Chapter 29: Thanks to him

0 0 0
                                    

Ang sarap sa pakiramdam pag alam mong may masasandalan ka sa tuwing hindi mo na kaya at parang tinalikuran ka ng mundo. Kahit papaano gumaan yung pakiramdam ko sa mga sinabi ni Aj. I'm so thankful for having them in my life.

"I know it's hard for you to easily move on but, please unahin mo naman sarili mo 'wag puro ibang tao. I want you to be happy. I want the old Steph. Forget about him because you does'nt deserve someone like him who chose Gale over you...over us." He said while still hugging me.

Humiwalay na ako sa pagkakayakap sa kanya at pinunasan ang mga luhang nagbabadyang tumulo nanaman. Bahagya pa akong nagulat ng biglang inilapit ni Aj ang muka nya sa muka ko at pinunasan ang mga luha ko sabay pag gulo sa buhok ko. Natawa nalang ako at nagpasalamat sa kanya. Wala namang malisya sa akin yung ginawa nya dahil kaibigan ko sya.

'Is that Steph and Aj? Are they together? I thought they are just friends?'

'I don't know...But maybe? kasi magka yakap silang dalawa kanina.'

'Oh my gosh girl look at them! Dali kunan mo ng picture.'

'Ayy...Akala ko si Cath at Aj ang may relasyon hindi pala.'

Napahinto kami ni Aj ng may marinig kaming nagbubulungan sa paligid. Marami na palang taong nakaka kita sa amin. Hindi ko alam kung maiinis ba ako o matatawa sa mga pinagsasabi nila. Napatingin nalang ako kay Aj at ganun din sya. Pareho kaming natawa at napailing.

Umalis nalang kami at inakbayan nya ako na akala mong nananadya pa at pinanindigan yung mga naririnig namin. Dumeretcho nalang kami sa gym. Nang makarating kami ay naghanap na ako ng mauupuan sa side at sya naman ay nakisama na sa mga teammates nya.

"Hoy Steph!" Napangiti ako ng makita kong si Cath iyon

"Kanina ka pa dito?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi naman masyado. Dito na ako dumeretcho kaninang pagpasok ko para may maupuan tayo. Oo pala naalala ko nasa gate palang ako may nasagap na agad akong balita. Ano yung naririnig ko ah?" Biglang tanong ni Cath sa tabi ko na nakataas pa ang mga kilay.

"Ano yun?" Takang tanong ko sa kanya.

"May something ba sa inyo ni Aj? May mga nakakita daw sa inyo na magkayakap. Syempre alam ko naman na wala lang yun kaya nagtatanong lang ako para sure kasi kaibigan ko kayo."

Mga tao nga naman ang bilis mag kalat ng fake news kaya laging napapaaway eh. Napaka toxic na talaga sa pilipinas.

"Bakit nagseselos ka?" Pang aasar ko sa kanya. Napansin ko namang para syang nalungkot sa sinabi ko kaya nangiti ako. Kilalang kilala ko na si Cath at alam kong matagal na nyang gusto si Aj hindi lang nya masabi dahil natatakot sya sa kung anong sasabihin sa kanya ng ibang tao saka feeling nya hindi pa sya handa sa mga ganung bagay.

Alam ko rin na nagseselos sya sa tuwing nalalaman nya na magkasama si Aj at yung girlfriend nitong si Stacy. Bago pa maging si Aj at yung girlfriend nya ay may gusto na si Cath sa kanya pero tinatago lang nya. Si Aj naman ay walang alam sa nararamdaman ni Cath kaya kahit na minsan inaasar nya ito na may gusto sya sa kanya ay wala lang sa kanya kasi biro lang iyon pero di nya alam na sa tuwing sinasabihan nya si Cath nang ganun ay umaasa sya na baka sakali na magkatotoo.

"Wag ka nga umiyak dyan. Hibang ka... kaibigan ko lang si Aj at kita mong may girlfriend siya eh. Masyado kang nagpapaniwala sa mga chismosa. Saka hello?! Nagluluksa pa yung puso ko kay Marcus tas sasabihin mo bf ko si Aj. Tsk!" Saad ko sa kanya habang nakatingin parin sa mga nag wawarm up na players.

Pansin ko naman na habang tumatagal ay dumadami na ang mga tao sa loob ng gym kaya medyo maingay na. Maya maya lang ay magsisimula na siguro ang laro.

I'm In Love with my Childhood FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon