KABANATA I

2.3K 23 1
                                    

First day of School.

Wala kaming school bell kaya don't expect "krriinng!" Ang ilalagay ko sa first statement. Ewan ko ba ang mahal mahal ng tuition kahit ngayon wala paring school bell.

Officially fourth year highschool na ako. Pero ganun parin, sinadya kong maging late sa first day of school para kuha attention sa mga kaklase. Syempre nag effort kaya akong magpaputi buong summer, hindi talaga ako lumabas ng bahay. Habang sila nangingitim, yung iba naman namumula.

Pumasok ako sa classroom, mala slow motion ang paglakad ko at lumilipad pa ang shiny black hair ko. Mission accomplished! Napansin talaga ng mistisahin at chismosang kaklase ko:

"Aya! Pumuti ka ata!"

"Talaga?"

"O di kaya, umitim lang talaga lahat?" Shet naman oh! Akala ko moment ko na to! Halimaw talaga yang tsismosa na yan. Buti nalang naka upo sya sa likod. At sa ikalawang row mula sa harap ako pina-upo ni maam, maliit kasi ako. Buti rin nalang baka ma sampal ko yang tsismosa na yan.

Sa kaliwa katabi ko si Ella best friend ko. Sa kanan, katabi ko si Peter, ang importanteng lalaki sa king hinanarap.

Sekreto ni AyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon