When she left, my heart follows.
-----#
"Edmund saan ka na ba? Ang tagal mo naman."
"Eto na nga, konting hinga na lang."
"Dalian mo gusto na naming umuwi!"
"Taragis naman eto na nga oh!"
Sa inis ko binabaan ko ng tawag si Claire. Tokneneng na vice yun. Dapat katulong ko siya sa pamimili ng decorations para sa Christmas party namin. Hirap talaga pag napagtripan ng mga kaklase bilang class president. Nasa akin tuloy ang buong responsibilidad. Sa akin nakaasa ang lahat. Paano na lang pag wala ako, mabubuhay pa kaya sila niyan?
Tumingin ako sa wrist watch ko. Maaga pa naman. Mga classmates ko talaga atat masyado. Ako na ngang nag-volunteer pumuntang NBS para mamili ng mga gagamitin namin dahil aabutin kami ng siyam siyam doon kakadecide kung sino ang mamimili, magdedesign, magdedecorate, at ang mga makiki-moral support lang.
"Ang tagal naman mag red light," inis kong bulong sa sarili habang nakiki-countdown sa stop light. Kung pwede lang mag jaywalking eh, kaso may malaki na kasing karatula na sumasampal sa akin para sabihing 'May namatay na dito'.
"Hmmm...hmmm..."
Napalingon ako sa katabi kong babae na kanina pa hum ng hum habang nakapikit. Payat na maigsi ang buhok at ang puti puti. Yung damit niya pa parang kakagaling lang sa tulog dahil naka pajama pa.
"Hmmm..."
Umiwas na ako ng tingin dahil baka mapansin pa ako. Ang weird naman kasi niya.
*peep peep
"Miss!"
"Ah!"
"Ano ba yan? Magpapakamatay ba kayo? Tumawid nga kayo ng maayos!"
Sinundan ko na lang ng tingin yung sasakyan ni manong na kamuntikan pang bumangga dito sa babae.
"Ano bang problema mo? Bakit ka ba tumatawid ng basta basta?!" singhal ko sa kanya. Ako ang kinakabahan sa kalokohan niya eh.
Paano naman, tatawid ng nakapikit ang mata. Sinong baliw ang gagawa noon?!
"S-sorry."
Hindi ko na nagawang magsalita dahil mukhang iiyak na siya. Bumitaw na rin ako sa pagkakahawak sa braso niya at nakita kong nagkapasa iyon. Grabe namang ka-sensitive ng balat niya. Sabagay mukhang napahigpit ang kapit ko sa kanya. Hah, pasalamat nga siya sa akin mabilis ko siyang nahila palayo doon sa dumadaang sasakyan.
"Sa susunod kasi mag-ingat ka," sabi ko na lang at pinulot ang mga naglalaggang design materials.
Paalis na ako ng bigla niya akong tinawag. "Oy!"
Aba, mukha lang palang inosente ang isang yun. Angas ng pagkakatawag eh. Bahala siya diyan... di ko siya lilingunin, tss.
"Huy lalaking taga Riverdell High!"
Napatigil ako sa paglalakad. Paano niya nalaman kung saan ako nag-aaral?
Napatingin ako sa suot. Nyemas naman naka-uniform pa pala ako. Paano eh diretso ako ng bookstore pag-uwi. Tas babalik na naman ako ng school para magdecorate ng classroom.
"Ano ba yun?" tanong ko paglingon ko sa kanya.
Naghand gesture siya na tipong pinapalapit ako. Ako naman tong uto-uto na lumapit nga.
"Gusto mo?"
Nablangko ang mukha ko ng ipakita niya sa akin ang isang strawberry flavored lollipop. At ngayon ko lang din napansin na may subo subo pala siyang lollipop.
Teka... pinalapit niya ako para dito? Aba't galing ata tong mental eh.
Napangiwi na lang ako at tumawid kahit kanina pa natapos ang red light. Bahala na. Wala naman nang nadaan na mga sasakyan kaya tatawid na ako basta makalayo dito sa weirdong babae.
Nang nasa kabilang kalsada na ako, narinig ko na namang tinawag niya ako.
"Edmund Villasor!"
Sheeeeeet! Nakita pa yata ang I.D ko.
Hindi ko na lang pinansin at nagpatuloy sa paglalakad.
"Yung sintas mo hindi nakatali!"
Tumigil ako para tignan ang sintas ko... na wala naman dahil naka-black shoes nga pala ako.
Inis akong tumingin sa babae na ngayon ay tawa ng tawa.
"Ang saya mo pa huh. Masagasaan ka na talaga sana," bulong ko at naglakad ulit.
This time, wala na talaga akong pake kahit ilang beses niya pa isigaw ang pangalan ko at kahit ang lakas lakas ng tawa niya na halos gumulong na siya sa gitna ng daan.
Bwisit na babae. Retard!
---------
This is Fangirl's Medley's side story of Edmund. Click external link for FM story.
© MyBurning Wattpad