bakit ganon?
masakit pa rin hanggang ngayon
lungkot na mula sa ating kahapon,
'di ko mabaon-baon.
masaya na ako sa piling ng iba
dahil sa piling niya'y iba ang saya.
ngunit sa tuwing ika'y makikita,
poot at lungkot lamang ang nadarama.
ngayo'y nakahanap na ka ng taong sayo'y magpapasaya,
ngunit sa puso ko'y mayroong kaba
na baka gawin mo ang ginawa mo sa'kin sakanya,
at ang dating ako'y kahahantungan niya.
BINABASA MO ANG
takipsilim
Poesiekasabay ng paglubog ng araw ang pagbalot ng kadiliman na pilit mo mang iwasan di ka malubay-lubayan. lilipas din yan.