Prologue

420 29 10
                                    

Picture above is Arabella. For imaginary purposes only.

Belle's POV

Nakayukong tinutulungan ako ni mama na mag-impake ng mga damit ko. Kailanman ay hindi ako nakaramdam ng tuwa dahil sa mga nangyayari. Aalis si mama. Susunod siya kay Papa sa America para magtrabaho doon.

Noong una ay ayaw sana ni Mama na iwan ako. Pero dahil na rin sa mga pangyayari na nagkita sila ng bestfriend niya na matagal na panahon ng hindi niya nakikita ay tuluyan ng nagbago ang isip nito.

Bukas na ang alis ni Mama papuntang America. Nakita ko ang ticket niya na sa JFK ito lalapag. Sinearch ko pa iyon sa internet kung saan banda iyon sa America. Sa New York pala iyon.

"Anak, alam ko na galit ka sa akin dahil aalis ako. Para sa iyo itong ginagawa ko anak. Gusto kitang bigyan ng maginhawang buhay." Saad ni Mama sa akin.

Pansin niya pala ang lungkot ko. Dahil na rin siguro sa pananahimik ko. Hindi ako yung tipong tahimik kapag kasama ko si Mama. Madaldal ako pag si Mama ang kasama ko.

"Naiintindihan ko naman yun, Ma. Siguro, hindi lang ako sanay na pati kayo ay hindi ko makakasama." Sagot ko sa kanya. Parte iyon ng katotohanan. Pero yung totoo ay nagtatampo talaga ako, dahil parang kay dali lang para kay mama, na iwan ako.

Bakas sa mukha ni Mama ang lungkot. Alam niya na higit pa doon ang hindi ko sinasabi. "Balang araw, maiintindihan mo rin anak. Kailangan ko itong gawin, para sa pamilya natin." Sagot ni Mama sa akin.

Ngumiti na lamang ako dahil wala na akong magagawa at hindi ko kayang pigilan si Mama sa pag-alis.

Okay naman kami ni Mama nitong mga nakaraang taon. Ni walang balak si Mama na umalis para mangibang bansa. Pero nitong nakaraang buwan ay pansin ko ang tila pagkabalisa ni Mama. Hindi ko alam kung bakit dahil noon tinanong ko si Mama kung okay lang ba siya ay lagi nitong sinasabi na okay lang daw siya.

Regular na tumatawag naman si Papa sa amin. Pero nakakauwi lamang ito isang beses kada limang taon. Istrikto ang employer ni Papa at hindi basta-bastang nagbibigay ng bakasyon. Pero kung papayagan naman ito at tig-aanim na buwan naman ang bakasyon ni Papa at paid pa iyon. Kaya hindi maiwan iwan ni Papa ang trabaho niya sa America, dahil kahit hindi siya madalas makauwi, pero malaki naman ang benepisyo niya doon.

Kaya nagulat na lang ako ng isang araw na sabihin ni Mama na susunod siya kay Papa. Hindi ko pa nakakausap si Papa dahil si Mama ang laging kumakausap dito. Hindi na rin ako nagpumilit na kausapin si Papa dahil baka masumbatan ko lang.

"Masasanay din ako, Ma." Sagot ko sa kanya at naramdaman ko na lang ang kanyang pagyakap sa akin.

"Mahal na mahal kita, anak. Huwag mong kalimutan iyan." Turan niya sa akin.

Parang may bikig naman sa aking lalamuman pero nagsalita pa rin ako. "M-mahal din kita ma." At hindi ko na napigilan ang hindi umiyak.

Hindi ko alam kung paano ako makikisalamuha ngayon. Hindi ko kilala ang bestfriend ni Mama. Dahil ang huling pagkikita nilang dalawa ay noong kolehiyo pa sila. Tapos ngayon lang din sila nagkita ulit, halos dalawang dekada na ang nakakaraan.

"Anak, mabait naman ang tita Faith mo. May anak din siyang babae na kaedad mo lang din. Alam kong makakasundo mo iyon dahil mabait na bata din iyon." Nakangiting saad ni Mama kahit umiiyak ako.

"Magiging masama ba akong anak, kung hihilingin ko na sana, huwag ka na lang umalis, Ma?" Tumutulo ang luha ko. Lalo na bawat oras ay tila binibilang ko. Pakonti ng pakonti ang oras na makakasama ko si Mama.

Umiling si Mama. "Kailanman ay hindi kasamaan ang humiling ng hindi pag-alis ng isang magulang. Mahal na mahal kita anak. Pero kailangan ko itong gawin. Sana maintindihan mo ako."

Falling To You | Falling Series One |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon