumiti.
Tinanguan ko Lang sya. Iginala ko ang buong paningin ko sa kabuuang condo niya.
"Yanni" tawag ko kay Yanni na busy sa pag papagpag ng unan ng sofa.
"Bakit?" Sabi niya syaka itinaas ang dalawang kilay niya.
Naglakad ako papunta sa bintana niya syaka tinignan sya. "Gusto ko sana na kalimutan mo na Ang nanyari dati.... Gusto kong magsimula ulit tayo" Sabi ko syaka ngumiti.
Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko. " Oo ba!" Sabi niya. Nakita ko pang tumulo ang Isa niyang luha pero agad naman niya itong pinunasan.
Actually, Hindi ko naman talaga dinadamdam ang pagbebreak at pagtataksil saakin ng ex boyfriend ko dahil medyo nawawalan na rin ako ng nararamdaman sakanya nung mga panahong yun.
"Teka nasaan ba yung kusina mo nauuhaw na kasi ako" Sabi ko sabay hawak sa leeg.
Itinuro niya ang kusina. Agad na pumunta ako dun at kumuha ng malamig na tubig. Parang alak lang kung ilagok ko itong tubig.
"Oh! Teka dahan dahan lang sa pag inom" Sabi ni Yanni nang makapasok sya sa loob ng kusina.
Hindi ko sya tinignan sa halip ay uminom lang ako ng uminom. Bakit ganito uhaw na uhaw pa din ako.
"Isa kaming bampira"
Muntik na akong mabilaukan nang maalala ko ulit yung sinabi niya.
Tinignan ko si Yanni. "Diba mahilig ka sa mga kababalaghan?" Tanong ko sakanya. Expert kasi si Yanni sa ganito dahil paborito niya daw.
Tumango si Yanni at nagtanong kung "bakit?".
"Gusto kong malaman yung tungkol sa mga vampire" Sabi ko syaka inilagay sa lababo ang baso ng tubig.
"Mm interested, ha?" Ani niya syaka pumunta sa kung saan. Sinundan ko lang sya hanggang sa makapunta sya sa kwarto niya.
Bumungad saakin ang pabango ng kwarto niya. Ang daming libro kulang na lang gawin niya itong library.
Pumunta si Yannni sa kanan at may kinuhang libro...
Putik! Ang kapal naman niyan!
Lumapit sya saakin syaka sinabing "dun tayo sa sala magusap tungkol sa bampira" Sabi niya syaka lumabas ng kwarto niya at pumuntang sala.
Sinundan ko naman sya. Nakita ko pang binuklat ni Yanni ang libro niya. Nang makalapit ako umupo ako sa tabi niya syaka tinignan ang tinititigan niya.
"Base dito may mga iba't-ibang klase ng bampira ang naririto... Una ay ang Schandler, ito yung mga bampirang napapanood natin sa tv na hindi pwedeng lumabas sa araw... Ang Schandler ay kilala bilang masamang bampira... Pangalawa ay ang Deaumonium, ito yung mga bampirang kabaliktad ng mga Schandler... Pero hindi rin natin masasabi na mabait sila kasi base dito ang mga taga Deaumonium ay may ugali ring masama... Sabi rin dito ang mga taga Deaumonium ay hindi tinatablan ng mga sikat ng araw Kaya naman kaya nilang maglabas pasok sa mortal world... At ang pangatlo ay ang mga Handrium, sila yung mga half-breed daw kasi ang mga magulang nila ay nagmamahal ng mortal tulad natin... Ipinanganak sila na kayang rin maglabas pasok sa mortal world... Oo nga pala! Meron pa... May Isa rin palang bampira ang itinakda para sa mangyayari" mahabang paliwanag niya. Kung ganon Hindi ako magiging bampira?!
"Ay wait, Sabi rin pala dito yung mga kinagat nila sa leeg at sinisipsip ang dugo ay namamatay maliban na lang pag inurasyonan" Sabi niya sabay tingin saakin.
"Eh ano daw yung sinabi sa libro? I mean paanong orasyon yun?" Tanong ko. Tumingin syang muli sa libro. Pero natigilan sya ng makitang may punit ang kasunod na pahina.
"Hala! May punit pala to" gulat na sabi niya. Agad na tinignan ko ito.
Dalawang pahina ang punit na. Pero sino ang gumawa nun?
"Paano mo ba nakuha itong libro?" Tanong ko syaka tinuro ang libro.
"Hmm... Saan nga ba yun? Ah Basta! May nakahulog kasi nito sa daan dati tapos ibabalik ko sana to sakanya ang kaso nakalayo na siya syaka maraming tao Kasi nun" Sabi niya. Tanging tango lang ang nasagot ko syaka napayuko na Lang.
"You know what? Vampire can't exist..." Sabi niya. Napatingin Naman ako sakanya.
Halata sa mukha niya ang panghihinayang. Totoo Naman na nageexist sila di niyo lang nakikita bulong ko sa isip.
"Ang init naman dito sa condo mo" Sabi ko sabay paypay. Kanina pa kasi ako Hindi mapakali.
"Anong mainit haha Ang lakas lakas na nga ng aircon dito" Sabi niya syaka isinara ang libro.
"Ah basta! Mainit talaga" singhal ko. Itinali ko ang buhok ko na papusod.
Nakita ko sa peripheral vision ko ang pagtitig saakin ni Yanni na nakakunot ang noo.
Matapos kong itali ang buhok ko agad ko syang nilingon " bakit? May dumi ba ako sa mukha?" Tanong ko.
"Kailan pa yang sugat mo sa leeg?"....
Ashton POV
"HINDI pwedeng makaalis dito si Zoe" mahinhing Sabi ni Tita Gemma.
"Mom relax okay... Ashton ano na ang gagawin mo ngayon?" Tanong saakin ni Czarina.
'ano nga ba Ang gagawin ko?'
"Ugh!" Inis na ginulo ko ang buhok ko. Bakit ba kasi napaka kulit ng babaeng yun.
Saan bang lupalop ng mortal world pumunta yun? Teka? Mortal world? Tama yun nga!
"Sa mortal world" maikli kong sabi. Agad nakumunot naman ang noo nila.
"Mortal- What?" Tanong ni Sab. Ngumisi ako sa kanya syaka tumingin kay tita Gemma.
"Meron na akong naisip"....
YOU ARE READING
Love In First Bite(On-going)
FanfictionZoe is the type of a girl na walang pakielam sa buhay na meron sya DATI but when Ashton comes everything has change and also her life. With a simple girl, weak, and cheap into a strongest girl. She want a peaceful life pero makukuha niya nga kaya yu...