Chapter 1: I want you back

11 0 0
                                    

"Talaga? Mahal mo pa ako?"


"Oo Maxine. Ikaw lng naman ang minahal ko ng ganito eh."


Aaaaaaaaaaaaaah >///< nakakakilig! langya ang landi ko na ba? sorry naman dahil pangarap ko to eh. Ay mali pala! PANGARAP KO SIYA.


"A-ah" ang saya lang talaga! para akong na timang dahil di na ako nakapag salita ng maayos sa harap niya. Huhu.


"Maxine .. " sabi niya sabay ngiti at hinawakan ang dalawang kamay ko.


"Y-yes?" oh great! just great! para na akong bulateng kinikilig dito.


"I want us back. Can you please give me another chance? I can love you better now, I promise."


WHY NOT?! COCONUT! CHOOSY PA BA? LOVE KO TO EH!


"I'm sorry for hurting you. I'm such a fool to let you go."


Bakit pa kasi ako iniwan eh. Edi wala sanang drama na ganito. Pero feel ko rin namang kiligin. Ito naman talaga ang gusto ko eh, ang magkabalikan kami.


"I hope you will give me a chance cause I still love ... "


This is it!


Spill it out!


Sasabihin na niya ang magic word na hinihintay ko!


Siguro kung nakakamatay lang ang kilig, kanina pa ako nag huhukay ng sarili kong libingan. Oa ba? eh sa ganun talaga ang life.


"Miss, paki abot nga ng bayad!"


What???? Just What????


"Hoy Miss! Paki abot nga!"


Nagising na lang ako ng may nag pipindot sa akin sa balikat ko gamit yung hintuturo niya.


ABA MATINDE! ANG SAYA MO MANONG! MAG A I LOVE YOU NA SANA EH! BABALIK NA SANA KAMI SA DATI EH!


PANIRA KA NG MOMENT!


KAINIS!!!!!!!!!!!!!!


Oh well, Ano pa bang magagawa ko? Kinuha ko na lang yung bayad niya at inabot ito sa driver at bumaba na siya.


Kung di lang ako pinalaki ng mabuti ng mga magulang ko, kanina pa siguro siya naka tanggap ng pektus sa ulo!


Sa dami dami ba namang pwedeng abutan ng bayad niya, ako pa yong napag tripan eh nakatulog ako habang nananaghinip ng happily ever after ko!


KABANAS TALAGA!!!!!!!!!!!


Kung alam ko lang na mangyayari to edi sana nagpahatid na lang ako. Ka uuwi ko lang galing Australia badtrip na agad ang pang welcome home! Feel ko kasing mag jeep eh ayan tuloy!


Nung napansin kong nasa harap na kami ng school, agad akong nag bayad at bumaba na.


I wear a smile.


"Welcome to Dream High University"


This is it! After 3 years, magkikita na ulit tayo Dylan Troy Sandoval. I will get you back.


Habang papasok na ako sa school ng may biglang tumawag sa akin. Agad ko namang kinuha ang cellphone sa bag ko.


"Hello?" sagot ko sa tawag.


"HOY BABAE! KAILAN KA PA BUMALIK NG PINAS HA? DI MO MAN LANG AKO SINABIHAN! WALANG HIYA KA! KINALIMUTAN MO NA BANG BEST FRIEND MO KO?" grabe naman tong babaeng to. Sakit sa tenga!


"Ang oa naman neto, kung maka pag react ka talo mo pa nanay ko ah! Kahapon pa ako naka balik dito, di kita nasabihan kasi gusto kitang i surprise."


"Ako ba talaga ang gusto mong i surprise or si Dylan?"


"Both"


"As expected. Sira ulo ka pa rin talaga" laki parin ng galit niya kay Dylan simula nung nag hiwalay kami.


"By the way, sabi mo susunduin mo ako dito sa entrance. Eh asan ka na ba Miss Vannica Liz Santos?"


"Behind you" agad naman akong lumingon sa likod at nakita ko siyang nakangiti.


Aaaaaaaaaaaaaaaaaaah >.< na miss ko tong babaeng ito. I miss my bestfriend.


"I miss you Vannica" sabi ko sakanya.


"I miss you too smarty pants" as expected yan parin yung tawag niya sa akin. Nakakamiss, tagal ko na kasing di naririnig yan. Ewan ko ba kung bakit yan yung tawag niya sa akin, nakaka bobo lng.


"So since ikaw ang tour guide ko kailan mo ako ililibot dito?"


"Anytime kung kailan mo gusto, basta vaccant ako" ewan ko ba sa babaeng to bakit ayaw niya sa section 2-G. Sabi naman niya, kukulo lang daw ang dugo niya kay Dylan. Pinag bigyan ko na lang kahit labag sa loob ko, supportado pa rin naman niya ako sa mga ginagawa ko kahit labag din sa loob niya kaya its a tie.


"So see you then .."


Nag paalam na ako sa kanya at agad na hinanap kung saan ang room ko, mahirap ng ma late sa unang pasok ko sa skwela.


"Ahmm, Miss san po ba ang room 2-C?" tanong ko sa isang studyante.


"Doon po sa kabilang building yung malapit sa study hall, 1st year classrooms po kasi dito" sagot niya.


"Ah, ganun ba. Salamat" dali-dali na akong tumakbo dahil 5 minutes na lang at late na ako, kabilang building pa naman yun.


Pag akyat ko sa second floor para na akong naki sali sa isang riot sa kanto sa sobrang gulo ng buhok ko. Ang layo pala ng kabilang building na sinabi nung 1st year ata na yun?! Inayos ko muna ang sarili ko at huminga ng malalim.


"Makikita muna ulit siya" sabi ko.

Love HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon