CAROLINA

6 1 0
                                    

“LEXTER..!”

Kasabay nang pag-alingawngaw ng malamyos na tinig ay ang pagbalikwas ni Lexter ng bangon. Nilingon niya ang Ina na noon’y mahimbing na natutulog sa papag. Hapong napahilamos siya sa mukha at bumaba ng higaan pagkaraan upang magpahangin sa tapat ng bintana.

Ilang gabi ng ganito si Lexter dahil sa madalas na pagdalaw ng estrangherang babae sa kaniyang  panaghinip. Hindi  niya maintindihan  kung bakit sa dinami-dami ng lugar sa Pilipinas ay dito pa  naisipang gugulin ng kaniyang Ina ang bakasyon niya ngayon undas. Sa San Isidro, isang maliit na Isla sa Samar, kung saan kailangan pang bumyahe ng mahigit tatlong oras sakay ng isang lantsa. Malayo sa siyudad. Walang kuryente.  At animo’y nagpalutang-lutang na bundok sa malawak na karagatan.

“Lexter..!”

Awtomatikong napako ang mga mata niya  sa malaking puno ng balete ‘di kalayuan sa kubo. Makailang beses niyang ikinurap ang mga mata sa pag-aakalang namamalikmata lamang subalit mas lalo lamang lumilinaw ang pigura ng isang babae sa ilalim ng liwanag ng buwan. Nagliliwanag ang kulay puting bestida na suot nito dahilan upang maaninag ni Lexter ang mukha; napakaamo niyon, idag-dag pa ang mga matang tila nababalutan ng misteryo kung tumingin. Ang mahabang nitong buhok na sing-itim ng gabi ay sumasabay sa bawat pag-ihip ng hangin.

Ramdam ni Lexter ang pagtayo ng mga balahibo sa batok sa kabila ng kaakit-akit nitong mukha. Mabilis niyang isinara ang bintana at bumalik sa higaan.

“Lola Soning, may kapitbahay ho ba kayong dalaga; mahaba ang buhok at maputi? Maganda ho siya.”  tanong ni Lexter kinaumagahan habang nagkakape sa tiyahin ng kaniyang Ina. May katandaan na ito.

“Come on, baby. Tatlong araw pa lang tayo rito umandar na agad ‘yang pagkapalikero mo.” singit ng kaniyang Ina.

“I just saw her last night, ‘Ma.”

“Saan, Apo?” bigla ay tanong ng matanda. Sumeryuso ang mukha nito.

“Diyan lang ho sa puno ng balete,” ang sagot ni Lexter. “ang weird nga ho, eh. Siya ho ‘yong babae sa panaghinip ko.”

“Baka naman isa ‘yon sa mga pinaiyak mo sa Maynila. Sinundan ka hanggang dito.”

“Funny, ‘Ma.” naiiritang buga ni Lexter sa Ina. Ito ang dahilan kung bakit siya nandito. Kesyo tumino raw siya kahit papaano kapag nalayó sa barkada.

“Huwag kang nakikipag-usap sa mga hindi mo kilala. Ni tumanggap ng mga bagay o kumain ng mga inaalok nila. Naiitindihan mo ba, Lexter?” babala ng matanda.

Hindi maintindihang tumingin si Lexter sa Ina, subalit nagkibit lamang ito ng balikat.

KINAHAPONAN ay lumabas si Lexter upang magpahangin. Sa tingin niya ay masisiraan siya ng bait kapag tumagal pa sila sa lugar.  Walang happenings. Wala siyang kakilala.

“Huwag lalayo, Lexter, hah!” sigaw ng kaniyang Ina mula sa bintana.

“Oho!” sagot niya na umupo sa malaking bato. Inilabas niya ang cellphone mula sa bulsa at naglaro ng offline game. Subalit nahinto iyon dahil sa  paglitaw ng mga paang nakayapak sa harapan.

“Lexter..”

Bigla ang pag-angat ni Lexter ng mukha. Sa takot ay mabilis siyang tumayo at tinalikuran ang babae pero bigla na lamang itong bumulaga sa  harapan niya, nakangiti.

“Don’t you come near me. Tatamaan ka sa akin.” babala ni Lexter. Pero mukhang hindi man lang ito natinag.

“Huwag kang matakot. Ako si Carolina.”

Hindi na nakapagsalita pa si Lexter, at nakatunghay na lamang sa maamong  mukha ng babae.  May kakaibang kislap ang mga mata nito at nahihepnotismo siyang titigan ang mga iyon.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 13, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

CAROLINAWhere stories live. Discover now