VILLAMORES' Family DINNER/Reunion

89 5 7
                                    

WAAAAH! Update sa wakas sorry po sa nag-aantay jan...medjo kakauwi lang kaya here's an update Nd Enjoy! Hehehe
**********************

Ilang Ikot pa ang ginawa niya sa harap ng salamin upang masiguro nga kung bagay nga sa kanya ang suot niya. Napailing nalang siya Ng maalala ang katakot takot na pagpupumilit ni Patpat para lang isuot niya iyong bigay nitong dress para sa family dinner kuno ng mga Villamore. Kinakabahan siya na baka iba ang paraan ng pagtangap ng iba pang kamaganak ng mga ito sa kanya. Nakuntento na siya sa ilang Ikot na ginawa niya kaya sumunod naman niyang sinipat sipat ang mukha niya. Simple lang sana ang gusto niya pero pinagtulongan siya kanina nila Patpat at tita Stella mabuti nalang at light makeup lang ang nilagay sa kanya.

"Bat kaylangan ko pa nga bang mag suot nito? Tsk makati sa mata." Bulong niyang may maluha luhang mata. Marahil nairita ang kanyang mga mata dahil sa palagi siyang nagsusuot ng contact lense kahit hindi naman na kaylangan.

"Ngayong gabi lang naman hindi naman siguro nila mahahalata." Agad naman niyang tinangal ito at itinago sa isang tabi.

"Hmn. Wala naman halos pinagkaiba." Napangiting saad niya at tuluyan ng tumayo ng maayos.

Ilang minuto nalang ay tatawagin na siya ni Hans. Sinabihan siyang huwag munang lalabas dahil sabay sabay na silang bababa kasama ang mga pinsan ni Hans na nasa mga guest rooms at marahil ay nagaayos palang ng kanilang mga sarili. Pagkatapos kasi siyang Ayusan ay saglit na nagpaalam ang mga ito para makapag handa naman. Napaupo siya sa Kama ng makita ang bag niya at maalalang may kaylangan pa pala siyang buksan na sobreng bigay ni ate Fatima. Agad niya itong kinuha at mula sa bag ay inilabas niya ang sobreng kanina pa niya iniisip kung ano ang laman nito. Maingat na binuksan niya ito saka dahan dahang hinugot ang mga papel na laman ng sobre.

Una niyang binuklat ang nasa pinaka unahan ng hawak niyang mga papel. Habang binabasa ito ay gusto niyang ipaalam na nakokonsensiya siya dahil ilang araw din pala siyang pinaghahanap nito at dahil nga alam nito ang kalagayan niya kasama narin ang nangyari sa pamilya niya. Sumunod naman ay gusto niyang humingi ng tawad dahil muntik na palang madamay ito dahil muntik narin siyang matunton ng mga goons nung araw na tumakas siya sa may palengke. Pangatlo gusto niyang magpasalamat dahil sa iniwan at hinabilin nitong pera para sakanya at ang patuloy na pagtulong ng dalaga. Pang apat ay gusto niyang ipakita na masaya siya at nakabalik na ito kung saan man ito dapat simula palang since naglayas pala ito sa kanila at ang pinaka huli sa gusto niyang ring ipaabot sa dalaga ay, aasahan niya ang muli nilang pagkikita gaya ng ipinangako nito sa sulat na nabasa niya. Gusto man niyang umiyak pero baka mamaya ay may makakita sa kanya at baka Masayang din ang ayos niya siguradong bubusangot ang makulit na si Patpat kapag nangyari iyon.

Maliban Sa sulat ay may ilan pang papel na hawak niya. nagtaka siya sa laman ng pangalawang papel na binuklat niya. Hindi galing kay Ate Fatima iyong sulat kundi ito ay sulat ng ibang tao para sa kanya. Sulat ng isang lalaking nag-ngangalang Cordi at ang sabi sa sulat ay konektado rin ang lalaki kay ate Fatima. Gulat siya sa kanyang nababasa tungkol kay Cordi dahil nagawa nitong magpakilala sa kanya mula sa sulat. Si Cordi ay may mataas na katungkulan sa isang sekretong organisasyon na maihahalintulad kay Lance na siyang head of security ng mga Villamore at sa ngayon ay nasa pangangala siya ni Mr. Patrick Cordi Custavo or Cordi for short. Ito ang magbabantay sa siguridad niya para masigurong ligtas siya. Kung ganun ay bantay sarado siya. Napailing nalang siya dahil mukhang mahihirapan siyang hanapin ang kanyang ina kung ganoong problema na niya ang pagtakas.

Isang pirasong papel nalang ang hawak niya at agad na niya itong binuksan. Kung sa dalawang sulat ay mahaba haba ang laman itong panghuli ay listahan naman ng mga contact numbers at sa bawat number ay may mga pangalan ngunit ang panghuling numero ang umagaw sa pansin niya. May mga nakasulat sa tabi nito at iyon ay "He will help you find your Mom." saglit siyang natigilan pero agad ding nakabawi at ngumiti. Sobra sobra na ang tulong na Ibinibigay ni ate Fatima sa kanya pero gayon paman ay nagpapasalamat siya rito. Hindi niya maisip kung pano nagawa ito ng dalaga pero sa huli ay isa lang ang pasok na sagot at iyon ay maaaring Mayaman ang dalagang kumupkop sa kaniya, bagay na hindi nito sinabi, basta ang sinabi lang nito ay naglayas siya.

Missing Reflection (on hold/editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon