Tution fee?

33 0 0
                                    

Umagang umaga gumising ngayon si mariella, naghanda siya ng masarap na almusal at namalantsa ng uniporme ng kanyang mga nakababatang kapatid na sina totoy, sampung taong gulang at budoy walong taong gulang,
Si Mariella ang nakatatandang kapatid sa kanilang tatlo, silang tatlo nalamang ang naiwan sa kanilang pamilya, naulila  sila sa pumanaw na ama noong disesais (16) anyos palamang si ella, at iniwan naman nang kanilang ina kinse (15) anyos pa lamang siya, kaya simula noon nagkanda kuba-kuba na siya magtrabaho para mabuhay ang kanyang mga nakababatang kapatid, huminto na rin siya sa pag-aaral para magampanan ng maayos ang kanyang trabaho at tungkulin na tumayong ina at ama sa kanyang mga kapatid.

" oh, andito na pala ang napakacute kong mga kapatid" bati niya sabay gulo ng mga buhok nito ng mapansing gising na sina totoy at budoy,

" mukhang ang aga aga mo yatang nagising ate?" Malambing na tanong ni budoy sa kanya

" syempre naman, para makahanap ako ng extrang trabaho.! alam niyo naman kailangan natin ng pang  tution fee nyo,

" ate naman-" naputol ang tutol ni totoy ng sumabat siya.

"Totoy  huwag na kayong mag- alala, ang importante ngayon ay makahanap na si ate ng magandang trabaho, okie?" malambing niyang pahiwatig

" pero ate, sabi ko naman sayo, kung hindi mo na kaya, hihinto na lang ako para naman isa lang ang pag-aaralin natin." Nagaalalang wika ni totoy

" sabi ko naman sayo totoy, kahit anong mangyari di ko kayo ipapahinto sa pagaaral."

" pero ate-

" totoy, kaya ni ate okie? Wag ng magalala" ngumiti siya rito para ipaalam na kaya niya, ngunit alam ni totoy na mahina ang kalusugan ng ate niya, bawal itong mapagod dahil baka atakihin ito ng asthma, masakitin talaga ito  simula nung pinanganak palamang.

Masaya silang nagalmusal, ganadong ganado ang lahat, sa kadahilanang  kahapon ay nagkasakit si ella kaya inatake siya ng asthma at ito ang pambawi niya sa mga kapatid.

Nagtungo na sa paaralan sina totoy at budoy, habang si joseffina naman ay naghahanap ng panibagong trabaho.
Kulang kasi ang kanyang sahod sa pagiging manicurista at pedicurista, kailangan na kailangan niya ng extra income.

4 na oras na siyang naglilibot, ngunit wala paring makitang trabaho, nagpasiya siyang umuwi na lamang at magpedicure muna, sayang naman ang oras na ilalaan niya.

" ohh ella! Musta bakla?" Malugod na bati ni arabela kay ella, masaya siya nitong sinalubong ng fist bomb ng makaapak siya sa salon na kanilang pinagtratrabuhan.

" heto! Ayshhh nakakabadtrip" bumuntong hininga siya at tumungo sa kusina ng salon para magsalin ng maiinom.

" nakakapagod namang mahhanap ng trabaho beh! Sobrang nahahagard ang feslak ko"! Hirit niya at lumapit kay arabela upang makipagkwentuhan

" sabi ko naman sayo ella, hindi madaling maghanap ng trabaho, kaya nga ako ohh! Kahit college graduate ay napadpad parin sa salon" tukoy ni arabela sa sarili

" kaya nga beh! Ano pa kaya ako na di hamak na nakatungtong sa college man lamang" dismayadong saad niya

" behh! Wag ka ng malungkot! "
Pagpapalakas loob ni arabela  sa kaibigan

" haysh! Sige na nga behh! makakahawa lang ako ng Badvibes ko rito, okay cheerup na me behh" lakas loob niyang hirit

" good behh! Sige ganito nalang, ngayong araw magtrabaho ka muna dito sa parlor okie? Tapos mamaya kokontakin ko lang yung baklush kong frenny na nag-alok sa akin ng trabaho, tapos ibibigay ko nalang sayo yung buong detalye okie"

" talaga behh?"
Di makapaniwalang tanong nito

" talagang- talaga"

" anong travlakush beh?" Tanong ni ella

" sabi ni cindy behh! Magiging assistant-

" assistant manager?" Sabat ni ella

" sira! Gagi behh! assisant ka behh! Alalay! Maid! Katulong"

" behh naman! libre mangarap"

" yung na  nga behh! Pero wag super high! Malanding hagikgik ni arabela

" salamat behh" pasasalamat sabay yakap sa kaibigan

" basta ikaw behh, basta beh ha?Yung
Chuvlakush mo! Baka atakihin! Ingat ingat ha? Balita ko sobrang sungit daw ng boss mo, baka pahirapan ka non" paalala ni arabela

" naku!behh! Si mAriella Joseffina pa ba? Neknek ng boss ko! Kayang kaya na yun ni me! Si me pa ba" hirit nito sabay tili dahil sa kasiyahang may posibilidad na magkakatrabaho na siya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 30, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Alalay of that badboyWhere stories live. Discover now