When Its Too Late

153 3 3
                                    

WARNING: THIS STORY IS NOT YET EDITED. READ AT YOUR OWN RISK

"Huy~!" nabigla ako ng may naramdaman akong kamay sa balikat ko.

Nang nilingon ko kung sino ang taong humawak sa balikat ko ay ang maamong muka ng bestfriend ko ang bumungad sa akin. Nakangiti siya gamit ng napaka inosente niyang ngiti kaya hindi ko na rin maiwasang mapangiti.

"Anong iniisip mo?" tanong niya

"Wala lang." Pasimpleng sagot ko at sabay  tingin ulit sa papalubog na araw sa harapan ko.

               

Pero napukaw ulit ni Jenny, ang bestfriend ko, ang paningin ko. Umupo kase siya sa tabi ko. Tumingin din siya sa papalubog na araw. Natintahan ng luntiang liwanag ang kanyang mga mapupungay na mata at kanyang makinis na balat.

Umihip ang hangin, kaya lumipad ang ilang hibla ng buhok niya papalayo sa muka niya. Ngumiti siya. Pinikit niya ang mga mata niya at huminga ng malalim.

 "Weh?" Sabi niya habang nakapikit parin ang mga mata niya.

"Promise." Sagot ko

Kumunot ang noo niya at dahan-dahan niyang binuksan ang kanyang mga mata. Hinarap ni Jenny ang naka-pout niyang muka sa akin. "Pwede kang magsinungaling sa lahat... pwera lang sakin. Dahil alam ko kung kelan ka nagsasabi ng totoo or kung kelan ka nag-sisinungaling." Sabi niya

Napangiti ako. Kilalang-kilala talaga ako ng bestfriend ko. Pero... hindi ko pwedeng sabihin sa kanya ang problema ko... or... siguro oras na para sabihin ko.

Pero imbes na magsalita, marahan lang akong tumawa habang umiwas ng tingin sa kanya.

Ayaw kong tignan ang mga mata niya. Lalo lang kaseng mahirap itago ang katotohanan kung titingin lang ako sa mga matang niya.

Nagulat ako nang nagsimula si Jenny-ng suklayin ang buhok ko gamit ang kaliwa niyang kamay. Maya-maya lang din ay ipinatong niya ang ulo ko sa balikat niya habang patuloy parin sa pag-suklay ng buhok ko.

Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin or gawin. Nandon lang ako, nakasandal sa balikat niya habang nanlalake ang mga mata. Ang puso ko halos... nararamdaman ko ang malakas netong tibok mula sa dibdib ko, papunta sa lalamunan ko.  Habang ang pisngi at tenga ko naman ay tila parang nag-iinit.

Halo-halo na ang nararamdaman ko. Kaba, takot, pangamba. Pero, ironically, gusto ko ang nararamdaman ko. Gusto ko ang pwesto namin ngayon... at silently hinihiling ko na  sana ganito lang kame. Na sana... akin nalang siya.

...Pero alam kong hindi pwede.

"Marcus, alam kong may problema ka. Alam ko yon kase ang tamlay mo netong mga nakaraang araw. Pero bakit? Bakit ayaw mong sabihin sakin?"

Niyakap niya ako habang hindi parin inaalis ang ulo ko sa balikat niya. "Diba sabi ko naman sayo, kapag may problema ka dapat lagi mong sabihin sakin kase lagi lang akong nandito para tulungan ka. Diba?"

Napangiti ako kase naalala ko yung time na sinabi niya yun sakin....

***FLASHBACK***

When It's Too LateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon