Chapter 15 - Weak

102 5 2
                                    

Tulala ako sa mga klase ko buong araw. Hindi pa rin ako makapaniwala na may dinner date kami ni Brad.

'Sinabi niya lang naman na dinner, wala naman siyang sinabing date. Assuming na naman ba ako?' tanong ko sa aking sarili. 'Bahala na!'

Pagkatapos ng huli kong klase ay naglakad na ako patungo sa 'the spot.' Iyon ang naisip kong ipangalan sa lugar kung saan kami unang nagkakilala ni Brad at kung saan marami na ring pangyayari ditong memorable sa buhay ko. Iniisip ko na dito kami magkikita dahil wala naman itong sinabing lugar kanina.

Malayo pa man ako ay tanaw ko na ang naka-hazard na sasakyan ni Brad sa 'the spot.' Natanaw niya ako sa malayo kaya't bumaba na ito sa sasakyan saka ipinakitang muli ang nakakatunaw nitong mga ngiti na binalikan ko ng isa ring ngiti.

Nang malapit na ako kung saan naroroon si Brad ay agad na pinagbuksan ako nito ng pinto ng passenger seat.

Dahil sa sobrang kaba hindi ko napansin ang isang batong naligaw sa daraanan ko at saka ako natapilok dito. Mabuti na lamang at maliksi si Brad kaya't sa halip na sa lupa ang bagsak ko ay nahulog ako sa mga bisig nito.

Hindi ko pansin na napahawak ako sa dibdib nito. Dahil doon ay naramdaman ko ang mga matitigas na muscles nito. Samantalang napahawak naman si Brad sa aking mga baywang.

Hindi ko alam kung dahil ba sa muscles nito o sa mga kapit nito sa aking baywang o sa mabangong amoy nitong humahalimuyak ang nagpatigil sa akin na gumalaw. Para akong nanigas nang mga sandaling iyon. I feel like I'm getting weak with Brad around just like the song of SWV.

I don't know what it is that you've done to me
But it's caused me to act in such a crazy way
Whatever it is that you do when you do what you're doing
It's a feeling that I want to stay

'Cause my heart starts beating triple time
With thoughts of loving you on my mind
I can't figure out just what to do
When the cause and cure is you

I get so weak in the knees I can hardly speak
I lose all control and something takes over me...

"Nikki, are you okay? Are you hurt?"

Pag-aalala ni Brad saka ako nahimasmasan at napaatras mula dito.

"I'm okay, I'm okay! Sorry, sorry! I'm so clumsy!"

Maligalig kong sambit habang inaayos ang aking sarili.

"Here take my hand."

Alok nito at saka ako inalalayang sumakay nito.

Hindi man ako tumingin sa salamin alam kong pulang-pula sa kahihiyan ang aking mukha.

"So, what are you craving for? I have reserved a table for two at a nearby restaurant."

Sambit nito pagkaupo sa driver seat.

"Anything will do, Brad."

Nahihiyang sagot ko dito.

"Okay, let's go then?"

"Let's go."

Sagot ko habang unti-unti na akong muli na napapalagay na kasama si Brad.

It was a short drive. Noong huminto ang sasakyan sa tapat ng restaurant ay napalunok ako. Ito ang restaurant kung saan ang first date namin ni Migs.

Mabilis na bumalik ang mga ala-ala ni Migs. Subalit nagtaka ako dahil ang mga ala-alang iyon ay hindi na kasing sakit gaya ng dati.

"Everything fine?"

Music & MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon