Valentine's Day :">

51 2 0
                                    

Valentines Day, maraming mga couples ang nagkalat. Nagsisipag date at marami din ang mga loner. Gaya ko. Ako nga pala si Gwen Solis. Isang simpleng babae na kahit kailan ay hindi nagkaroon ng boyfriend lalo na ng manliligaw. Pag ganitong Feb. 14 kami ang nagaayos ng mga booth. Wala naman kami ginagawa ee. 

"Miss, magkano sa rose?" sabi nung lalaki.

Napatingin ako, siya yung transferee. Lester Fabricante ang name niya, Ngayon ko pa lang kasi siya nakita ee kaya baka siya yung sinasabi ng principal namin bagong student galing ng public school. 

"20 pesos po. Kahit anung kulay." -Gwen

"kahit anung kulay?" - Lester

"opo, may blue, may purple, pink at green."- Gwen

"Wow. anung kulay ba maganda diyan?"-Lester

"Para sakin, kulay green. Green Rose kumbaga."-Gwen

"ah sige. bigyan mo ako ng 6 anim na piraso. pakiayos may pagbibigyan kasi ako"-Lester

"swerte po siguro nung pagbibigyan niyo, mahal na mahal niyo po siguro yun"sabi ko habang inaayos ang bulaklak. 

Nakita kong ngumiti lang siya habang nagsasalita ako. Inabot ko ang bulaklak, inabot niya yung bayad at umalis na siya. Sinundan ko siya ng tingin, nakita kong inabot niya iyon sa isang matandang namamalimos sa labas.

"ang bait naman pala niya"-Gwen

Nagextend ang school namin ng activity. Naging 5 days ang activity imbis na 3 days lang. ang saya! madaming mga booth ang bumebenta. 

"Miss, pabili ng rose. Yung purple :)"-Lester

"Ikaw ulit, aba! mukhang andami mong pinagbibgyan ah"-Gwen

"hahaha. ganun talaga"-Lester

Umalis na siya. Closing na ng Friday ng activity. Nang may mga Valentine's Day Ball pa. Siyempre aatend ako. Sayang din yun no. Nakadress ako ng red at nakaflats lang. simple lang ang suot ko di gaya ng mga babaeng nakaheels pa.

'Ang ganda mo naman"-Lester

"ooohhh, ikaw pala yan"-Gwen

"Di kita nakilala ah."-Lester

"ikaw rin ang pogi mo ngayo"-Gwen

Halos buong gabi kaming magkasama. Nang gabing yon mamimili ng King and Queen ng Valentines Day. Laking gulat ko ng ako at si Lester ang napili.

"ako?"-Lester

"ako?"-Gwen

Kami ang nanguna sa sayawan, hanggang sa sumunod na ang iba. Tinanung ako ni Lester kung nagkaboyfriend na ako.

"NBSB ako ee" -Gwen sabay ngiti ko

"ang cute mo talaga kapag ngumingiti ka. pati yung mata mo ngumingti"-Lester

Namula ako, alam kong napansin niya yun.

"ikaw nagkagf ka na?"-Gwen

"hindi pa. Ayoko pa. Ayoko pang masaktan.Nagkaroon ako ng mga babaeng crush pero hindi ko sila nililigawan kasi hindi pa umaabot sa puntong mahal ko na sila."-Lester

"aaahhh. Ganoon pala"-Gwen

"Pagod ka na ba? kanina pa tayo sumasayaw ee"-Lester

"medyo, upo na tayo"-Gwen

Naging mabuti kaming magkaibigan ni Lester. Magiisang taon na kaming magkaibigan. Ayan, Valentines Day na naman, syempre gaya ng kinaugalian, may booth ulit. Pero hindi na ako yung nagbabantay. Pumunta ako sa room namin dahil gusto kong magpalamig ng nakita kong may bulaklak sa table ko. May note at nakasulat, "Para sa pinakamagandang babaeng nakilala ko."

Galing kaya kay Lester 'to. Napaisip ako, kaya lang ayokong magassume. May nakita akong anino sa labas ng room, hinabol ko pero nawala yung tao. Sino kaya yun?

"hoy."-Lester

"oh bakit?"-Gwen

"kanino galing yan?"-Lester

"hindi ko alam"-Gwen

Halata ko ang lungkot sa mata ni Lester. Pero hindi ko pinansin yun dahil baka may problema lamang siya. Hanggang sa araw araw na akong nakatanggap ng bulaklak. :) puro white roses. Nagtataka na ako kung sino ito. Hanggang sa dumating ang kaarawan ko. May nagpadala ng bulaklak. Green Roses? Hindi kaya si Lester ang nagpapadala ng mga bulaklak?

Tinawagan ko si Lester.

"Hello?"-Lester

"Lester, ikaw ba yung nagpadala nung green roses?"-Gwen

"aahhh, yun ba OO"

"eh yung mga white?"

"hindi, alam ko ang gusto mo green ee."

Naputol ang tawag. Kinakabahan ako.Pumunta ako ng school, naalala ko gagawa nga pala siya ng project niya. Hanggang sa nakita ko si Lester na nakahiga sa sahig na walang malay. Dinala ko siya sa ospital. Naiiyak ako, pero hindi ko alam kung bakit.

Lumabas ang doctor, ligtas na daw siya pero kailangan pa rin niyang magpahinga. Nagising na siya ng biglang.

"Sino kayo?"

"ako 'to si Gwen"

"Gwen, wala akong kilalang gwen?"

"Nagkaroon siya ng traumatic amnesia, sabi ng doctor"

Traumatic Amnesia, tumatagal lang daw ito ng linggo, buwan o taon. Pero bumabalik din ang memorya.

Inalagaan ko siya at lagi ko siyang dinadalan ng green roses. Lagi niyang tinatanung kung bakit Green Roses ang dala ko. Pero hindi ko na ikinuwento dahil baka maiyak lang ako.

Pwede ng lumabas ng ospital si Lester, magaling na siya pero hindi pa rin niya ako naaalala. 

Pauwi na ako galing sa kanila ng. . 

"Kamusta , Gwen?"

"sino ka?"

"hanggang ngayon ba hindi mo pa rin ako kilala, ako yung nagpapadala sayo ng whiter roses, at ako rin ang bumugbog kay Lester" - Carl

"Carl?"

"oo ako nga. Balita ko may gusto sa yo si Lester, kaya binugbog ko siya at pinukpok ng batuta sa ulo para mamatay na pero mabait talaga ang panginoon sa kanya , binuhay pa siya nito"

"walanghiya ka" malakas na sigaw ko.

Lester's Part

Natutulog si Lester ng bigla siyang napabangon. at sinambit ang salitang GWEN. Nakakaalala na siya. :)

Tumakbo siya palabas ng bahay dala ang kahoy na nakasandig sa pader. hinanap niya si Gwen, may narinig siyang sumisigaw.

"Gwen? GWEN!"

"Lester, tulong"

Boses nga iyon ni Gwen. Tumakbo siya paparoon sa lugar kung saan galing ang mga sigaw, nakakita siya ng bakas ng dugo. Kinakabahan na siya. Nakita niya si Gwen na hinahabol ni Carl dala ang isang kutsilyo, malamang ay sinaksak na ni Carl si Gwen.

Pinalo ng kahoy ni Lester si Carl, natumba ito, hinampas niya ito ng hinampas. Tumawag sila ni Gwen ng tulong at nang bumangon si Carl nakapalibot na sakanya ang maraming tanod,

"buti at buhay ka?"-Lester

"naaalala mo na ako?"-Gwen

"oo, pwede ko ba namang kalimutan ang babaeng pinakamamahal ko"

THE END.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 14, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Valentine's Day :">Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon