Holdap 'To

1.8K 166 52
                                    

a/n: hi guys! here's a fluff to end your day, hindi ko din alam kung saang idea ko 'to napulot, nakikinig kasi ako sa moving closer ni luigi galvez at kinikilig kilig pa ako. on a side note, sana magustuhan nyo siya kahit medyo cliche, sana rin basahin nyo yung ON-GOING SHORT STORY ko na WHY PEOPLE LEAVE ang name, pati narin ang dalawang latest one-shot ko na ROOM 6007 at THE GIRL AND HER RED SCARF, thank you and enjoy reading guys!! hehe follow nyo rin insta ko: nyc.to.phil.ia


Holdap 'To

"Jul!" Bati ni Jarred sakin.

"Ano?" Matipid kong sagot sakanya dahil nagmamadali ako.

"Pwede ko na bang makuha yung number mo?"

Tinignan ko lang siya, "hinde." Sabi ko sakanya sabay alis na.

Si Jarred nga pala, taga college of engineering sa university ko, okay naman siya, may itsura naman. (Oo, hindi siya ganun kagwapo, masanay na kayo sa hampaslupang buhay at sa realidad na hindi lahat nang lalake ay 6 footer na malaki katawan na may abs, maputi, chinito, magaling magitara, mayaman na mala-mansyon nila junpyo yung bahay, tapos matalino pa) Kabaligtaran si Jarred sa lahat nang mga pinagpapantasyahan nyong kaugalian at itsura nang lalake. Hindi siya 6 footer, 5"8 lang siya, hindi siya ganun kagwapo na tipong mapapalingon ka, sakto lang, hindi rin malaki katawan niya at wala siyang abs, hindi siya ganun kaputi, nagiging chinito lang siya pag tinatanggal niya yung salamin niya (oo, nakasalamin siya), hindi siya magaling mag gitara (pero sabi nila, dancer daw siya, DAW), hindi rin sila mayaman, sakto lang, hindi rin siya ganun katalino (dahil sinigaw nang kaibigan niya one time na nangopya daw siya sa trigonometry nilang subject at nahuli siya dahil sa katangahan niya)

"Bakit?" Sabi niya, nagpapacute pa yung boses sarap bugbugin.

"Ayoko." Sabi ko lang.

Hindi ako pabebe, hindi rin ako manhater (cliche, with design sa taas ng e, di lang malagyan ng otor, tanga gumamit ng laptop eh, naman kasi kapag manhater diba) para maiba, let's just say na di pa ako nakakamove-on sa first mu ko, nine months na nga kami eh, nine months na kaming wala. One month lang ang itinagal namin, oo, inuulit ko, one month lang kami nung first mu ko at congrats saakin hanggang ngayon hindi ako makausad sakanya. Oo, alam kong malaki akong tanga at the same time martyr. Tanga dahil, may mga nagaapply naman manligaw sakin, pero ayoko lang talaga, martyr dahil ngayon eh, may feelings parin ako sa isang taong wala nang pakealam sakin at matagal na akong tinanggal sa radar niya.

Hindi rin naman sa ayaw ko kay Jarred, hindi ko rin naman siya gusto pa, parang hindi palang din kasi ako handa ulit sa mga ganitong bagay, syempre diba? Ayoko naman paasahin yung tao. Ayoko namang papayag ako na manligaw siya sakin, tapos ako, hindi ako sigurado sa nararamdaman ko sakanya. Ayoko naman na, maramdaman niya yung naramdaman ko na iniwan sa ere dahil narealize na di pa pala sigurado yung nararamdaman nya. (Oo, kahit papano may puso pa ako).

Matagal na nga pala akong kinukulit ni Jarred, mula July hanggang ngayong November. Apat na buwan na, nageeffort naman siyang bwisitin ako mga three times a week. Hindi siya araw araw nagpapakita sakin, dahil una: malayo yung building ng college niya sa building nang college ko, pangalawa: REALITY po tayo, pangatlo: ok, let's say na nagpapabebe nga ako mga 3% 4: naisip niya siguro na ang creepy kung araw araw nya ko lalapitan at kakausapin. Ayoko lang talagang ibigay yung number ko sakanya, dahil feeling ko, pag binigay ko, iisipin niya may pagasa siya (oo, iba ako magisip sa iba, bukod sa tanga, bobo din ako). Saka, alam ko rin namang mapapagod siya, sa three times a week niya ba naman akong inaapproach sa personal at sa lahat nang pagaapproach niya eh nirereject ko siya, diba mawawalan talaga siya nang gana? Lalo na sa isang complicated na babaeng kagaya ko. Hindi nga rin ako girlfriend material, dahil mas lalake pa nga ata ako sakanya. Saka for sure naman, sigurado ako 100% na mapapagod din siya sakin kasi lagi siya rejected diba? Baka nga ngayon natauhan na yan eh. (Kung iniisip nyo bakit hindi niya nalang ako ichat sa facebook o itweet sa twitter, WALA PO AKONG SOCIAL LIFE dahil hinahanap ko ang sarili ko. De joke lang, nakadorm kasi ako, walang wifi sa dorm, saka sagabal sa pagaaral hehe)

"Aalis na ko bye!" Sabi ko sakanya sabay takbo.

Hindi ako bastos ha? May lakad lang talaga ako at baka malate ako sa lakad ko kapag nakipagusap pa ako sakanya.

Habang naglalakad ako pamorayta, naramdaman kong nagvivibrate yung phone ko.

"Huy gaga ka, mamaya ka na tumawag, nasa Morayta ako!" Sigaw ko sa kabilang linya, yung best friend ko kasi tumatawag.

Alam nyo naman ang Morayta, pangalawang bahay nang mga magnanakaw yan. Mamaya lang eh nakikinig ka pa ng music sa phone mo, magugulat ka nalang at magtataka kung bakit wala ka nang marinig, di mo alam kung nabibingi ka na o nalobat lang yung phone mo, yun pala nanakawan ka na. Magic diba?

"Gaga ka rin! Isang oras na akong naghihintay dito, nabato at inamag na ko te, wala ka parin!" Sigaw niya.

May point naman siya, nalate kasi ako nang gising eh may lakad nga pala kami ngayon.

Napakamot ako sa ulo. "Malapit na ko! Mananakawan pa ko eh!"

"Tama yan nang mamatay ka nang hindot ka Manakaw sana 5s mo!" Sabi nya sabay tawa.

Normal na samin yan, I mean, hello? Welcome sa realidad at sa dekada ngayon, na kung saan kapag hindi mo kayang mura-murahin at lait-laitin ang best friend mo, hindi kayo TUNAY na magbest friend.

"Gago ka, aakyat na ko nang overpass wag ka nang umiyak jan! Maghintay ka!" Sabi ko.

"Puta ka, napakatagal mo-"

"Miss holdap 'to!" May lalakeng malaki yung boses na nagtakip nang mata ko.

Hindi ko alam kung bobo o tanga yung holdaper at bakit mata ko yung tinakpan niya hindi bibig ko, pero kinabahan ako ng sobra!

"Uhm, yung bibig ko yung takpan mo para di ako makasigaw..."

Inagaw niya yung phone ko sabay takbo pababa ng overpass.

"Uy gago phone ko!" Sabi ko habang hinahabol siya pababa din ng overpass.

Teka, parang pamilyar yung likod niya.

"Gago ka ibalik mo phone ko! 5s lang yan bungol, may bagong labas na ang apple! Laos na yan! Pag binenta mo yan sa divisoria 5k nalang yan!" Sigaw ko.

Nakababa na kami nang overpass at nakarating nan g P.Campa di parin siya humihinto. Hinihingal narin ako sa paghahabol sakanya. Nang malapit na sa pa-P.Noval, bigla siyang huminto. Ako naman, tumakbo ako papalapit sakanya at pagkalapit ko.

"Pakyu, ikaw lang pala! Akala ko totoong holdaper na!" Sabi ko sakanya.

Si Jarred lang pala, kinabahan pa ko. Makapambwisit lang eh.

Inabot niya sakin yung phone ko. "Ayaw mo kasing ibigay number mo, kaya yung number ko nalang binigay ko sayo." Sabi niya habang nakangiti, ngiting tagumpay. Mukang proud na proud pa siya sa sarili niya.

Tinignan ko yung phone ko at andun nga yung number nya. "Aba matinde." Bulong ko.

Jarred My Loves Forever and Ever (emoji na kiss, emoji na dalawang heart, emoji na heart na may signal, emoji nung magsyota)

Mobile

+63927123456

Tinignan ko siya na nakangiti parin. "At talagang may emoji pa ha?!" Pasigaw kong sabi sakanya.

"Give me a chance, please?"

Napatigil ako. Di ko alam kung bakit siya ganyan. Di siya sanay mapagod at, nag extra effort pa siya para pakiligin... at the same time bwisitin ako.

"Di ka ba napapagod ha? Apat na buwan mo na akong gusto, at apat na buwan na rin kitang paulit-ulit na nirereject-"

"Bahala ka sa buhay mo, sa ayaw at gusto mo liligawan kita."

Natameme nanaman ako. Sa three times a week niya akong binubwisit, ngayon niya lang sakin sinabi yan.

Lumapit siya sakin at pinitik ako sa noo. Pumunta siya sa likod ko tapos tinakpan niya yung bibig ko. Nilapit niya yung bibig niya sa tenga ko, at naramdaman ko yung paghinga niya, tumaas naman yung balahibo ko.

"Holdap 'to," bulong niya.

"Kakagatin kita-"

"Akin na puso mo."

Holdap 'ToTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon