CHAPTER 01: Broken at Dawn

13 0 0
                                    

AUTHOR'S POV

"Maaaaaaaxxxxx!" sigaw ng isang nagwawalang babae mula sa may gate. "Walang hiya ka! Haliparot ka, lumabas ka riyan sa lungga mo, malandi ka! Maaaaaaaxxxxxx!" Patuloy ang sigawan habang kinakalabog ang gate, nagngingitngit sa galit, umaasang mabuksan ito.

"Ayan na naman, may nabiktima na naman si Max," bulong ng isang kapitbahay na nakikiusyoso. "Hay naku! Kababata kong babae, pumapatol sa may asawa!" sabat pa ng isa. "Hindi na nahiya!" dugtong pa nito.

Patuloy sa pagkalabog ang babae sa gate hanggang sa lumapit si Max. Pagbukas niya ng gate, agad niyang hinarap ang babaeng mataba at kaedad na niya.

"Oh, Manang? Ano ba ang dinadada mo riyan?" malamig na tanong ni Max, wala ni katiting na interes.

"Hoy, Max! Tigil-tigilan mo na ang paglalandi sa asawa ko!" sigaw ng babae, dinuduro si Max nang walang humpay.

"Aba e, Manang, kasalanan ko bang sa akin na kumakapit ang mister mo? Pasalamat ka't kinama ko lang siya, hindi ko pa tinanan," sagot ni Max, kalmado pero may panggigigil.

"Diet-diet din kasi, Manang. Ayan tuloy, mister mo sa ibang Maria sumasawsaw," dagdag pa ni Max na ikinaputla ng babae.

"Tandaan mo 'to, kung hindi ka titigil sa kalokohang 'to, papatayin kita!" banta ng babae, bago tumalikod at nagmamadaling umalis.

"Nakakatakot ka naman, baka ikaw pa ang maunang mamatay diyan, HAHAHAHAHA!" pang-iinis ni Max habang umaalis ang babae, nagpipigil na lamang ng sarili upang hindi muling humarap kay Max.

"Kayong mga nakikiusyoso diyan! Ano? Gusto niyo bang asawa niyo ang sunod kong ikama?" sigaw ni Max sa mga usisero. Agad silang naghiwa-hiwalay, takot sa mga sinasabi ni Max. "Mga 'to, aga-aga ini-estress ako!" pagsasalita niyang mag-isa bago padabog na isinarado ang gate.

"Ano, Max? Ganito na lang ba palagi ang eksena kada umaga? Gigising ka ng may nagwawala at nagchi-chismisang kapitbahay sa labas?" sermon ni Cathy, habang nakatingin ng masama kay Max. Nagkibit-balikat na lamang si Max, tila wala nang pakialam sa mga sinasabi ng kaibigan. "Kailan ka ba kasi titigil?" dagdag pa nito, puno ng awa at pag-aalala.

"Pwede ba, Cath? Kahit ngayon lang, kampihan mo ako," sagot ni Max, nagsisimulang mapagod sa paulit-ulit na mga pangaral.

"Naman, Max! Maling-mali na ang ginagawa mo! Hindi ka na ba naaawa sa sarili mo? Mula noong mawala si..." sabat ni Cathy, pero natigil nang biglang sumiklab ang galit ni Max.

"Subukan mong banggitin ang pangalan niya, ibabaon kita ng buhay, Cathy, kahit kaibigan pa kita!" mariing banta ni Max, na ikinatahimik ni Cathy. Wala na siyang nagawa kundi kunin ang bag niya at umalis na papuntang gym, iniwang mag-isa si Max sa bahay, nakatulala at malalim ang iniisip.


LATE NIGHT at DZX HOUSE BAR

Max's POV

"Wooooohhh!" malakas kong hiyaw matapos ilagok ang isang basong alak. Hindi ako makatulog ng maayos, kaya't nandito ako, 2:17 am na at nasa DZX House Bar pa rin ako. "Wooooohhh Yeaaaaahhh! Laban pa!" Hamon ko sa lalaking nakasabay ko. Halos gabi-gabi akong nandito, minsan nga madaling araw na ako pumupunta kapag hindi ako makatulog sa kakaisip ng kung anu-ano.

"It's your shot!" Iniabot ko sa lalaki ang isang baso ng alak. Lima kaming nasa iisang table, dalawa lang kaming babae. Nagsimula na kaming maglaro ng Spin the Bottle; kung sino ang matutukan, siya ang iinom.

"Ano nga ulit pangalan mo?" tanong ko sa lalaking inabutan ko ng baso. "I'm Dray," pakilala nito. "And this is my twin, Drex," turo niya sa katabi niyang lalaki. Magkamukha sila, pero mas gwapo si Drex. "That's Ethan and his girlfriend, Margo," dagdag pa niya.

Max Lincol'nTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon