Special Chapter 2 : TRUE Feelings

1.2K 27 9
                                    

@HersheysEduarte at @ViancaIsabelMariano . Ito na ang request nyo! HAPPY READING SA INYONG LAHAT! 

HAPPY READS! THANK YOU VERY MUCH FOR KEEP SUPPORTING! :*

__________

Joaquin's POV 

"Ano bang sasabihin mo?" Tanong ko kay Hersheys na katabi ko ngayon. 

Nandito kami sa may playground ng Subdivision namin. Sabi n'ya, magkita daw kami kasi may importante s'yang sasabihin. 

"Joaquin, kailangan ko ng bumalik ulit ng Amerika. May kaguluhan kasing nagaganap doon, laban iyon ng gang namin sa ibang gang. Kaya bago ako umalis bukas, kailangan ko munang sabihin ito.." Rinig ko pa ang pagbuntong hininga n'ya habang nag-duduyan kaming dalawa. 

Bigla naman akong kinabahan na ewan, bumiis kasi ang tibok ng puso ko. Kung babalik na s'ya ng Amerika, sigurado akong matatagalan na naman ang pagbabalik n'ya. 

"A-ano bang sasabihin m-mo?" Nauutal na tanong ko. Kinakabahan talaga ako, parang may kakaiba kasi sa kanya ngayon. 

Bigla s'yang tumigil sa pag-duduyan at ganun din naman ako.

"Alam mo Joaquin, gusto kita. Matagal na, ayoko lang na malaman mo dahil baka iwasan mo ako o mailang ka sa akin. Pero ngayong aalis na ako, kailangan mong malaman ang totoong nararamdaman ko. Gustong-gusto kita Joaquin, hindi pala, mahal kita, kaso mali eh. Kasi hindi mo naman ako mahal, si Sharlene ang mahal mo diba? Pero ok lang, ok lang ako. 'Yon lang ang sasabihin ko, salamat sa pakikinig, paalam...."

Tumayo na s'ya at mag-lalakad na sana paalis ng hawakan ko ang kamay n'ya. 

"Hersheys, I'm sorry. Sorry kung hindi ko kayang turuan ang puso kong mahalin ka, pero sana pagdating ng tamang panahon, mahanap mo ang lalaking nakatakda para sa'yo. Iintayin ko ang muling pagbabalik mo, paalam...." Binitiwan ko na ang kamay n'ya at tuluyan na s'yang naglakad paalis kasabay ng pagtulo ng mga luha ko. 

Bakit? Bakit ako nasasaktan na aalis na s'ya? Bakit parang ayokong umalis s'ya? Bakit ako umiiyak? Bakit gusto ko s'yang pigilang umalis? 

At bakit ..... Parang gusto kong ako nalang ang lalaking nakatakda para sa kanya? Bakit? 

Sana matapos ang ilang taon, malaman ko ang sagot sa mga katanungan ko. Iintayin ko ang muli mong pagbabalik, Hersheys, paalam.... 


Meanwhile at San Pedro's Beach .... 

Brace's POV

"Payatot!" Asar ko kay Vianca sabay takbo. 

Nandito kaming dalawa ngayon sa Beach nila Sharlene, bonding lang... 

"Bwiset ka talagang matakaw ka! Lagot ka sa 'kin kapag nahabol kita!" Rinig kong sigaw n'ya sa likod ko habang hinahabol ako. 

" 'Wag ka ng umasang mahahabol mo ako. Payatot ka kasi eh!" Natatawang sigaw ko rin sa kanya habang pauloy na tumatakbo. 

"Ang kapal talaga ng mukha mong matakaw ka! Patay ka talaga---- 

"Aray!" Napatigil ako sa pagtakbo at napatingin sa kanya. Agad akong napatakbo papalapit sa kanya para tulungan s'ya. 

Sh*t! Nadapa s'ya! 

Agad ko s'yang inalalayang tumayo, "ok ka lang ba?" Tanong ko pagkatapos n'yang makatayo. 

Revenge Is MINE (Nashlene & Sharquin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon