A Dream?

8 0 0
                                    

9:30 pm, saktong oras ng pagtatapos ng shift ko. Natanaw na agad kita sa kabilang kalsada at halatang may hinihintay. Tatawagin na sana kita ngunit nabitin ang aking kamay sa pagwagay-way nang may isang babaeng lumapit at yumakap sa'yo. Dali-dali akong tumawid at tumikhim para agawin ang iyong atensyon.

"Sino ka?" Tanong ko sa estangherong babae.

"......." At saka umalis.

Nang hingi ka sa'kin ng tawad dahil hindi mo agad naalis ang kayang mga bisig. Pero dahil sa kaunting selos ay ika'y aking yinakap. Gulat ka sa aking aksyon dahil ito ang unang pag kakataong magdikit ang ating mga balat.

"5 minutes. Gusto ko lang mapalitan ng yakap ko yung yakap niya sa'yo." Diretsong sabi ko.

Kalaunan ay yinakap mo rin ako pabalik.

".....sinasagot na kita."

Ramdam kong natigilan ka kaya nag angat ako sa'yo ng tingin at nakita kong namumula ang iyong mga pisngi habang nanlalaki ang mga mata.

"Tara na?" Naka-ngiti kong aya.

"Hmm." Sabay hawak sa aking kamay.

Masayang nag lalakad habang napapakanta pa.

Napagandang panaginip. Sana totoo, pero alam ko naman na 'yong mga ganong lalaki ay hindi ako mapapansin at magugustuhan. Masyado kasing gwapo 'yong lalaking 'yon kaya nakakapagtaka na magkakaroon ako ng ganong jowa.

Sinulat ko ang panaginip na 'yon katulad ng nakagawian ko. Sinusulat ko ang mga napapanaginipan ko para malaman ko kung ilang beses siyang naulit o maaari bang karugtong siya ng isa sa mga panaginip ko. Enjoy siyang gawin.

Pagsara ko ng notebook ko ay napatingin ako sa nakasulat sa cover (High School Year 3), binalik ko na sa shelves kung saan naroon rin nakalagay lahat ng mga pinagsulatan ko ng mga panaginip ko.

Naglalakad ako papunta kung saan ka nag tatrabaho at pagmamay-ari mo. Successful na tayong dalawa! At nananatiling matatag ang relasyon.

Pumasok ako sa isang café at um-order, hindi pa ako nakakapagsalita ay nilapag mo na agad sa harap ko ang nais ko.

"Frappuccino for miss beautiful." Ngiting matamis at may pagkindat pa.

Naiiling habang nakangiti akong naglakad para maghanap ng mauupuan. Nilabas ko ang aking laptop para i-review ang lesson plan para bukas.

"Hey miss, still busy?"

Sinara ko na 'yong laptop ko at humalumbaba sa harap niya.

"Nope, tara na? Date na tayo?"

"Of course."

Sabay na lumabas sa café niya at nag-date.

Hmmm? Familiar 'yong lalaking 'yon. Saan ko nga ulit siya nakita? Pero nakakapagtaka, bakit ko nasabing familiar eh malabo naman yung mukha? Binalewala ko na lang yun at sinulat ulit ang aking napanaginipan. (Senior Year 1)

Just got out from a good bath with puffy eyes. Getting a glass of wine with a robe and looking at the view of the city lights on my glass walls apartment.

Bakit naging gan'to? Bakit nanlalamig ka na?

"Hello?"

"Ahm......pwede ba tayong magkita?"

"Sure! Now na?"

"Yeah."

Agad akong nagbihis dahil gusto mo akong makita. Sige paaasahin ko na lang 'yong sarili ko kahit na naiisip ko na kung anong pwedeng maging dahilan ng pakikipagkita mo.

A Dream? (OneShot)Where stories live. Discover now