Franchetti Xerene's POV
"Va? Nue ginagawa mue dyan?" Natatawang tanong ko kay Vava na naka-talikod sa akin. Naman! Kanina ko pa siya hinahanap, nandito lang pala!
"Hoy, Va---" natigilan ako nang bigla siyang nag-sway nang hawakan ko siya. Napa-atras ako at napa-kurap. Unti-unting umikot ang katawan ni Vava. Nanlaki ang mga mata ko at doon lang napansin ang tali na naka-pulupot sa leeg niya.
"V-Va....va....?" Kapos-hininga kong sabi habang naka-tulala sa katawan niyang nasa harap ko. Agad kong napansin ang isang parang...errr? Cushion? 'Yung parang sa mga stuff toys? 'Yung malambot? At naka-labas 'yon mula sa 'sugat' na nasa katawan niya.
Lumapit ako kay Vava. Si Vava ba talaga 'yan? Bakit parang---LOL! Maputi si Vava hindi dark brown! Kailan pa nag-beach si Vava? Saan siya nag-sun bathing? Gabing-gabi tapos natusta siya? Aba!
"Waaaaah! Cotton version ni Vava! ^O^" tuwang-tuwa kong sabi habang yakap-yakap ang katawan ni Vava na sobrang lambot. Kekekekekekeke. Though medyo creepy kasi parang inabuso si Vava at puro sugat, pasa, achuchu siya, ang mahalaga may doll na niya ako! ^O^
Kinuha ko ang Vavadoll at yakap-yakap 'yon habang naglalakad-lakad sa kalagitnaan ng kagubatan, "Vavadoll? Alam mo ba kung nasaan ang human version mo?" Tanong ko sa kaniya. Huhuhu! Ang laki-laki naman nitong si Vavadoll na 'to! Kung sabagay, malaki naman talaga si Vava. Hehehe. Lahat nga sa kaniya malaki, eh :D
"Tsk. Bitch pala. Malas." Natigil ako sa paglalakad at napa-lingon sa nagsalita. Nasa itaas siya ng puno habang pinaglalaruan ang isang kunai. Itinapon niya iyon sa akin na inilagan ko lang habang nananatiling nakatayo.
Nag-kibit balikat na lamang ako at hindi siya pinansin. Wala naman kasing sense kung makikipag-away ako sa kaniya, eh, wala pa naman siyang ginagawa. Siyempre kapag nag-sumbungan, siya dehado kasi siya naunang nanakit. Utak din.
"Professional doctor, huh?" Pilyang sabi niya at lumanding sa harap ko. Tumingin lang ako sa kaniya. As in, tingin lang. 'Yung tingin na wala kang pakialam sa kaniya. Ganun. Parang ganito: (¬_¬)
"Hello, Licensed Nurse." Bati ko sa kaniya at inayos ang pagkakabuhat kay Vava.
"Oh? Nakita mo na pala 'yan? At saan mo naman 'yan dadalhin?" Tanong niya habang naka-taas ang kilay. Nangunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Bakit parang wala siyang pakialam kay Vava sa pananalita niyang 'yon? Yes, doll lang 'to. Pero iba 'yung dating sa akin, eh.
"Doon. Sa kagubatan." Sagot ko na nagpa-taas lalo sa kilay niya.
"Aren't we in a forest already?" Ngumiti naman ako sa kaniya.
"Exactly. Ano sa tingin mo ang sasabihin ko? North-West, 38° Latitude and 97° Longhitude?" Pabalang na sabi ko na nagpa-iba sa pinta ng mukha niya. Nagulat ako nang kinuha niya sa akin si Vavadoll.
"What the---!? Why is this so heavy?" Naguguluhan niyang tanong. I took the chance at kinuha pabalik sa Vavadoll at itinulak siya sa balikat.
"Huwag mo akong subukan, babae. Nurse ka lang. Doktor ako. Saulo ko lahat ng parte ng katawan ng isang tao. Gusto mo mag-demo ako diyan mismo sa katawan mo?" Madiin na sabi ko at madiin na niyakap si Vavadoll. Hayop. Nasira tuloy braso ni Vavadoll! Grrrr!
"Alam mo? Ang yabang mo, eh. Pwede huwag mo nang itago pa 'yang landi mo? Ang sipsip mo kina Calamity. Wala kang karapatang lapit-lapitan sila, naiintindihan mo?" Pagtataray niya na nagpa-angat sa gilid ng labi ko.
"Oh, sure. Sabi mo, eh. Hindi ko naman kasalanan kung naiinggit ka sa akin dahil nasa akin ang atensyon nilang tatlo. Don't worry, kung gusto mo ilalakad pa kita sa kanilang tatlo, eh. Nakakaawa ka kasi. Napaka-desperada mo. Thirsty over somebody's milk and attention?" Bigla siyang tumawa na ikina-taas ng kilay ko. Baliw ba siya? Sa una pa lang talaga, ayaw ko na sa kaniya, eh. Lakas ng signal ng ManDi Radar ko sa kaniya.
BINABASA MO ANG
The Dragon's Seal: DEATH after LIFE (UNDER REVISION)
Science FictionPrevious Title: Their Final Battle THE REVISED VERSION IS UP.