NOW PLAYING: MIGRAINE
----
Oo nga pala
Hingi nga pala tayoHanggang dito nalang ako
Umaasa na ma pa sayo----
Naransan niyo na ba na maghanap ng lulugaran sa isang tao?
Wherein akala niyo may space kayo sa kanya?
Na akala mo may something sainyo kase ganon ang pinapakita niya?
Pero sa bandang huli, ganon rin pala sya sa iba.May mga tao talaga na pa-fall,
Yung para kang bata na binigyan ng kendi, pero binawi din, na sa huli maiiwan kang nganga.
Yung hindi mo alam kung sinasadya ba niya or sobra ka lang magassume.Dear Mr. Super friendly,
Hindi naman tayo friends noon, cliché lang na matatawag ang relationship natin.
Paano nga ba tayo naging close? Ano nga ba ang punot dulo nitong nararamdaman ko?
Ah, last day ng classes, niyaya ka ng mutual friend natin sa gala namin. At pumayag ka.
Friendly ako, a.k.a makapal ang mukha, katabi kita noon at pinapaglaruan mo yung phone mo, pinahiram mo ko, ewan ko nga bakit eh. Pero sige lang. Natuwa ako sa game, chinika chika kita about dun sa game and watsoever. Tapos nung kumpleto na tayo pumunta na tayo sa timezone. Sine ang unang balak, hunger games ang papanoorin. Pero dahil ayoko magsine ako ang nasunod. Nagvideoke tayo :) hindi ka masyado nagsasalita nun, pero wala naman akong paki :) kase nga cliché lang tayo non. Pero bigla akong gumawa ng eksena habang kumakanta eh tinigil ko at umiyak, inasar kase ko nung isa nating friend, sensitive ako kaya ganon. Naiba ang mood ng group at nakaita ko naman na curious ka, pero again wala padnin akong paki, nagiinarte pa ako. Tapos kumain na tayo at umuwi.
Pagkauwe ko nagopen ako ng fb.
*insert your name here sent you a friend request
Oh diba, cliche na cliche. Isang taon na tayong blockmate pero ngayoan lang naging friemd sa fb. Ah, tsaka hindi rin ako nagaadd eh. :l
Inaacept ko naman since kilala kita :) tapos chinat mo ko.
You: uyy, bat ka umiyak?
Me: *reason here
You: akala ko dahil nalala mo boyfrend mo (ex)
At ayan na ang chikahan natin.
Halos araw araw magkachat tayo, if not magkatxt naman.
Nirereplyan kita. Kase nakakatuwa ka may topic ka lagi.
May time na 3am na magkatxt pa tayo, na sabi mo exp na load mo kaya bbye na pero reply ka padin ng reply hanggang maubos extra load mo. Nadevelop siguro sa ganon friendship natin.
Consistent ang convo natin.
You: ang aga ah?
Ako: paano ka pa? Adik!
You: missme? :)
Abay pamiss me miss me ka na ngayon! Aba ang harot mo. Pero sige go lang dahil nakakatuwa ka.
You: Globe ka ba?
Ako: duh. Malamang
You: sabihin mo bakit.
Ako: bakit
You: kase, ang pagmamahal ko sayo go lang ng go kahit masaktan pa ako
Ako: Boom! Wag kang ganyan, baka maniwala ako hahaha
Banat banat ka pa ngayon. At ako marupok kinilig.
You: Love :)
Ako: luh,
You: ano ba yan
Ako: ano ba dapat?
You: Love din :)
Aba at gusto mo pa ng tawagan. Pero di ko pinatos yan. Ayoko niyan hahahaha.
Pero I'm not open na sabihin sayo, pero alam ko na may something.
Tapos pasukan na, nahihiya ako so hindi kita masyadong pinapansin.
Ganon karin naman, may sasabihin ka sakin itetext mo paPero after ilang weeks ng pasukan
Ni haniho wala na.
Inistalk na kita, aba ang ganda ng nakita ko ah?Girl: Gwapoo, imissyou
You: imissyoutoo :* see you soonAba may :* fyi hindi niya kamaganak si girl
Wow lang. So ano? Hindi nga pala kita ganun kakilala pero ngayon kilala na kita.
Sweet talker ka pala. ASSUMERA LANG AKO.Bakit ngayon lang kita inistalk?
MAY TIWALA KASE AKO SA IYO.
Ayun, thank you nalang sa hindi nakakaboring na summer vacation. At sa mga likes sa fb.
Love,
GLOBE