Umuwi na ako sa bahay ng matapos kong pumunta kila isabelle. Pero naisip ko paano ko malalaman ang totoo kung nasa bahay lang ako. Kaya pumunta ako sa ospital na sinabi ng yaya ni isabelle.Nang nanduon na ako sa hospital nag tanong ako kung meron ba silang patient na isabelle choi. Sabi saakin ng doctor nasa room 35 daw yon. Kaya pumunta kaagad ako.
Nang makarating na ako sa room na yon. Naka lock at ang malala naka padlock pa iyon. Nagtanong ako sa nurse kung bakit naka padlock iyon.
Sabi niya nagiingat lang daw yung magulang niya sa mga taong pumapasok doon.Pinakita ko sa nurse yung pic ng mama ni isabelle. Sabi niya yun daw ang nag uutos na ipadlock ang room niya.
Mas lalo pa akong kinutuban ng mga oras na iyon. Tinanong ko kung nasa loob ba yung mama niya. Sabi niya kaka alis lang daw.
Naghintay ako sa labas ng room kung dadalaw yung mama niya. Madaling araw na ako naka uwi. Pag uwi ko hindi na ako nakapasok kinabukasan sa sobrang pagod.
Hapon na ako nagising sa sobrang puyat ko. Pumunta ako sa 7-11 para bumili ng almusal. Paguwi ko naligo na ako. Pagkatapos ay nagpunta ako sa dentista ko para mag pa adjust ng braces.
YOU ARE READING
Toxic Love
Детектив / ТриллерAng storyang ito ay tungkol sa isang lalake na nabago ng isang babae dahil sa love Abangan!