"Pupunta ka ba ngayon sa boarding house mo?"
Isinara ko ang zipper ng bag ko saka humarap kay Flora.
Nasabi ko kasi sakanyang medyo matagal ang vacant ko ngayon."Ewan. Baka. Kapag pumunta ako sa boarding house ngayon, hindi na ako babalik dito."
"Good!" Inilabas ni Flora ang isang cup na naglalaman ng kape mula sa bag nya. Kinuha ko iyon at binuksan. Napapikit ako sa bango ng aroma.
"Para saan naman to?"
"Diba may hangover si Ia?"
"Makakarating."
Ngayon ay naging obligado pa akong umuwi.
"Tumawag si tita," bungad sa akin ni Iaschel nang pumasok ako sa bahay. Hindi ko siya sinagot dahil ilang beses ko na rin namang nirereject ang tawag ni mama. "Tinatanong na niya kung saan tayo nagbo-board. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko ng mga oras na 'yon."
"Oh, anong sinabi mo?"
"Sinabi ko sakanya na hindi tayo magkasama. That you changed your plans all of a sudden."
Sa loob-loob ko, taos-puso kong pinasalamatan si Ia dahil sa ginawa niya.
"May pasalubong ka sakin na kape?"
Saka ko lang naalala na may hawak nga pala ako na kape. Iniabot ko iyon sakanya.
"Galing kay Flora. Baka daw hangover ka pa."
"Coffee reminds me of something. Tanda mo noong grade nine?"
Kumunot ang noo ko at pilit na inalala kung ano ang nangyari noong grade nine kami.
"Ano 'yon?"
"Noong hindi ka na halos pumapasok sa klase kasi kape ka ng kape sa room ng SSG. Minsan nga, naabutan ka pa nila Arnie na tulog sa sofa ni Velarde.Chinichika pa kaya nila iyon sakin."
"Napakachismosa talaga nung secretary na ' yon!"
Natatawa kong sabi. Si Arnie ang SSG secretary at si sir Velarde naman ang adviser ng SSG."Tapos syempre, hindi ka naman napaparusahan dahil president ng SSG ang jewa mo."
Tumaas ang kilay ko.
"Hindi po naging kami ni Gael, excuse me!"
"Asus! Eh bakit palagi namin kayo noong nakikita na magkasama sa may gilid ng simbahan tuwing hapon?"
"Magkaibigan kami, duh?"
"Kahit ala-una ang uwi nya, iniintay ka niya for three hours. Gawain ba 'yon ng kaibigan?Tirador ng grade nine kaya ang tawag ng mga senior kay Gael dati dahil sayo!"
"Ikaw Iaschel, wag mo nga akong i-issue."
Sinupil ni Iaschel ang sumisiwang na ngiti sa kaniyang labi. Itinapon niya ang paper cup at inabot ang bag.
"May klase ka na ng ala-una diba? Tara na!"
Naupo ako sa sofa habang pinapanood siyang magsuot ng sapatos."Aabsent na lang ako."
"Aba, boy! First week pa lang aabsent ka na agad?"
Nahiga ako sa sofa saka nag-thumbs up kay Iaschel.
"Samantalang noong grade nine, kahit bagyong-bagyo excited na excited pumasok. Papalipatin ko nga si Gael sa Aberdare nang magkaroon ka ulit ng inspirasyong mag-aral."
Mabilis akong tumayo at isinabit ang strap ng bag ko sa aking balikat saka nagsuot ng sapatos.
" Eto na, eto na! Dalian mo na dyan, pagong. Excited na akong bumalik sa school. "
Sarkastiko kong sabi. Lumabas na ako ng bahay.
Halos matumba ako nang biglang dumamba si Iaschel sa likod ko.It was already five in the afternoon when we arrived to the bus terminal. Dali-daling bumaba mula sa driver's seat si Juan at pinagbuksan ng pinto si Iaschel. Iaschel, then waved her hand at us before entering the bus heading to our town. Nginitian ko siya at kinawayan pabalik.
"Ihahatid na ba kita sa boarding house?" tanong ni Juan nang makabalik siya sa harapan ng manibela.
"Ano namang gagawin ko doon?"
"Malay ko sayo! Makipag-jamming ka sa landlord mong bading."
Nagdadalawang-isip ako kung dapat ko pa bang sabihin na wala ito doon ngayon dahil lumuwas ito sa Maynila, o kaya ay wag na, para wag na siyang mag-usisa.
"Sama na lang muna ako sayo. Nag babar-hopping ka tuwing Friday night diba?"
"Susunduin namin ni Papa si Mama sa airport so di ako pwede."
"Sige na nga. Ihatid mo na lang ako sa convenience store."
Habang umiinom ng kape at nakaupo sa isang table sa loob ng convenience store ay nagulat ako nang biglang yumuko si Juan at sumuot sa ilalim ng mesa.
"Ah, what are you doing?" I said, blankly.
I heard him made a "Shh" sound. "Wag kang tumingin dito, mahahalata ako."
Napatingin ako sa labas dahil sa sinabi niya. A group of young girls were standing outside the glass wall. In my perspective, I think they're looking on our direction.
"Pedophile ka naman, Juan!" sabi ko sa lalaking nagtatago sa ilalim ng lamesa, nasa mga babae pa rin ang atensyon ko.
"Pumapasok na sila. Want me to expose you?""Takte, wag!"
"Papalapit na dito. Juan, bakit naman kasi napakalandi mo?Akala mo naman sobrang gwapo mo."
"Gwapo ko kaya. Ay oo nga pala, kay Gael ka nga lang pala nagagwapuhan." Yumuko ako ng bahagya at sinabunutan si Juan.
Tumingin-tingin sa paligid ang mga babae. When they landed their eyes on me, mahina kong sinipa si Juan. "They look furious. Umalis ka na nga dito. Uwi na, dali!"Tumayo ako at humalukipkip. Tinaasan ko ng kaliwang kilay ang mga batang babae. Ipinakita ko ang pinakamataray kong itsura, naglakad ako at sinalubong sila.
"May kaylangan kayo?"Matapos ang pangyayaring iyon ay nawala na si Juan. Mabuti naman at nakaalis na siya. Dahil late na akong nakatulog kagabi at napakaaga ko namang nagising kaninang umaga, naramdaman ko na ang antok. Unti-unting pumikit ang mga mata ko habang nakasubsob ang aking muka sa lamesa.
Pagkagising ko ay dahan-dahan kong inangat ang muka ko habang pinupunasan ang gilid ng aking labi. Naningkit ang kamumulat ko pa lamang na mga mata nang nakita ko ang lalaking nasa harapan ko. Nakaupo siya sa tapat ko habang nagsusulat sa notebook. Ang sipag naman nito. Nakasuot siya ng green na polo shirt, katulad ng suot na damit ng mga empleyado dito.Nag-angat siya ng tingin at ngumiti sa akin.
"Hi."
He gave me a cup of coffee, then, he closed his notebook.
I took a sip from the cup before I started talking."Anong ginagawa mo dito? Sinusundan mo ko?"
Bigla namang naging seryoso ang muka nito.
"I work here. Ikaw, bakit ka nandito?"
I paused. Kung mayroon mang tao na ayaw kong makakita sa akin sa oras na ito, iyon ay si Rick. Alam niya kung papaano ako nag-panic nang gabing iyon at isa iyon sa mga kahihiyan ko.
He chuckled when I failed to respond."Wala nga pala si Mang Cris sa boarding house! Kaawang bata. Saan mo planong matulog? Dito?"
"Napakapakialamero mo."
Humigop ako ng kape. Saglit kong pinagmasdan ang baso. Nang maalala kong galing nga pala iyon sakanya, inilapag ko iyon sa tapat niya at muling sumubsob sa lamesa at pinagpatuloy ko ang aking tulog."Teka. May kukunin lang ako."
Ang mga salitang iyon ang huli kong narinig at naintindihan bago ako muling nakatulog.