Photo above is Venice. For imaginary purposes only.
Belle's POV
Kahit bakasyon ngayon ay naging busy ako dahil sa pagpoproseso ko sa paglilipat ng university. Pero tinulungan naman ako ni tita kaya napapadali ang lahat.
Mahaba pa ang bakasyon. Ngayon June pa magsisimula ang pasukan and it's still the first week of May. Tapos na rin ako sa enrollment at salamat sa diyos dahil ayon sa evaluation ay regular student ako dahil magkapareho lang ang subjects ng dating school ko at ng St. Charles.
"Kuya, when are you going to visit us here? It's been what? Almost a year already Kuya! I miss you already!" Narinig ko na nagdadabog si Venice habang kausap nito ang nakakatandang kapatid nito sa cellphone. "You won't even do facetime!" Halatang nagtatampo na talaga ito. "No! You always say that. It's a good thing that I already have a bestfriend now—yes, she's living here—of course mom won't tell you, hindi ka naman nakatira dito—she's around my age kuya and she's not a bad influence, we are not even going out."
Nahuhulaan ko na pinapagalitan ito ng kuya nito sa kabilang linya. Nakita ko na sa picture ang kuya niya, gwapo ito pero laging may suot naman na shades kaya di ko makita ang buong mukha. Pero hindi na rin ako nagka-interes na alamin ang itsura nito.
"I'll have mukbang tonight—yeah, you can do facetime so you'll meet my bestfriend." Napatingin na ako doon. Ako yun tinutukoy niya di ba? "Okay kuya, later. Love yah!" At ibinaba na nito ang tawag at tumingin ito sa akin. "We'll have mukbang tonight."
Napakunot naman ang noo ko. "Mukbang?" Isn't that about eating? Nakikita ko yan sa youtube. Mukbang challenge.
"We'll eat tonight with special spiced seafoods. Makikipagfacetime si Kuya sakin at para makilala ka na din niya. He was accusing me na baka bad influence ka daw." Saad pa nito na lalong ikinakunot ng noo ko.
"Paranoid naman ng kuya mo." Komento ko na lang. hindi pa nga ako nakikita ay masama na ang tingin nito sa akin.
"He is, dahil ba naman sa pagiging womanizer niya, kakabahan talaga siya. But just ignore him. Ipapakilala kita sa kanya sa facetime ng matigil na yun sa pag-aakusa." Sagot na lang nito at umupo ito sa sofa sa sala.
"Okay, pero hindi naman yan mukbang challenge di ba?" Tanong ko pa. Malakas akong kumain, pero mas mabuti na yung malinaw.
Umiling naman si Venice. "Nope. But we will eat a lot." Nakangising saad nito. "I have a big appetite as well."
When she said about big appetite, she really mean it. Frustrated kasi itong maging koreana at kumakain talaga ng marami, dahil ganoon naman ang kadalasan na nakikita sa korean girls. They eat plenty.
Sa akin, nature ko na talaga na malakas akong kumain pero hindi man lang nadadagdagan ang timbang ko.
"I eat a lot too, baka nakakalimutan mo." Nakangising sagot ko din sa kanya.
"Kaya nga magbestfriends tayo. We are both beautiful and we have big appetite!" Turan naman nito na talagang proud pa na malakas kaming kumain.
While other girls are just eating salads and leaves. Kulang na lang mapagkakamalan mo ng kalabaw o kaya kambing dahil puro dahon lamang ang kinakain.
"Sige, maglalaro muna ako." Paalam ko naman rito at kinuha ko na ang cellphone ko para buksan ang Mobile Legends. I am playing this game for almost 3 years now. Sikat na sikat ang game na ito, because you need real skills para mas mabilis ang pag-angat mo sa rank.
"Sige, manonood muna ako ng Run BTS." Saad din ni Venice na sumalampak ito at kinuha ang iPad.
We both have different interest. Kung sa kanya ay yung mga KPOP, sa akin naman mga online games. Pero hindi naman ako naglalaro ng Dota. Mas mahirap laruin ang dota dahil nasubukan ko na yun. Kaya hindi ako tumuloy.
BINABASA MO ANG
Falling To You | Falling Series One |
RomanceThey said, falling is one of the thing that is hard to avoid. Falling for someone, the unexpected one is unstoppable. Especially, when he's much older than you, and a brother you never had... How can she escape the strings of destiny, if fate alread...