HIS 6

16 7 1
                                    

CHAPTER 6

Almost

The beastness tycoon, Mr. Caliber Zee Montreaz is rumored to be the unknown savior of VH Chain of Hotel and restaurant after spotted getting out of the said company.

Paulit ulit bumabalik sa isip ko ang mga salitang yan na para bang sirang plaka na kahit anong pilit kong kalimutan ay hindi ko magawa.

Tulala akong nakatingin sa salamin sa loob ng studio ng starlight. Hindi ko alam kung ano bang mararamdaman ko sa nalaman ko, kung magiging masaya ba ko na alam ko na kung sino ang may ari o magiging malungkot dahil alam kong mas naging imposible na mabawi ko ang kompanya namin.

"RID!" Napatalon at bahagyang nanlaki ang mga mata ko sa gulat ng biglang marinig ang malakas na sigaw ni M.A. Hindi ko namalayang natulala na pala ko sa kakaisip sa Zee na yon.

"Take your break girls. I will just talk to Rid."

Sumenyas ito na sumunod ako. Kaya ng pumasok ito sa opisina nito ay naglakad na din ako upang sumunod sa kanyang opisina.

Pagkaupo ay tumingin muna sakin ng seryoso si M.A. Hindi na bago sakin ang ipinapakita nitong emosyon tuwing naiinis ito. Napapalunok na umupo din ako sa harapan nito.

"Is there anything bothering you?" M.A knows us very well. Isang tingin lang alam na nito na may mali sa mga alaga nito.

Magaling itong mangilatis kaya kahit tumanggi pa sya ay wala ring magbabago dahil siguradong may ideya na ito. Hindi lingid sa kaalaman nito ang tungkol sa buhay nya.

"I now know the owner of our company"

Mahina ngunit sapat na para marinig nito ang sinabi nya. Bumakas sa mukha nito ang pagkagulat. Alam nito kung gaano na nya katagal hinahanap ang nakabili ng dati nilang kompanya. And her manager also know that she will do everything just to get their company back.

"Whatever your plan is, put it aside for awhile and focused in your upcoming concert. After that I will help you get your company back"

Wala akong choice kundi ipagpaliban muna ang mga plano ko kasama na ron ang umuwi sa Pilipinas para kausapin at makipagkasundo sa  Pamilya Montreaz.

Kulang pa din ang savings ko para mabili ang kompanya. Nagfocused muna ko sa career ko at sa kabutihang palad, isang taon pagkatapos ipakilala sa mundo ang Starlight ay naabot na namin ang aming tuktok.

Sa backstage pa lang ay rinig na rinig na ang hiyawan ng mga tao at mas dumagundong pa ang hiyawan ng paglabas namin sa stage. This is our fifth concert so far across Europe. We've also done a lot of concerts in America, Canada and many more places.

I still cannot believe that I'm standing with these number of people, cheering and adoring us.

Mas iginiling ko pa ang katawan ko kasabay ng pagkanta. Tagaktak na ang pawis ko  kagaya nila Leaf, Sidry at Winowa pero hindi na namin yon inalintana. Ito na ang ika-sampu at panghuling concert namin sa taong ito. Pagkatapos ng concert na 'to ay uuwi ako sa Pilipinas para asikasuhin ang kompanya. Binigyan kami ng management ng dalawang buwang break dahil succesful naman ang sunod sunod naming mga project.

Tuloy pa din ang hiyawan ng mga tao sa loob ng arena kaya mas lalo kaming ginanahang kumanta at sumayaw. Nakakapagod pero worth it naman.

Naging matagumpay ang panghuling concert na 'to kagaya ng mga nakakaraan naming concert.

Sinalubong kami ni M.A ng yakap. Maraming malalaking tao ang nasa backstage. Mga may ari ng Clothing line, Make up at iba pang mga kompanya.

Binigyan kaming apat ng bulaklak at nagkaroon ng mini pictorial. Marami rin ang bumabati at nagbibigay papuri sa naging tagumpay ng starlight.

HIS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon