Chapter 31

8 0 0
                                    

Guys naisipan kong dagdagan kasi sabi ng pinsan ko na maikli daw. Kaya heto, dinadagdagan ko na para hindi hanggang chapter 30 lang ako. Medyo nabitin nga ako nung ako na mismo yung bumasa eh.

-----------------------------------------------------

Next week na nga pala ang birthday ni Venus. Ano kaya ang magandang regalo para sa kanya? Nagiisip ako nga magandang ibigay pangregalo nang may biglang pumasok sa utak ko.

Tama, yun na lang pala. Kaya pagkatapos kong ihatid si Venus sa kanila ay pumunta na ako sa mall para bumili.

Halos lahat ng nasa mall ay pinasok ko na pero wala akong magustohan.

Lumabas ako at pumunta sa iba pang tindahan pero wala talaga. Pangit lahat. Walang pumasa sa aking paningin. Naisip kong gumawa nalang ng sarili kong design.

Kaya tinawagan ko si Mark.

"Hello," sagot nya.

"Hello Mark ok pa ba yung materials mo dyan?" tanong ko.

"Oo, bakit?"

"Pahiram ako tsaka tulong na din para maganda ang kalabasan," sagot ko.

"Kelan mo ba gagawin?" tanong nya.

"Bukas pag ok na ang desing ko."

"Geh."

"Geh tol salamat," tapos nag end call na.

Bumili muna ako ng basic materials tapos umuwi na din. Mula 6 ng hapon hanggang hating gabi ko pinagpapaguran tapusin at pagandahin ang design ko. Hinanda ko na din yung basic materials bagp natulog.

7 ng umaga alo gumising. Buti nalang at sabado ngayon, hindi ko kelangan bumangon ng maaga. Napuyat talaga ako kagabi. Kumain muna ako ng breakfast tapos tinext ko si Mark ng "tol punta nalang ako jam mamaya ng 9.

Sinakbit ko na yung bag pagkatapos maligo at naglakad papunta sa bahay nina Mark. Welcome naman ako doon kasi kilala ko naman yung parents at mga kapatid nya. Kilala din naman nila ako.

"Tol ano bang gagawin?" unang tanong sakin ni Mark pagdating ko sa kanila.

Napatawa nalang ako bigla sa sinabi nya.

"Ano ka ba, basta ihanda mo yung materials at tumulong kana din."

"Ok," tapos kinuha nya na yung materials para magsimula na kami.

Pinakita ko muna sa kanya yung design ko. Kinuha nya naman yon tapos sya na daw ang bahala. Ako naman ang nagset ng ibang pang gagamitin. Natapos ako at nilabas nya naman yung design na handa na.

Nagsimula na kami. Ilang oras din kaming nagpagod para matapos sa oras at swerteng umabot naman.

Magdamag ko itong pinabayaan sa labas at kinabukasan ay nakita kong maganda ang kinalabasan. Sana nga lang maapreciate nya.

Tiawagan ko naman agad si Mark pagkatapos kong macheck yung gawa namin.

"Tol salamat! Ang ganda ng kinalabasan," una kong sinabi pagkasagot nya ng tawag.

"Buti naman at nagpagod tayo dyan, dapat lang na gumanda ang kalabasan nyan," sagot nya.

"Geh tol salamat ulit," tapos nag end call na.

Excited ko itong ipinasok sa cabinet. Excited na akong ibigay ito kay Venus. Gustong makita ang reaksyon pag natanggap nya na ito. Gusto kong malaman nya na pinaghirapan ko itong gawin.

A for effort ika nga. Pero A nga ba?

----------------------------------------------

Yan, natapos na ang chapter 31. Senya na at medyo natagalan pa bago ko naituloy. Tinamad lang ako...

Please dont forget to VOTE. :)

Bakit Bawal ang Alien sa VENUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon