True story ☆

33 3 4
                                    

I TRIED

One shot story. @youronlycupcake

---

Dati, hindi ako naiilang sa kanya.

Pero ngayon, mapalapit lang sa akin siya ng konti, kinakabahan na ko.

Dati, nakikipagkulitan ako sa kanya palagi.

Pero ngayon, madalang na kami mag-usap.

Dati, pag-inaasar niya ko sobrang naiinis ako sa kanya.

Pero ngayon, hinahanap-hanap ko siya pag di niya ako inaasar.

Dati, classmate slash close friend lang kita.

Pero ngayon, gusto ko na siya.

---

Eto ako ngayon nagbabasa sa wattpad.

Ka-adik e. Kahit buong araw ako magbasa, hindi ako nagsasawa.

Yung tipong maiiyak ka, kikiligin ka, maiinis ka dahil sa kontrabida.

Pero ngayon, feeling ko yung mga nababasa ko nakakarelate na ko.

Dati nagbabasa lang ako, pero feeling ko ngayon ako na ang nasa story.

Yung tipong parang ako yung gumawa nung story?

"Jeshaaaaa!"

Hay nako eto talaga si Jerome. -.-

"Patulong naman sa Math assignment natin!"

"Hays. Hindi ka na naman gumawa?"

"Psssh, tutulungan mo naman ako diba?diba?"

"Makakatanggi pa ba ako Jerome? Ha?"

"Yehey! The best ka talaga."

Ganyan kami ka-close.Palagi naman ganyan siya e. The best daw ako.

The best nga ba?

---

Hays! Kapagod talaga sa school.

Makapag-facebook nga muna ng makita si crush. Haha.

Mamaya na assignments at review. Haha.

Log in.

Scroll.

Scroll.

Scroll.

Scroll.

Scroll.

*JEROME MESSAGED YOU*

"Hi bebe!"

"Bebe?"

"Haha! Yun tawagan natin ha?"

"Ah, okay?"

"Cge yun lang, Goodnight bebe!"

"Cgecge."

"San kiss ko?"

H-HA?

"Hala. Haha."

"Ayyy. :("

"Mwah. :* "

"Yun! Bye bebe!"

Bebe? Tawagan namin ni jerome? Ni hindi nga kami mag best friend or mag-on.

Di kaya may gusto siya sa akin?

Kinikil--- teka.  Mali e. Nag-aassume ako.

Tsaka, kinikilig? Hindi pwede,friends lang.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 25, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I triedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon