LDR - facing the distance

53 1 0
                                    

LDR-Facing the distance

                Will brings forth miracles sabi nga nila, pero paano nga ba kung nasa LDR ka..oo, LDR as in long distance relationship, mahirap, imposible, katangahan, lokohan, yan ang sabi nila. Pero yun nga ba talaga? Bakit nga ba mas pinipili ng iba ang LDR? May mga relationship na naging LDR lang dahil sa mga di inaasahang sitwasyon at yung iba naman nag start talaga as LDR na...nakilala sa online game, social media at iba pa. Kelangan mo talagang sumugal kailangang magtiis at magtiwala, maging matatag para makayanan yung mga gabing tanging tunog lang ng keyboard yung naririnig mo kasi hindi kayo makapag video chat, at yung mga araw na nagtatapos na lang sa pag-logout ng isa, nakakabitin nakakalungkot nakakaiyak pero ganun talaga. May mga monthsary, anniversary, birthday at iba pang occasions ang dadaan na di kayo magkasama, na minsan hahalikan mo na lang yung screen mo, babasahing paulit ulit yung mga messages na naiwan sa chatbox at titigan ang wallpaper na may mukha nya o recent photos nya, yung paulit-ulit mong bibisitahin yung wall nya sa facebook kapag miss na miss mo na sya para lang kahit paano may idea ka sa pinagdadaanan nya. At minsan inaabangan mo yung sikat ng araw kasi umaga sa inyo at dapit-hapon sa kanila na kahit paano parehong nasisikatan ng araw yung mundo nyo sa maikling panahon. Yung iisipin mong kasalo mo sya sa pagkain kahit na nag-uumagahan ka at sya naman naghahapunan at may panahon ding gusto mo na lang syang hugutin sa screen mo o kaya sa isip mo para lang magkasama kayo. Minsan tinatry mong gayahin yung pose ni Goku para magteleport ka patungo sa tabi nya. Madslas gusto mong patigilin yung oras kapag kausap mo sya pero wala kang magawa kundi sagutin ang good night nya, ang goodbye nya at abangang maging offline ang status nya.

                Minsan hihilingin mo na sana myakap mo sya, mapahiran ang luha kung umiiyak sya pero wala kang magawa kundi i-type ang mga words na "it's alright" "it's gonna be ok" "malakas ka" "kaya mo yan" samantalang inis na inis ka sarili mo kasi wala kang magawa kundi panoorin sya sa maliit mong screen. Madalas pang mainggit ka sa mga taong madalas syang nakakasama. Yung kapag nakakakita ka ng couples inggit na inggit ka, yung kapag may nadadaanan kang nagtitinda ng bulaklak gusto mong bumili pero wala kang mapagbigyan kasi wala sya sa tabi mo. Yung yayakapin mo na lang yung unan kapag matutulog ka. Yung tanging hawak mo lang ei yung puso nya at aasang balak araw mahahawakan mo na rin ng mahigpit yung kamay nya.

                 Pero ang totoo nyan kahit malayo sya, she's just a heartbeat away, kasi ang LDR hindi para sa mga takot, hindi para sa mga mainipin, kundi para sa may lakas ng loob at pagmamahal, sa may malaking tiwala, sa mga taong kayang tumiis na mag-isa sa mahabang panahon para lang makasama ang pinakamamahal nila sa tamang panahon. At kapag nasurvived nyo to makikita at madarama mo yung saya, yung pinaghirapan mong tiisin at iniyakan mo sa mahabang panahon. lahat naman bagay may risk, may downside pero kung di ka papatalo sa mga yun, kung magtitiwala ka lang possible naman yun at magkakasama rin kayo. Darating din yung araw na tatawa kayong sabay habang inaalala yung panahong nagiiyakan kayo sa screen ng computer, yung nagtitiis kayo sa paputol-putol na minutong nagkakausap kayo..yung mga xoxoxox na nging totoong hugs and kisses na. Yung "I Love You" na sa kanya mo na naririnig hindi sa headphone lang o nababasa lang sa chatbox. Ansarap isipin na nagkatotoo di ba? Kaya minsan ganun talaga tiis-tiis lang at higit sa lahat "tiwala lang."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 03, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

kwentong wattpadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon