CHAPTER 13
Hindi magawang tumingin ni Eliana kay Rovan na ngayon ay nakatayo di kalayuan sa kaniya. Kita sa lalaki na hindi ito komportable sa kinaroroonan nila pero sa kabila niyon ay hindi nawawala ang determinasyon sa mga mata nito.
Tahimik lang ang naging biyahe nila papunta sa simbahan na malapit lang sa ospital. Hindi niya magawang itanong dito kung bakit doon sila magtutungo. Hindi niya magawang makapagsalita man lang dahil pakiramdam niya ay nilulunod siya ng sari-saring emosyon. Nandoon ang takot pero higit pa roon ay nandoon ang pamilyar na pakiramdam na tanging sa lalaki niya lang nararamdaman. Iyong tila ba ramdam niya sa bawat himaymay niya na hindi niya kailangan pang mag-alala sa kahit na ano dahil hindi siya nito pababayaan. Iyong pakiramdam na buo siya kasi nasa tabi niya si Rovan.
Naguguluhan siya. Kasi di ba dapat matakot lang siya? Hindi ba dapat ang gustuhin niya lang ay lumayo? Pero bakit pakiramdam niya nadudurog siya ng unti-unti kapag hindi niya ito kasama?
"Bakit tayo nandito?"
Halos hindi marinig ang boses niya nang magawa niyang makapagsalita gano'n pa man ay alam niyang narinig nito iyon nang may kung anong nagdaan sa mga mata nito.
"I want you to feel safe."
May kung anong init ang gumapang sa puso niya nang marinig niya muli ang boses nito. Iyon siguro marahil ang nararamdaman din nito. Kahit saglit lang pakiramdam niya parang sobrang tagal na nang huli niyang narinig ang boses nito. Boses na nagawa niyang makasanayan na marinig sa araw-araw na nakasama niya ito.
Pilit na tinanggal niya ang tila bikig sa lalamunan niya, "May rason ba para hindi ako maging ligtas?"
"Never, Eliana. Never with me."
Ramdam niya ag pagbaon ng mga kuko niya sa palad sa higpit nang pagkakakuyom ng mga kamay niya. Gusto niyang paniwalaan ito. Gusto niyang sundin kung anong nararamdaman ng puso niya. Pero hindi niya magawang patahimikin ang takot na pilit nagsusumigaw sa kaloob-looban niya.
"H-Hindi ko alam, Rovan. Hindi ko alam kung anong paniniwalaan ko. Hindi ko nga alam kung totoo ka eh. Kasi pakiramdam ko lahat ng nangyari imposible. At 'yung nakita ko. Hindi ko alam kung paano ko paniniwalaan iyon. Ni hindi ko nga alam kung bakit mo ako dinala dito."
Humakbang ito palapit sa pintuan ng simbahan kung saan siya nakatayo pero natigilan ito. Kita niya kung paanong magtagis ang mga bagang nito na para bang nahihirapan ito sa kung anumang dahilan. Umatras ito at kita niya kung paanong tila bumalik ang hangin sa katawan ng lalaki.
May pagkalito sa mga mata na nilingon niya ang loob ng simbahan na ngayon ay walang makikita na kahit isang tao bago siya muling bumaling sa lalaki. "Totoo lahat."
"Eliana-"
"Totoo lahat ng nakita ko."
Kita ang takot sa mga mata ni Rovan. Pangamba na baka muli siyang tumakbo paalis. Palayo dito at sa kung ano man ang itinatago nitong sikreto.
Kung magpapakatotoo siya sa sarili ay iyon ang siyang gusto niyang gawin. Gusto niyang lumayo. Gusto niyang magtago. Gusto niyang kalimutan ang lahat. Pero alam niya rin na imposible. Alam niya na kahit anong gawin niya ay hindi niya ito magagawang alisin sa puso niya na patuloy itong hinahanap.
"Gusto kong sabihin na hindi. I want to tell you that I'm just an ordinary man. I want to tell you that there's nothing to fear. But my existence is something that shouldn't have happened. My entire existence should scare anyone down to the bones."
Sunod-sunod na umiling siya. Kahit pa siya mismo ang nakakita ng gabing iyon ay iba pa rin na naririnig niyang nangagaling ang kompirmasyon mismo sa lalaki.
BINABASA MO ANG
D-Lair Trilogy #1: Rovan Veserra
عاطفيةPakiramdam ni Eliana Azarel ay siya na ang pinakamalas na tao sa buong mundo. Sunod-sunod ba naman kasi ang kinakaharap niyang problema. Kaya nga nang may magbigay sa kaniya ng business card na makakatulong daw sa kaniya ay kaagad niyang pinatulan i...