Ang Crush kong Pabitin

110 1 0
                                    

Reign's POV


"Mahal kita Reign..." sabi niya at hinawakan ang dulo ng baba ko para i-angat ang tingin ko sa kanya


Those eyes...


Parang hinigop ako ng kanyang mga mata na punong puno ng emosyon at isa na doon ang pagmamahal...


"Mahal rin kita Prince..." sabi ko rin sabay ngiti sa kanya


Unti-unting lumalapit ang mukha namin sa isa't isa hanggang isang dipa na lang ang layo ng mukha namin...


Napapikit na lang ako at hinintay na lumapat ang labi niya sa labi ko...


Natigilan ako nang mapansin ko na parang matigas ang labi na lumapat sa labi ko...
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
TE-TEKA??? MATIGAS??!!


Dali-dali kong binuksan ang mga mata ko at isang libro agad ang nakasalubong ko na nakatakip sa nakanguso kong labi. Nahagip ng mga mata ko si Prince nahawak-hawak ang libro na kasalukuyang na sa tapat ng nguso ko at nagpipigil ng tawa...


Bwesit akala ko totoo na ehhhh! Huhuhu! Bakit na cut pa...Bitin!


"Mukhang masarap atang humalik ngayon sa libro ah? di'ba bespren? Mahal mo na ba? " Sabi ni Prince sabay taas-baba ng kilay niya....


Hindi ako nakasagot sa kanya dahil natulala na'ko sa kagwapuhan ni bespren. Oo, tama ang narinig niyo na magbestfriend kaming dalawa...


Ang sakit lang noh? Hindi pa nga ako nakakaakyat ng ligaw na friendzone na agad ako and worst may best pa na word sa unahan ha...


Pero siyempre hindi ako manliligaw sa kanya noh! Nakakahiya naman sa kanya na babae pa 'yung manliligaw sa lalaki....Ano siya? Sinuswerte?


Four years na kaming magkaibigan pero walang improvement na nagaganap. Transferee siya noon at dahil feeling close ako... Kinulit ko siya hanggang napapayag ko na maging kaibigan ko.


Kung inaakala niyo na ganun lang kadali maging kaibigan siya...Pwes diyan kayo nagkakamali! Halos ilang linggo ko ata yang kinulit hanggang sumuko na siya kaya ayun. Nagkaroon na siya ng instant bestfriend na isang magandang binibini na katulad ko.


Napatingin ulit ako sa mukha niya. Kung tutuusin prefect ang facial features niya sobrang gwapo at maganda ang pangangatawan niya. Ang mga mata niyang mapupungay, ang matangos niyang ilong, at ang pinkish kissa--


"Oh? Wag mong sabihin inaantok ka na naman? Kanina pa kaya ako nagsasalita dito pero pagtingin ko ang sarap ng tulog mo at dagdagan mo pa ang nakanguso mong nguso! Ang sarap magday-dreaming noh?" Sarkastikong sabi niya sa akin kaya napapeace sign na lang ako sa kanya. Nakakahiya >_< Natulala na pala ako...

Ang Crush Kong Pabitin (one-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon