Sulat Para Sa Mahal Ko (BoyXBoy - OneShot)

734 7 2
                                    

To: @YDOnodera alam kong isang chapter lang to pero nung sinulat ko ito, ikaw agad ang una kong naisip na pagdedicatan ng story na to. Sana basahin mo din to. :-)

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

Mahirap pero kailangan kong tanggapin na iniwan ako ng mahal ko. Iniwan ako ng taong umangkin sa puso ko.

Wala na akong magagawa. Tila yata hindi kami nakatadhana. Kaya, pinipilit ko na lang siyang kalimutan. Marami pa namang nagmamahal sa akin.

At tila narinig yata ng langit ang sinabi ng isipan ko. Tila dininig niya ang dalangin kong sana ay may magmamahal pa sa akin dahil sa araw na 'to, isang liham ang nahulog mula sa locker ko.

Gulat akong napatitig sa nakatihayang sulat sa paanan ko. Ilang segundo ko itong pinagmasdan.

Nang mahimasmasan ay saka ko dinampot ito. Napalingon ako sa kaliwa at kanan.

"Sulat Para Sa Mahal Ko" ang nakasaad sa labas ng sulat.

Dahan dahan kong pinunit ang sobre at inilabas ang ilang pahina ng sulat na nakapaloob dun.

******
Dear Armor23,

Pinilit kong kalimutan ang mga masakit kong alaala tungkol sa buhay pag-ibig. Nabigo kasi ako ng sobra na tila gusto ko ng isarado ang puso ko. Gusto ko ng itigil ang tumibok ito.

Masakit pala ang umibig ng husto. Masakit ang makipagsapalaran sa nararamdaman mo. Masakit ang mabuhay sa panakaw na tingin. At masakit ang mabigo lalo't mahal na mahal mo ang taong nagdulot nito.

Nung una akala ko sasaya ako sa kanya. Nang sagutin niya ako akala ko ako na ang pinakamasuwerteng nilalang sa mundo. Dahil siya ang unang itinibok ng puso ko. Pero, hindi pala nagkakatotoo ang mga salitang "panghabang buhay ay tayo na"  dahil iniwan niya din ako matapos siyang makakita ng mas lamang pa sa kayang maibigay ko.

Nabuhay akong binalot ulit ng lungkot. Walang gabing dumadaan na hindi ako umiiyak. Sa pag-iyak ko binuhos ang sakit at sama ng loob ko sa kanya. Masama ang loob ko sa kanya dahil sinaktan niya ako na para bang laruan na bigla na lang ipinagpalit sa bago.

Nasabi kong hindi na ako iibig pang muli. Ayoko na maramdaman ang ganitong kahungkagan sa buhay. Ayoko ng madaranas ang gabi gabing pagpatak ng luha dulot ng mga alaalang hindi na madudugtungan pam

Pero dumating ka bigla. Ang akala kong sarado ko ng mundo ay muli mong binuksan.

Nang makilala kita hindi ko inakalang may mga tao pa lang makakapagpasaya sa akin muli. Sa katauhan ng mga pamilya, kaibigan at IKAW!

Nung una ay nagsimula tayo sa kuwentuhan lang. Masayang kuwentuhan na nauwi sa mabuting pagkakaibigan. Pagkakaibigang mas lalong tumingkad sa paglipas ng mga araw. At sa pag lipas ng mga araw, unti unti kang pumasok sa puso ko.

Kung paano kang naging parte ng buhay ko ay isang milagro. Dahil bigla mong inalis ang pasanin ko sa nakaraang problemang puso. Muli mong pinakilala sa akin ang kasiyahan. Kasiyahang dati kong naramdaman nung nakaraan.

Unti unti akong nahulog sa'yo ng sobra na di mo alam. Mahirap kasing pagkatiwalaan ang tibok ng puso ko lalo't naramdaman ko na kung paano masaktan. Alam ko ang kahihinatnan pag ang naramdaman ko sa'yo ay di mo masuklian. At ayaw kong bumalik sa estadong madilim ang paningin ko sa mundo dahil sa bigat ng dinaramdam ko.

Sulat Para Sa Mahal Ko (BoyXBoy - OneShot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon