Chapter 6: Conversation

5.8K 252 48
                                    

Chapter 6: Conversation

***

Gulat akong tumingin sa kanya. Hindi ako nakapagsalita sa sobrang gulat. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya.

"B-Bakit?" tanong ko ng makabawi sa pagkakagulat.

"This year academician battle requires six members and it should be three boys and three girls. And because there are only two girls in the group, we need to find another girl. We chose you."

Sumulyap ako sa mga katabi ko na tahimik lang sa kanilang inuupuan.

"As a student of this academy, you don't have the rights to decline this offer. It's your responsibility to do your duties."

Napalunok ako habang nakatitig sa kanya.

"Bakit ako? I'm just a newbie. I don't know anything about your battle," tanong ko.

"I heard that you beat almost all of the female in your section during the initiation. It's rare. Nabibilang lang sa aking kanan kamay ang mga nakagawa nun. Kaya hindi ako nagdalawang isip na ikaw ang piliin," sagot niya.

"Don't worry. Tutulungan ka naman ng mga kagrupo mo sa lahat ng kailangan mong malaman."

Hindi na ako nagsalita at natahimik na lang. Ngayong kasama na ako sa team nila Finn, may pag-asa na akong makilala ang aking ina. Yun ang hihilingin ko kapag nagchampion kami sa laban.

"Magsisimula na ang trainings ninyo bukas."

"But sir FM, hindi pa kami kumpleto. Wala pa si Rui," sabi ni Bon sabay sulyap kay Finn na nakatingin lang sa ibabaw ng mesa.

"Babalik na si Rui next week," sabi lang ni Miss Hera.

Hindi naman nag-react ang mga katabi ko.

"Sa ngayon. Sasamahan muna kayo ni Nero sa magiging training room ninyo," sabi ni Sir FM.

"You can now leave."

Naunang tumayo samin si Finn at walang salitang sumunod kay sir Nero na nasa labas na ng pintuan.

Sumulyap naman ako kay Miss Hera at tumango bago sumunod kina Bon.

Tahimik lang akong naglalakad sa likod nila. Hindi pa rin ako makapaniwala na kasali na ako sa team. Kanikanina lang ay pinag-uusapan namin nila Jell ang academician battle at ang team nila Finn, tapos ngayon kasama na ako sa grupo nila.

"Jane. Bakit ang bagal mong maglakad? Halika. Kasama ka na sa grupo namin. Kaya huwag kang mahihiya," sabi ni Bon sabay akbay sakin kaya napasabay na ako sa paglalakad nila.

"Natutuwa talaga ako at nadagdagan kami ng miyembro at ikaw pa. Welcome to our team," nakangiting sabi ni Kit sakin.

Ngumiti naman ako sa kanya.

"Salamat," sabi ko.

Napalingon ako kay Palm at tumango sa kanya. Akala ko hindi niya ako papansinin kaya nagulat ako nang tumango rin siya sakin.

"Nung sinabi ng Daddy ni Finn na may babaeng madadagdag sa team namin, alam na namin na ikaw yun dahil sa husay mo sa pakikipaglaban sa initiation," sabi ni Bon.

"Anong nararamdaman mo na kasama ka na sa team namin na lalaban para sa escuelahan natin?" tanong ni Kit.

"I-I don't know. Hindi ako makapaniwala," tanging sagot ko.

Lumingon ako kay Finn na tahimik lang na naglalakad. Mukha siyang may-iniisip ng malalim.

"Nandito na tayo," sabi ni sir Nero.

CLARINES ACADEMY: The Battle of PowersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon