Chapter 17

108 3 1
                                    

Michelle.

"Give me a valid reason why I should forgive you from ditching the game, Ms. Del Rosario." Mariing banggit sa akin ng professor ko. Nanatili akong nakayuko at nakatayo.

"You're the ace player when it comes on playing Badminton. And I expected a lot from you. How can you be so reckless?"

Nagangat ako ng tingin at sinalubong ang galit na tingin ng professor ko. Halos magsalubong na ang drawing niyang kilay. Hindi nalang ako nagsalita.

"Get out." Tumalikod na ako at lumabas ng opisina niya.

Bumuntong hininga ako at nakayukong naglakad.

"What's with the long face?" Natingin ako sa gilid ko ng biglang may sumabay sa akin sa paglalakad.

"Clyd."  Iniwas ko ang tingin. "Eto nasermonan nanaman."

"It's okay." Natatawa niyang banggit.

"Clyd! Michelle!" Parehas na nagawi ang tingin namin sa sumigaw. It was Harold who's waving his hand on us.
Napangiti naman ako. Isang araw lang at na-miss ko ang mga hunghang kong kaibigan.

"Yung celebration ha? Papaalala ko lang." Oo pala. Nanalo pala ang department namin sa basketball. Champion.

"Basta JD game ako dyan." Natatawang banggit ko. Sumimangot naman si Gino.

"Puro ka nalang JD. Ayaw mo ng The Bar pink?" Reklamo ni Gino. Tinaasan ko lang naman ito ng kilay.

"Iinom ka ulit?" Naputol sa ere ang tangkang pagsumbat ko kay Gino dahil sa sinabi ni Clyd na katabi ko.

"Not really." Sagot ko at iniwan siyang nakatayo doon. Hinabol ko naman si Gino ay Harold at kaagad na iniakbay ang kamay ko sa kanila magkabilaan.

Doon ako sumabit.

"Ang bigat mo, ano ba, Michelle." Natawa naman ako sa reklamo ng mga 'to. Hays. Nagawa pang magreklamo e binuhat din naman ako hanggang classroom.

Natapos ang araw ng wala naman masyadong nangyari. Magaganap ang celebration sa resort nila Clyd, kasama ang lahat ng nasa department namin na makakapunta at si Clyd syempre at sa sabado pa iyon. Two days from now.

And speaking of Anca, ayon, palagi sa deans office kasi may inaasikaso daw.

--

"Nakausap mo na ba si Clyd?" I asked Anca. Kasalukuyan kaming nasa loob ng van papunta sa resort nila Clyd.

"Nauna na daw siya dun, don't worry." Natatawang sambit niya sa akin.

"Uh okay." Nagkibit balikat nalang ako sabay salpak ng headphone sa ulo ko. Nagsimula naman na silang magsigulo. Hindi ko nalang pinansin.

Napatingin nalang ako sa mga bahay na nalalagpasan namin. Naramdaman ko nanaman ang pamilyar na kurot sa dibdib ko. Dalawang araw na hindi nagparamdam si Clyd. Walang text o tawag. Walang kahit na ano.

Hindi ko rin siya nakita sa University at ng tanungin ko sila Harold at Gino ay parehas ang mga ito na walang alam.

Ipinikit ko ang mga mata. Sinubukan kong i-text ito pero no reply at mamaya sa resort tsaka ko lang siya makikita. Napahinga ako ng malalim.

"Nahulog ka na." Napalingon ako sa nagsalita. Si Anca ang katabi ko at nakatutok siya sa phone niya. Actually, wala namang tugtog ang headphone ko. Props lang kung baka atsaka malakas ang kantahan ng mga kasama ko dito.

"Ha?" Tinapunan niya ako ng tingin.

"Just admit it, Michelle. Matagal mo na siyang gusto diba? Eversince nung mga bata pa tayo. Natabunan lang iyon ng dumating sa buhay mo si Patrick. Pero ngayon, bumalik diba? That feeling inside you is still there. You just need to admit it."

It was out of nowhere pero natamaan ako. Napahawak ako sa dibdib ko. It was beating rapidly. Lumitaw ang imahe ni Clyd na nakangiti sa saakin.

Sa kabila ng pagiging mapangasar na ito sa akin, siya rin naman ang palaging nandyan at maasahan. Siya yung nakakasama ko, nakakausap. Siya yung nahahawakan ko't nakakapikunan.

I hate to admit.. but I think, Anca is right. Hindi ko lang magawang aminin sa sarili ko na gusto ko siya dahil nasa loob kami ng laro.

Bumuntong hininga ako at bumaba ang tingin ko sa cellphone ko ng mag ring ito.

Ilang ulit akong tumikhim bago sagutin ang tawag.

"Hello? Clarise?"

"Hello ateee! Guess what? We're going back to L.A!" Napangiti ako ng malawak.

"Really? Are you staying there for good?" I asked.

"I guess ate. But don't worry, I promise naman po na uuwi ako dito para bisitahin ka."

"That's good. Magiingat ka doon ha?"

"Oo naman ate. Kailangan e. Atsaka kasama ko si kuya."  Nawala ang ngiti ko sa mukha ng marinig ko ang sinabi niya.

"What do you mean?"

"Good news ate. HAHAHA last year pa kasi pinipilit ni lola na sumama si Kuya sa Los Angeles, kaso ayaw ni kuya. So they made a deal. Hinayaan ni lola na magstay dito sa Philippines si kuya for just a year then after that, sasama na si Kuya sa L.A and we'll stay there for good. Actually, ayaw nga ni kuya na umalis but lola is lola. And a deal is a deal."

Nahigit ko ang paghinga. I don't know what to react.

"Aalis na kami sa Monday. And kuya officially drop out sa Trend University. Wait ate.. didn't kuya told you about it?"

Natawa ako ng mapakla. "B-bakit naman niya s-sasabihin sa akin? We're enemies r-remember?" I closed my fist.

"Ah! Right. I forgot about that. Sigee ate. I'll call you later. Ba-byeee!"

Teka. Kailangan ko ng JD.

--

The Player's Endgame [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon