THIRTY NINE
Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)
Wala akong ibang ginawa nang gabing iyon kung hindi ang umiyak lang. Kahit sa ganoong paraan, mailabas ko man lang iyong sakit na nararamdaman ko dahil sa kanya. Ang hirap isipin na lahat ay maaaring magbago nang dahil sa pagmamahal ko sa kanya. Kung hindi ko lang sana hinayaan ang sarili kong mahulog sa kanya, hindi sana magkakaganito ang lahat. Hindi sana ako ngayon umiiyak at hindi sana ako ngayon nasasaktan.
Mapait akong ngumiti at tsaka ko marahang pinahid ang mga luhang patuloy na tumatakas sa mga mata ko. I never thought that I would be this miserable just because of him. I never saw myself loving him this deep and I really hate this feeling.
Minsan, iniisip ko kung bakit nasasaktan ang isang tao kapag nagmamahal. Akala ko kasi dati, kapag nagmahal ka magiging masaya ka. Tipong wala ka ng pakielam pa sa ibang bagay dahil nagmamahal ka. Hindi pala, akala ko lang pala ang lahat ng iyon. Dahil kapag nagmahal ka, hindi pupwedeng hindi ka iiyak at masasaktan. Kahit gaano ka pa katalino, kapag nagmahal ka naman, nagiging bobo't tanga ka.
LUMIPAS pa ang ilang lingo at hindi ko na kinakausap pa ang ibang mga Montemayor. Gusto ko munang makaiwas sa kanila, lalong-lalo na sa kanya. Wala na akong naging balita pa kay Axcel. Si Din naman ay lagi akong tinetext at tinatawagan, ganoon din si Jeorge at Rissa sa akin. Si Felice ang lagi kong kasama pero malimit ko na rin siyang makasama dahil mayroon siyang OJT. Sa susunod na lingo pa magsisimula ang OJT ko at doon ko na lang balak ituon ang pansin ko. Kung minsan, nakikipagkita ako kay Nicollo pero hindi iyon madalas, OJT na rin kasi siya sa isang sikat na firm sa ibang bansa. At sinabi ko sa kanyang iyon na lang ang pagtuunan niya ng pansin kesa sa akin na wala naman siyang mapapala.
Palagi akong mag-isa lang pero hindi ko iyon pinapansin. Wala naman akong pakielam kung lagi akong mag-isa. Kahit na hindi ako sanay, kakayanin ko. Hindi naman kasi sa habang panahon, kasama mo 'yong taong lagi mong kasama. Darating at darating ang panahon na aalis, iiwan at mawawala siya. Kaya kung mayroon ka pang oras para makasama ang taong mahal mo, lagi mong sulutin ang mga oras na 'yon. Dahil hindi mo alam, baka bigla na lang siyang mawala sa'yo ng hindi mo namamalayan.
Katulad ng lagi kong nakagawian, naligo muna ako bago matulog. Hindi kasi ako sanay na hindi naliligo kapag matutulog at mas nakakatulog agad ako kapag malamig ang pakiramdam ko. Aaminin ko, simula noong inamin ko sa kanya na mahal ko siya. Para akong nawalan ng tinik sa dibdib ko dahil wala na akong tinatago pa sa kanya. Nasabi ko sa kanyang mahal ko siya, kahit sa huling pagkakataon. Sabihin ko mang hindi ko siya namimiss, magmumukha lang akong sinungaling at tanga. Walang araw, gabi at oras ko siyang hindi naisip. Lagi kong iniisip kung kumain na ba siya, kung iniinom ba niya ang gamot niya o hindi naman kaya'y natulog siya. Lahat ng mga ginagawa ko noon sa kanya, lahat ng iyon naiisip ko.
Huminga ako ng malalim at pilit kong tinatanggal sa isip ko si Axcel.
Humiga na ako pagkatapos kong ayusin ang sarili ko. Usually, mga alas diyes ako ng gabi natutulog pero simula ng hindi na kami nagkakausap ni Axcel. Napapadalas na maaga akong matulog. Wala namang kaso sa akin 'yon, atleast sa ganoong paraan mas napapansin ko ang sarili. Ito na 'yong tamang panahon para sarili ko naman ang isipin ko.
Ipinikit ko na lamang ang mga mata ko at hinayaan ko na lamang balutin ng lamig ang buo kong katawan hanggang sa hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako. Naalimpungatan ako sa tunog ng cellphone ko sa may gilid. Hinintay ko iyong mamatay pero ng mamatay iyon ay muli lamang iyong tumunog. Naiiritang inabot ko ang cellphone ko at sinagot iyon kahit na hindi ko tinitignan kung sino ang caller.
"Hello?" Medyo paos kong sabi dahil kakagasing ko lang. Tumingin naman ako sa may orasan sa gilid ko at nakita kong ala-una na ng madaling araw. Hinintay ko magsalita ang taong nasa kabilang linya pero lumipas ang ilang segundo ay wala man lang sumagot. Akmang ibaba ko na ang cellphone ko ng bigla kong marinig ang napakapamilyar niyang boses. Naramdaman ko ang paghuhuramentado ng puso ko. Tila ba biglang nagising ang diwa ko ng dahil roon.
BINABASA MO ANG
Just If (What If It's Love, Published Under Summit Media)
RomancePublished Under Summit Media, Pop Fiction. (What If It's Love) A story where forever doesn't exist. #BSS3