Chapter 21

642 12 0
                                    

"You know what lis?"sabi ni tzuyu habang busy ako sa pag aupdate kay boss

Pang 5 araw na nyang wala sa office

"Ano yun?"tanong ko

"Ngayon lang naging ganyan si boss"sabi nya

"Talaga?"sagot ko at tumingin sa kanya

"Oo, di mo ba alam kwento ng buhay nya?" Tanong sakin ni tzuyu

Umiling lang ako

"Kaya naging cold at masungit sabi ng ibang empleyado dito e dahil sa past lovelife nya"sagot nya

"So you mean nasaktan sya?"tanong ko, interesting e

"Parang ganun na nga, kaya salamat sayo dahil bumabait na si boss"pabirong sabi ni tzuyu

Pumasok na kami sa office dahil nagbreak lang kami

Nagulat ako nung biglang may yumakap sakin

At narealize ko si ma'am jane pala
"Boss?"

Bumitaw sya sa pagkakayakap

Nakita ko yung luha nya at pinunasan ko iyon

"Ano nangyari boss?"tanong ko

Pero hindi parin sya nagsasalita

Hinayaan ko muna sya at niyakap sya ng mahigpit

Why do i feel this? Parang nasasaktan ako.

Nung maging ok na sya

" boss sabi mo 1 week ka wala?"tanong ko

"Natapos na agad e, tinapos ko na agad. I've missed you so much" sabi nya

Tama ba narinig ko?
Oh no
Boss wag ganyan

"Boss dapat nagpahinga ka nalang muna" nag aalalang sabi ko

" im ok" malamig na sabi nya

Inabot nya sa akin yung schedule ng mga business trip nya

"Boss? Seriously? Walang pahingahan?"sabi ko dahil halos sunod sunod

" yeah, and next time come with me"sabi nya

Bumilis ang kabog ng dibdib ko
Bakit ganyan ka sakin boss. Enebe!

"Ok boss"sabi nya

6pm, sabay na kami bumaba. Napatingin ako sa kanya, namumutla sya.

"Boss ok ka lang?"tanong ko sa kanya

"Medyo nahihilo lang"sabi nya

"Boss youre key?"tanong ko at ibinigay nya sakin

Habang nagddrive ako napansin kong nakatulog na sya

Kaya binuhat ko nalang nung makarating kami sa bahay nya.

Maganda ang bahay ni boss, maayos. Pero sya lang mag isa. Kawawa naman si boss walang nag aalaga sa kanya.

Naghanap ako ng pagkain sa ref nya, para makakain sya pag gising nya.

10pm tulog pa sya. Hindi ko naman sya maiwan

Tinry ko sya gisingin

"Boss"

Nagising naman sya

"Anong oras na?"tanong nya

"10pm na boss"sabi ko at napabangon sya

"May gagawin pa pala ako"sabi nya

Hinawakan ko sya sa braso

"Boss, kumain ka muna nagluto ako"sabi ko at napatitig sya

Kumain kami at nakita kong ganado sya

"Boss ikaw lang dito?"tanong ko

"Yeah"sagot nya

Hindi nako nagtanong pa ng kung anu ano pa

"Dito ka na matulog"sabi nya

Tumango lang ako

Habang hinihintay ko sya dahil sya na naghugas ng pinagkainan namin. Nakatingin ako sa kanya.

"What's on your mind?" Tanong nya

Ngumiti lang ako

"Wag mo ako ngitian ng ganyan"sabi nya

Biglang nagring cp ko, pero di ko sinagot

"Ba't di mo sinagot?" Tanong nya habang nagpupunas ng kamay

"Si Tzuyu yun boss, baka di naman importante sasabihin"sabi ko

Lumapit sya sakin at hinawakan nya yung pisngi ko

Boss ano na naman to?

"B-boss?"nauutal na sabi ko

"May something ba sa inyo ni Tzuyu?"tanong nya, di pa rin nya binibitawan yung magkabilang pisngi ko

"Wala boss, alam naman natin na bawal yun boss. We can't break your rules"paliwanag ko

"Ok, sinigurado ko lang"sabi nya

Inaya ako ni boss na bumili ng maiinom

Pagdating namin nanuod kami sa netflix habang umiinom

Hindi ko naman matanggihan dahil boss ko sya.

"Boss kumusta naman business trip?"tanong ko sa kanya

"Ok naman, ikaw kumusta naman pagbabantay mo sa mga employee natin?"pagbalik nya ng tanong

"Ok lang naman boss"sabi ko

"Good" sagot nya

Habang patagal ng patagal, nararamdaman kong nakasandal n yung ulo nya sa balikat ko.

Hinayaan ko lang, inintindi ko lang na baka nahihilo na sya.

Boss bakit ganito nararamdaman ko? Hindi ko maipaliwanag

Maya maya pa naubos na iniinom namin.
Inalalayan ko sya papasok ng kwarto nya.
Pagpasok namin sa kwarto, isinara nya yung pinto at isinandal nya ako sa pinto.

"B-boss?"nauutal na sabi ko

Tiningnan nya ako sa mata

"Can't you remember me?"
"What happened? Bakit ganito lisa?"

Eto na naman yung sakit

"I'm sorry boss, pero hindi siguro ako yung tinutukoy mo" sabi ko

Hinalikan ako sa labi ni boss

"I'm sorry" narinig kong sabi nya

Hinawakan ko sya sa waist nya at inilapit ang mukha ko sa kanya.

"Lisa" sabi nya at ramdam ko yung lungkot sa mga mata nya

I kissed her passionately. And she kiss me back

Nagkatinginan kami ulit

"Take a rest boss"sabi ko at ngumiti sya

"Wag ka umalis, tabi na tayo" sabi nya

Pinagmamasdan ko sya habang natutulog.

How can you be so cold? Alam kong hindi ka ganyan.

Kinabukasaaaaaaaannnnnn

Nagising ako na wala sya sa tabi ko, bumangon ako

Naramdaman ko yung hilo, at di ko na alam ang nangyari

AccidentallyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon