Fight #17: Iwas

119 4 8
                                    

Sizzi's Punch

Napakunot ang noo ko no'ng hindi ko makita si Sizzi pagpasok ko ng room.

Hindi na naman pumasok ang babaeng 'yon.

Kahapon ay absent si Sizzi at walang may alam ng dahilan.

Ako nga ang tinanong mga teachers kung nasaan siya.

Eh hindi ko nga rin alam.

Kahapon ko pa siya tinatawagan pero hindi niya sinasagot. Tinatadtad ko na ng texts pero hindi rin nagre-reply. Pinuntahan ko na rin sa apartment niya, pero wala siya do'n.

Saan na naman pumunta ang babaeng 'yon? Pinag-aalala na naman ako! Ni hindi man lang sinabi kung saan siya pupunta.

Bakit naman niya sasabihin sa'yo? Boyfriend ka ba niya?

Nagulo ko ang buhok ko sa iritasyon. Hindi ba pwedeng ipatanggal 'yong nakakabwisit na parteng 'yon ng utak natin? Nakakabanas eh!

Kahit sina Rica, tinatawagan na siya pero hindi rin niya sinasagot. Hindi rin nagre-reply sa mga texts nila.

Baka mapahamak na naman 'yon eh!

"Wala pa rin si Sizzi?" Parang tangang tanong ni Clark.

"Nakikita mo ba si Sizzi ngayon?" Sarkastikong tanong ko.

"Oh, chill lang pare, umagang-umaga ay high blood ka kaagad." Sabi ni Clark.

Napa-tss na lang ako.

"Tinanong ko na si Kysler pero hindi rin daw niya alam. Ni hindi nga rin daw nasagot sa mga tawag at texts niya." Sabi naman ni Jayzee.

Napatingin ako sa kanya.

Nagkibit-balikat si Jayzee. "Malay mo, alam ni Kysler, close naman sila eh. Pero hindi raw talaga niya alam."

Napabuntong-hininga ako.

Pagkatapos kasi no'ng nangyari sa canteen, nag-absent agad si Sizzi kinabukasan no'n, at kahapon nga 'yon. Tapos hindi na naman pumasok ngayon.

Iniiwasan kaya niya ako?

Hindi ko ba dapat ginawa 'yon?

Dapat ba, hindi ko muna pinaramdam sa kanya ang nararamdaman ko?

Gusto ko lang naman kasing mas magkalapit kami. Pero mukhang kabaliktaran ang nangyari.

I pushed her away from me.

Umupo ako sa upuan ko at napahilamos ako sa mukha ko.

This is frustrating, really frustrating.




Sizzi's Punch

"Hindi ka na naman papasok Sizzily?" Tanong ni Mama sa akin.

Umiling lang ako.

Napabuntong-hininga si Mama at hinainan ako ng almusal.

"May problema ka ba anak?" Tanong ni Mama sa akin.

Nakatitig lang ako sa pagkaing nasa harap ko.

Actually, nagulat sina Mama no'ng pagbuksan nila ako ng pinto no'ng makalawang gabi.

Hindi ko rin naman alam kung bakit ba ako pumunta rito sa bahay.

Matapos kasi no'ng nangyari sa canteen ay sobrang nailang ako kay hinayupak.

Ang hirap kaya, lalo at seatmates kami. Buti na nga lang at hindi niya narinig no'n ang lakas ng tibok ng puso ko.

Nakakatakot nga kasi baka may sakit ako sa puso.

Fight Until the End (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon