PIPI’S este Jairo'sPOV
Pagka-ring ng bell, dumiretso muna ako sa office, ipinapatawag daw ako ng Principal namin. Tsk, paborito kasi akong utusan nun. Pero hindi naman ako nagrereklamo, okay lang naman sa akin basta hindi ako gaanong busy.
“Jairo, gusto ko sana ipapicture sayo yung canteen natin. Madami kasing nabago at nirequest kong ipublish yun sa school paper natin.”
Tumango na lang ako sa sinabi niya. Wala naman akong magagawa ee. L
Pagkapasok ko ng canteen, natigilan ako. Yung mundo ko parang tumigil. Lahat ng nasa paligid ko, naestatwa. Tapos yung puso ko, ang bilis ng tibok. Likod niya pa lang, napapatigil niya na ang mundo ko.
Nagtago ako sa linya ng mga estudyanteng bumibili. Kinalma ko ang sarili ko. Hinawakan ko yung kamera ko tapos dahan-dahan kong itinutok sa kanya. Pasimple ko siyang kinuhanan ng mga pictures.
Sino siya?
Zianne Tuazon. Simple lang siyang estudyante. Hindi siya yung mapapatingin ng dalawang beses ang makakasalubong niya sa daan. Simple lang siyang magdamit, mag-ayos ng buhok, maglakad, magdala ng bag, tumawa, ngumiti--- Ano ba yan! Basta, natamaan ako sa kanya.
Kausap ni Zianne si Jewel, yung bestfriend niya pero kadalasan talaga napagkakamalan siyang alalay. Kapag lumalapit sa akin si Jewel, lumalapit din sa akin si Zianne kaya okay lang. Minsan nakakairita na din si Jewel kasi lagi niya akong sinusundan, tinatawagan sa bahay tapos napagkakamalan pa akong boyfriend niya. Hayyy, pero okay nga lang yun kasi kasama naman niya si Zianne.
Si Jewel lang ang naglalapit sa akin kay Zianne kasi hindi ko siya kayang lapitan. Pero hindi ko ginagamit si Jewel, promise! Hindi ko naman siya pinapaasa eh. Ewan ko ba sa babaeng yun, sabi nila gusto daw talaga ako ni Jewel.
Hindi kaya, Zianne is just giving Jewel a way? O wala lang talaga siyang gusto sa akin. Ang sakit naman nun.
Wala akong balak sabihin na gusto ko siya…mahal ko na yata siya. Wait! Meron pala kaya lang hindi ko pa alam kung kailan. Kailan nga ba? As of now kasi wala pa akong plano.
“Jairo,” nakita ako ng Principal namin. Bakit andito ito? “May mga nakuha ka na bang pictures?”
Tumango lang ako. Sana wag niyang tignan yung camera ko. Mabubuko ako pag nagkataon, puro zoomed pictures pa man din ni Zianne ang nandito.
“Good. Napicturan mo na ba yung entrance ng canteen?”
“Po? Hindi pa po ee.”
“Pinalagyan ko yun ng bagong karatula. Sige, picturan mo yun,” itinaboy ako ng Principal namin. May pagkamasungit lang talaga siya minsan pero nasanay na ako.
Lumabas ulit ako tapos kinuhanan ko ng mga pictures dun. Wala naman na sigurong dapat picturan sa canteen. Malolobat pa ang kamera ko, pasimple ko pa sana siyang kukuhanan ng picture mamaya… gaya lang ng dati.
Kumalam yung sikmura ko. Gutom na ako, kailangan ko ng merienda. Pagpasok ko, may tumwag sa pangalan ko.
“Hi Jairo!” kumaway sa akin si Jewel. Napatingin halos lahat ng mga nasa canteen, hayyy naman Jewel.
“Hi Jewel,” lumapit na din ako sa kanila. Kailangan kong kumalma, si Zianne napatingin na din sa akin.
Dug. Dug. Dug. Kumalma ka lang Jairo. “Hi Zianne.”
“Merienda,” iniabot sa akin ni Jewel yung sandwich niya. Sana hindi kumalam ang tiyan ko. Lumunok-lunok ako, iisipin lang ni Zianne na may gusto ako kay Jewel kaya hindi ko tinanggap.
“Thanks pero busog pa ako. Nandito lang ako para kuhanan ng picture yung mga changes dito sa canteen,” pagsisinungaling ko kahit may mga nakuha na nga akong pictures. Hayyy, dapat bibili na ako ng pagkain ko eh.
YOU ARE READING
kwentong TATSULOK <book1 completed>
Ficção AdolescenteNasali ka na ba sa isang PAG-IBIG NA TATSULOK? Ikaw ba yung pinag-aagawan? O baka naman yung gusto? Or else sa tatlo... ikaw yung kawawa. Kwentong tatsulok ... para sa mga taong nakaranas na ng ganito.