"The art of medicine consists of amusing the patient while nature cures the disease."
― Voltairexoxoxoxo
Seth Kyrie
The Bayleaf Residences; 7:00 AM
Nakadapa ako sa aming higaan, may nakapatong lang sa aking kumot at ramdam ko na wala akong saplot. I'm still sore down there, gigil na gigil kasi ang hinayupak na dragon na yun kagabi. Sana ay naghugas na lang ako ng plato para di na ako naparusahan.
Alas tres pa ang pasok naming dalawa, parehas kaming night duty ngayong gabi at siya ngayon ang on-call sa ER. Wala akong balak na bumangon, gusto ko lang mahiga at matulog hanggang alas dos. Ipipikit ko na sana ang aking mga mata pero ramdam ko na may dumagan na sa aking likuran.
"Wake up sleepy head, ready for another round?"
"Hmmmmmmnft"
"Dali"
"Kamayin mo na lang"
Narinig kong tumawa siya.
"Bangon na diyan, punta tayo ng gym"
Di ako umimik. Tinanggal niya ang kumot na nakapatong sa akin saka niya ako hinampas sa pwet.
"Ano ba Dio"
"Bangon na kasi diyan, we'll get light breakfast along the way"
"Gusto ko lang matulog"
"I have an aortic arch repair mamaya, wala pa akong 1st assist. Can you suggest one senior resident?"
Parang bigla akong nabuhayan sa sinabi niya, bumangon ako agad saka ko siya tinitigan at nginitian.
"Why are you smiling?"
"Baka naman" sabay hipo dun sa crotch area niya.
"Sabi ko senior resident, hindi ko sinabing ikaw. At wag mong prinoprovoke yan pag nagalit yan lagot ka nanaman"
Hindi pa kasi ako nag-aassist kay Dio ng aortic arch repair, nakikita ko lang siya sa gallery na iperform yun.
"Ako na lang, please?" pagpapacute ko sa kanya with matching puppy eyes.
"Ok, get dressed. Let's go to the gym"
Wala na nga akong nagawa, nagpalit na ako at kinuha ang gym bag ko saka ako sumunod sa kanya sa sasakyan.
Sa treadmill lang ako nun habang si Dio naman ay ginagawa ang kanyang superset nung araw na yun. Lumipat ako dun sa mga weights at nagbuhat ng kaunti. Pansin ko na may group of 'guys' na nakatingin kay Dio, well kung ako din naman talagang mapapatingin sa lalakeng ito. I just ignored them, tingin lang naman di naman nila maangkin dahil nga sa akin siya napunta <insert evil laugh>.
BINABASA MO ANG
One in a Million Chances (BoyxBoy)
RomanceIf you've given a one in a million chance to go back in the past, will you grab it? May mga bagay sa mundo na kailangang i let go. May mga bagay rin na kailangan mong kumapit. The cycle of life is waking up, letting go & holding on. Mahirap kalabani...