Kabanata 20

2.1K 42 3
                                    

KABANATA 20 — Alok

Nang matapos ang huling kanta ay kinuha ko na ang bag ko sa likod ng bar counter. Nilagay iyon ni Marx doon nang maiwan ko kanina.

Huminga ako ng malalim nang makita si Terrence na naghihintay na sa akin. Hindi siya nakatingin pero naintindihan ko nang ngayong gabi ay hindi maiiba sa mga nakaraan. Ihahatid niya akong muli sa aking bahay gaya ng mga dumaang gabi. Nawala na sa aking sistema ang isang basong alak na nainom ko kanina at kahit maghahating gabi na ay dilat na dilat pa rin ako. Lahat ay dahil sa mga siniwalat ni Terrence sa akin. Hanggang ngayon ay iyon na ang paikot ikot sa aking isipan.

“Marx,” tawag ko nang makita ko si Marx sa loob ng bar counter. Ngumiti ako sa kanya. “Baka ito na ang last night ko.” Sabi ko. Hininaan ko ang aking boses. Kahit na nasa malayo lang si Terrence at dalawang tainga niya ang gumagana ay mukhang hindi niya ako naririnig.

Bumilog ang mata ni Marx. Natigil siya sa kanyang ginagawa. Naghahalo siya ng alak dahil bartender din siya ng rito.

“Ha? Bakit? Aalis ka na?” Sumulyap siya kay Terrence.

Isang ngiti ang aking binigay sa kanya. “Sa tingin ko. Babalik na kasi si Ivan.” Salita ko nang nakahilig sa kanya. Nasulyapan ko ang ilang waiter na napatingin nang banggitin ko ang pangalan ni Ivan.

Sa pagkakaalam ko, si Terrence at Marx lang ay may alam na may kaugnayan ako kay Ivan.

Tumango siya sa akin. “So nakausap na ni Terrence ang asawa mo?” tanong niya.

Bumuntong hininga ako at umiling. “Hindi ko asawa si Ivan, Marx.” Sabi kong ikinalaglag ng panga niya.

“What? Eh sabi ni Terrence?” Naglaro sa mga mata niya ang kalituhan.

Tumaas ang gilid ng aking labi. “Alam na ni Terrence na hindi ko asawa si Ivan. Hindi nalang namin nasabi sa’yo.” Humihingi ng tawad ang mga tingin ko sa kanya. “Ang totoo niyan ay pinsan ko si Ivan.”

Umawang ang kanyang bibig. “Pinsan? Bakit ang sabi ni Terrence…” pahina ang kanyang boses at agad kong nalaman kung bakit.

Naramdaman ko ang presensya ni Terrence sa aking tabi. Parehas lumipat ang tingin namin ni Marx sa kanya habang siya ay walang ibang tiningnan kundi ako. Lumunok ako sa mga tingin niyang wala na namang ibig sabihin. Mas nakakatakot ang mga mata ni Terrence kapag ganyan iyon at wala kang mabasang kung anong emosyon.

“Let’s go.” Aniya sa malamig na tono.

Lumunok akong muli bago bumaling kay Marx. “Aalis na ko, Marx. See you!” Ngiti ko.

“Mag-ingat ka, Therese.” Aniya sa akin. “Magkikita pa naman tayo ulit?” May halong biro ang tono niya.

“Oo naman.” Ngisi ko at humarap na kay Terrence.

Hiram Na Pag-ibig (Formosa Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon