"Siguraduhin mong palaging naka-lock ang mga pinto at bintana lalo na't napakahilig manggulo ng mga boarders sa kabilang bahay. Hindi ko ba alam kung bakit hindi pa pinapalayas ang mga yan ng baranggay. " Mang Crisostomo handed me the keys as he continued to speak. "Babalik kaagad ako. Kung may dumating man dito na lalaking payatot at nagpakilalang pamangkin ko, naku wag na wag mong papapasukin!"
"Noted po."
"Oh sya, sige na. Aalis na ko."
Pagkaalis ni Mang Crisostomo ay pumasok na ako sa aking kwarto at sinimulan ang paga-unpack ng mga gamit. Inayos ko ang pagkakatiklop ng mga damit ko. As I was sitting on the bed, I heard something hit the window. Hindi ko alam kung bato ba iyon o kung ano. Agad akong lumingon doon pero wala akong nakita. Malamang ay hangin lang iyon. Tanging ang dahon lang ng puno ng mangga ang nakaharang at nakikita ko mula sa bintana. Pinagpatuloy ko ang pag-aayos ng mga gamit. Natigil ako sa aking ginagawa nang may narinig akong sumitsit. Ipinikit ko ang mga mata ko, thinking that I was just imagining things. Sa pangalawang pagkakataon ay may narinig akong tumunog mula sa bintana. I felt fear crept through my veins as I heard another sound.
"Prim, hangin lang 'yon. Relax. Wag kang duwag," I said as I try to calm myself down. Pakiramdam ko ay biglang lumamig sa silid.
Nang may narinig ulit akong sumitsit ay dinampot ko sa kama ang pepper spray saka dahan-dahang naglakad papalapit sa bintana habang halos nakaupo na. When I heard another "psst!", I immediately opened the window and pressed the pepper spray. Making sure na kung sino man ang naninitsit sa akin ay nasaktan.
"Takteng yan! Ang sakit ng mata ko. Buhusan mo ng tubig, dali!"
Napatakip ako ng bibig nang nakilala ko ang boses ng kaibigan kong si Gael. Umayos ako ng tayo at dumungaw sa bintana.
"Girl naman!" bungad sa akin ni ate Brena. Nakaupo ito sa harap ng halos nag-iiniyak ng si Gael. Nag-peace sign ako habang pinipigilang matawa sa itsura ng lalaki.
Nagmamadali akong lumabas sa kwarto at pumunta sa kusina para kumuha ng tubig. Pagbukas ko sa pinto ng ref ay bigla akong napaatras. Una ko kasing nakita ang garapon na kulay itim ang laman tapos may kulay brown, sa tingin ko ay daliri iyon na may nakakabit na kuko, na nakahalo doon.
Pagkasara ko sa pinto ng ref ay napasinghap ako nang mayroon akong nakitang hand print na kulay pula. Sandali ko itong tinitigan. Sa tingin ko ay dugo ang hand print na iyon. Kinabahan ako pero isinantabi ko na muna iyon dahil baka sadyang may print doon dati pa pero di ko lang napansin kanina.
Nagmamadali akong lumabas ng bahay at pumunta sa gilid nito habang dala-dala ang pitsel."Sorry Gael, pero hindi nakakamatay ang titig," nakangiti kong sabi sakanya. As I sat on the seat near the window of the vehicle we are in, I saw Gael, still staring daggers at me from my peripheral vision.
"Sorry Gael, pero hindi nakakamatay ang titig," panggagaya pa nya sa akin. Pinaliit pa nya ang boses nya, akala mo naman ganun ang pagkakasabi ko. "Lintik lang ang walang ganti, Prim ."
"Bakit ba kasi may pagsitsit ka pa doon? I thought there was some creep on my window. Well, I mean you already are a creep but..."
Hindi ko na itinuloy pa ang sasabihin ko dahil tinitigan na ako ng namumulang mata ni Gael.Sumilip sa bintana ng van si Juan, may hawak na camera, then he called Gael. Nang humarap sakanya si Gael, a flash came from his camera. Tawa ng tawa si Juan at kumaripas ng takbo nang sinimulan siyang habulin ni Gael.
"Wag kang mag-alala Gael, mas pangit pa rin sayo si Prim!"Napairap ako dahil sa sinabi ni Juan.
Umayos ako ng upo nang tinabihan ako ni ate Brena. Marahan niyang hinawakan ang baba ko at pinaharap ako sakanya. Kinuha niya ang makeup kit from the bag a sleeping Will was holding and started applying cosmetic products on my face.