KUMUSTA ka na?" si Angelo nang muling dumalaw sa kapatid kinabukasan. Pinauwi niya si Nana Inez na nagpilit bantayan ang anak-anakan sa kabila ng mayroong pribadong nurse.
Ngumisi si Anthony. "I'm fine. Nothing that would not heal. Even my pride."
"Anong pride ang pinagsasabi mo?"
"I never had an accident, 'di ba, Angelo? Hindi pa man ako nakasasali sa races ay laos na agad ako," biro ng binata.
"Alisin mo sa isip mo ang tungkol diyan sa karera, Anthony, kung gusto mong tumagal ang buhay mo," pormal na wika ni Angelo.
"When did you arrive?" pag-iiba ng binata sa topic.
"Kahapon. And you have a very original way of welcoming me home," matabang na sagot ni Angelo. Muling hinagod ng tingin ang kapatid. "Are you sure you're all right?"
Tumango si Anthony. "Maliban marahil sa parang na-shock ako. But I'm fine, really. And I am so sorry I could not say the same for Wilna," may bumahid na pag-aalala sa mukha ng binata na agad ding pinawi at ngumiti sa kapatid. Isang malaking comfort na makita nito si Angelo sa mga sandaling tulad noon.
Ang private nurse na nakamasid sa kanila ay hindi mapigilan ang pagkamangha. Magkamukhang-magkamukha kasi ang dalawa! Maliban sa ang pasyente nito'y laging nakangiti at lagi namang nagsasalubong ang kilay ng dumadalaw na kapatid.
At kung ipipikit nito ang mga mata ay hindi nito matiyak kung sino ang nagsasalita. And both men are gorgeous! Hindi iilang nurses ang sumisilip kay Anthony habang wala itong malay.
"I did not allow any visitors maliban sa amin ni Nana Inez. Do you mind?"
"Hindi. At saka sabi naman ng mga doktor ay maaari na akong lumabas sa isang araw. Or even tomorrow if I insist. Tapos nang lahat ang examinations sa akin."
"You will have to postpone the date of your wedding," paalala ni Angelo.
Agad ang pag-iwas ng tingin ni Anthony. "Yeah. Wala munang kasalang magaganap,"
"Kakausapin ko ang mga doktor ni Wilna upang matiyak ko kung gaano katagal mauurong ang kasal. Dumating kanina sa bahay ang mga invitation cards na ipinaimprenta ninyo. They're very nice. Sino sa inyong dalawa ni Wilna ang pumili noon?" kaswal na tanong ni Angelo.
"She did," inabot ni Anthony ang diyaryo sa tabi at nagkunwang nagbabasa.
Matagal munang tinitigan ni Angelo ang kapatid bago marahang humakbang palabas.
"Kung may kailangan ka, nasa opisina ako. Sa main."
Nasa pinto na si Angelo nang magsalita si Anthony.
"Angelo..."
Lumingon ang binata.
"I'm glad you're here. I really am."
Tumango lang si Angelo at tuluyan nang lumabas.
BINABASA MO ANG
Ikaw, Ikaw Ang Iniibig Ko (COMPLETED)
Romance"Kung mayroong pagkakataon para sa atin, I'll make love to you right here. In a bed of grass... at twilight." Identical twins sina Angelo at Anthony. Hindi maitago ni Wilna ang pagkamangha sa remarkable likeness ng magkapatid. Paano malalaman ng da...