Dedicated 'to sa lahat ng masisipag kumain. Ehehehe!
Pasensya na nagke-crave ako ng French cuisine nung mga panahong isinusulat ko 'to.
---------------------
"Grabe! Sabi nung manghuhula, na-meet ko na raw 'yung soulmate ko! I.M. daw ang initials!"
"Talaga? Baka si Ice Muñoz na 'yun!"
"Naku sana nga!"
"Uy samahan mo ko sa kanya. Gusto ko rin magpahula."
"Sige, sige. Mamayang pag-uwi natin, diretso tayo sa kanya."
Pssh...Manghuhula...
Hello?!!! 21st century na. Nagpapapaniwala pa sila sa mga hula-hula na yan.
Ano naman kaya 'yun?
AY! Nakalimutan ko magpakilala. Ako nga pala si Sugar Perez. Labing walong taong-gulang. Second year college. Miss Popular. Negatively. Suplada at masungit DAW kasi ako.
"GARDO!"
Ugh. Si Ice 'yun. Yung asungot sa school at tanging tao na hindi nasisindak sa kasungitan ko.
Pre-school pa lang kasi kami, magkaklase na kami parati. Best friends pa yung mga ate namin.
'Gardo' ang tawag niya sakin kasi hindi daw bagay sakin ang Sugar. Sweet daw kasi.
-_-
"Ano na naman?!"
"Wala lang. Na-miss lang kita. Alam mo namang hindi kumpleto ang araw ko 'pag di kita nakikita."
"'Tado!"
"C'mon! Alam mo namang ikaw ang ultimate crush ko kaya natural lang na maganda ka."
"Whatever."
"Pa-kiss."
tinaas ko yung kamao ko.
"Kiss mo kamao ko."
Sira-ulo talaga 'tong mokong na 'to kahit kailan.
*smack*
O_O
ANAK NG~!!!
"'Bye, Gardo! See you later!"
Aba't kumindat pa ang mokong!
OH SHIT!! Hindi na virgin pisngi ko!
"HOY! Sira-ulo ka! 'Wag ka nang magpapakita sakin!"
------------------
Ugh. Gagong 'yun. Ninakawan ako ng halik.
"Sugar, are you okay? Hindi mo ginagalaw yung pagkain mo. Gusto mong umorder ng bago?"
"No, Ate. I'm fine. Medyo busog pa kasi ako."
Siya nga pala ang Ate Yen ko.
Negosyante. ATM ko nga siya eh. Hehe.
Total opposites daw kami.
Mabait kasi siya, ako daw suplada.
Nuknukan pa siya ng talino.
Ako, normal na estudyante lang.
Pero wala akong pake.
Si Ate kasi yung best friend ko. Well, siya lang yung kaibigan ko.
BINABASA MO ANG
Ms. Sungit + Mr. Kulit = Tarot Cards [One-Shot Story]
Teen FictionMahilig ang mga Pinoy sa mga hula-hula na yan. Pero ako? Eiss! Hula nga diba?