Una at Huli

50 2 0
                                    

Tanaw na tanaw ko ang buong bukirin at ramdam na ramdam ko ang lamig ng hangin sa aking mga balat, disyembre na masaya na naman ang mga tao sa paligid, pero heto kami at gumagawa ng aming proyekto para sa aming isang major subject.

"Hay! Napaka hirap naman gawin itong project na pinapagawa ni Sir," napatingin ako kay Finlay kasi minsan lang ito magreklamo tungkol sa mga pinapagawa ng aming guro kasi siya ang aming top 1 sa klase.

"Sus! Fin, ikaw nahihirapan? Baka nga mamaya matapos na agad natin 'yan e." pabirong sabi ni Rehan habang tumatawa nang malakas. Tapos maya-maya ay tumahimik siya, siguro tinignan na naman ng masama ni Aziel siya naman kasi itong barako sa aming apat e.

Naramdaman kong tumikhim sa aking tabi si Azi, pagkatapos ay nagsalita "Oh, bakit tahimik yata itong muse natin?"

"Baka naman gutom lang 'yan Azi, kanina pa kaya tayo dito nag gagawa." Sabi ni Rehan

"Oo nga, bakit kasi dito pa tayo sa may burol kung pwede naman tayo sa inyo Azi?" dagdag ni Fin, habang nakatingin at nagtatype sa laptop.

"Di ba nga sinabi ko na sa inyo na bawal tayo sa bahay pag ganitong oras kasi---" pinutol ko na ang pagasalita ni Azi, ito na naman siya saulong saulo ko na lahat ng sasabihin niya e

"Kasi nandoon ang mga kapatid at mga magulang mo, at ayaw mong makialam sila sa atin." Sabi ko sa seryosong tono

"Alam niyo naman pala e, tara na nga at gumawa para hindi tayo gabihin sa pagbaba sa burol." Sabi niya sabay iwas ng tingin sa akin

Sasabat pa sana 'yong dalawang lalaki kung hindi pa ako nagsalita, "Haynako! Wala tayong matatapos dito kung dadaldal tayong lahat, ikaw Rehan please lang huwag ka muna magsalita nang kung ano ano diyan, kung gusto niyo makapasa magtulungan tayo at tulungan din natin si Fin tutal siya naman itong maraming niaambag sa ating grupo." Natahimik sila sa sinabi ko, akala ko magsisisihan pa 'yung dalawang ugok na iyon e, mabuti nalang at nakinig sila sa akin at sinimulan na ulit naming 'yong project namin.

Habang pauwi na kami, tahimik pa rin 'yong tatlo kong kasama, napabuntong hininga nalang ako, hindi na nasanay sa aking itong tatlong 'to e, halos sabay sabay na nga kaming lumaki hindi pa rin sanay sa ugali ko.

"O bakit ang tahimik niyo yatang tatlo? May hinanakit ba kayo sa sinabi ko kanina?" binasag ko na ang katahimikan hindi kasi ako sanay na tahimik sila, sanay akong nagkukulitan sila habang naglalakad kami pauwi.

Hindi pa rin sila umiimik, mas lalong nakakagalit ha! Ganoon nalang ba sila nagtampo sa akin? Iyong tipong hindi na nila ako imikin?

"Hoy kayong tatlong ugok diyan hindi pa rin ba kayo iimi-," natigilan ako sa pagsasalita ko kasi paglingon ko wala sila! Hindi ito ang unang beses na tinrip ako ng tatlong 'to pero nakakarami na sila ngayong araw.

"FIN! REHAN! AZI! Nantitrip na naman ba kayo? Hindi na kayo nakakatuwa ha! Marami na kayong kasalanang nagawa sa akin!" sigaw ko sa kanila

Habang sinisigaw ko ang kanilang mga pangalan, bigla akong kinilabutan sa lamig ng hangin na humampas sa aking mga balat, manipis pa naman damit ko ngayon kaya ramdam na ramdam ko ang lamig ng panahon.

"Azi! Nako kapag nalaman ko na ikaw na naman ang may pakana nito humanda ka talaga sa akin!"

Nakarinig ako ng pagyapak sa mga tuyong dahon kaya nagpalinga linga ako pero wala naman akong nakitang anino nilang tatlo,

Imbis na takutin ko ang sarili ko, mas nanaig sa akin ang pagkainis kaya nagpatuloy nalang ako sa paglalakad, "Bahala nga kayo diyan! Uuwi nalang ako mag isa!"

Bigla akong nakarinig ng bulong bulungan siguro ay sila 'yun at nagsisisihan na kung sino ang talagang may pakana, paglingon ko sa gilid biglang lumabas si Fin, sumunod si Rehan at huling huli si Azi na nakangiting wagas pa na parang tuwang tuwa sa pangyayari.

Masyado Pang MaagaWhere stories live. Discover now