“Yan na nga ang sinasabi ko sayo eh, kaya wag pairalin ang puso” sabi ni Mommy Divine matapos nyang ikwento ang nangyari.
“Mommy pwede ho, ako ang umayaw. Ginagawa ko ho ito hindi dahil sa inutos ng kung sino man. Gusto ko lang itest kung gaano katatag at katibay ang love nya sa akin. Kung hindi po nya ako ipursue well ok lang.”
“Feeling ko Pot di ka nya papakawalan.” Sabat ni Shine na nakikinig pala sa usapan nila.”Tumawag sya sa akin kanina ay di mo raw sinasagot tawag nya”.
“Ngayon pa, umiyak na ito.” Umiiling na sabi ni Mommy Divine.
“OA naman kasi itong si Pot minsan. Konting away lang nabanggit na agad kay mommy. Ayusin nyo muna yan, nagulat lang yung tao dahil atat na atat na ipagmalaki na girlfriend nya ang kapatid ko kaso dami kontra”.
“Hindi sa kontra, bawal lang kasi pa talaga” sabat ni Daddy Delfin. “Basta Sarah kung ano desisiyon mo andito lang kami para sayo. Malamang gaya ng napagkasunduan, bukas lalabas na ang chismis tungkol sa paghinto ni Ge.
“At malamang ako na naman ang masama.Wala naman tayong magagawa yun naman talaga ang image ko na nakplano simula nung naguumpisa palang si Sarah sa showbiz.Basta ako di ko babaliin ang mga paniniwala ko, kunghindi kayo kayang sumunod, pasensyahan na lang tayo:
Hindi man sya diretsahin ng ina,alam nya ang ibig sabihin nito. Hindi naman nya ito masisisi dahil kapakanan lang niya ang iniisip nito. Malaking bagay na pumayag itong makipagrelasyon kay Gerald kahit tutol sya sa umpisa. At ngayon ay kailangan nyang mapatunayan dito na mature na sya magisip at kaya ng tumayo sa sariling paa.
“Basta ho ginagawa ko ito hindi para kanino man, kundi para akin”. Maikling pahayag nya at pumasok na sya sa kwarto nya.
Kinabukasan ay maagang pumunta si Gerald sa bahay ng mga Geronimo. Sinadya nya talaga yun dahil gusto nyang makausap ang mga magulang nito at hindi nya ipapaalam kay Sarah. Pagpasok nya ay nadatnan nyang nagkakape ang daddy ni Sarah sa may pool area.
“Magandang umaga ho”. Bungad nyang bati dito.
“O Ge, ang aga mo yata, tulog pa si Sarah”.
“Alam ko ho, kayo po talaga ang pakay ko. Yung tungkol po kagabi tito, di ko po sinasadya talaga na gawin yun. Napressure lang po ako sa dikta ng management sa akin”.paliwanag nya sa Ama ng nobya.
“Alam mo Ge, naiintindihan kita,nakita ko naman kagabi kung gaano mo kamahal ang anak ko. Pero sana intindihin mo rin ang side namin ni Mommy. Alam mo, parang bentahan lang yan ng sasakyan eh. May bibilhin ka sa akin, medyo mahal, pero sinisigurado ko naman sa iyo na 100% ay bago lahat at di ka magsisisi. Ganun din si Sarah, tanggap namin na darating ang panahon na bubukod sya at magaasawa. Pero gusto namin makasigurado na sa tamang lalaki sya mapupunta. Sa totoo lang iho, gusto kita para sa anak ko, nakit ako kung gaano mo sya alagaan. At nakita kong Masaya sya sayo pero ngayon subukan nyo munang magkalayo. Mahaba pa ang lalakbayin nyo, mas maganda ng wag nyo madaliin lahat ng bagay. “ payo ng tatay nito.