Chapter 3 Beach

9 0 0
                                    



"Ate! Ate." Tawag sa akin ng isang bata habang papalapit sa aking kinauupuan. "Ate at kuya bili na po kayo nitong itinitinda ko, souvenirs po. Parang awa nyo na po kailangan ko lang po para may pambili ng hapunan namin ng mga kapatid ko." Pagmamakaawa ng batang lalaki.

Napatingin naman ako sa mga panindang hawak nya.

"Pasensya ka na wala kasi akong dalang pera ngayon, nandun sa tinutuluyan ko. Bumalik ka bukas ng umaga dito sa harap ng dalampasigan siguradong makikita mo ako, at pangako bibili ako ng mga paninda mo." Nginitian ko naman sya pagkatapos kong sabihin ito, halata ang lungkot sa mga mata nya.

"Pangako, bukas ng umaga." Natuwa naman ako ng namutawi na ang ngiti sa kanyang labi.

"Sige po, salamat po!" patalon-talon sya na nananakbong papalayo sa amin.

Ibinaling ko naman muli ang aking paningin sa lalaking kanina ko pang kinukwentuhan. Bigla akong nagbaba ng tingin ng magtagpo ang aming mga mata.

"Hintayin natin ang sunset, yun ang inaabangan ng mga tao dito sa harap ng karagatan."

"Sige." Humarap naman ako sa tinitingnan nya, unti-unti ng lumulubog ang araw. Sino ang hindi gugustuhing makita ang ganito kagandang pagtatagpo ng araw at ng dagat?

"Ang pagsikat at paglubog ng araw ay parang tayong mga tao. Kapag iminulat mo ang iyong mga mata makikita mo ang liwanag, pipikit ka para naman marinig ang mga hinaing na nagtatago sa dilim. Sa bawat araw, wala tayong kontrol kung paano ito mag-uumpisa at magtatapos. Isa lang ang alam natin, na lahat ng bagay ay may hangganan." Napabaling akong muli ng tingin sa kanya habang patuloy naman nyang tinititigan ang paglubog ng araw habang nakangiti matapos sabihin ang mga linyang yun. Napakalalim ng taong ito.

"Lahat ng liwanag ay may naghihintay na dilim, lahat ng ingay ay may kaakibat na katahimikan, lahat ng bagay sa mundo ay may naghihintay na katapusan. Ang paglalakbay ng araw at buwan kailanman ay hindi natin mahuhulaan, pero ang ating kinakabukasan ay nakasalalay sa atin mismo, kaya tayo ang makakaalam kung ano ang ating kahahantungan." Tiningnan naman nya ako ng malalim habang nakangiti pa rin. Ang mga mata nya ay tila namamangha sa mga narinig nya, ang lalim ng titig nya ay nagdulot ng pagkapako ko aking paningin. Para syang may kapangyarihang mag hipnotismo. Ganun ang dating sa akin ng lalaking ito.

"Ahhh. . .hmmm sige mauuna na'ko, inabot na rin tayo ng gabi sa mga kwento ko, wala namang maganda sa mga ibinahagi ko." Tumayo na ako at nagsimulang humakbang palayo.

"Nandito ka pa naman bukas di ba? Hihintayin kita."

Napahinto ako sa aking paglalakad, agad kumabog ang bawat pintig ng aking puso na tila gustong kumawala sa aking dibdib. Pero hindi ko na nagawang lumingon pang muli sa kanya, nagtuloy pa rin ako sa paglalakad pabalik sa Inn na tinutuluyan ko.

Kumain ako sa isang maliit na kainan sa ibaba ng Inn, matapos nito umakyat na ako sa aking kwarto. Naligo ako, habang nagpapatuyo ng buhok bago matulog ay napahinto ako at napaisip. "Sa tagal naming nagkwentuhan hindi ko man lang naitanong ang pangalan nya. Hindi naman siguro sya nabored kasi ang sabi pa nga nya hihintayin nya ko bukas. Bakit nya ko hihintayin? Hmm sabagay sa ganda kong ito hindi na'ko magtataka kung malove at first sight sya sakin haha."

Naramdaman ko ang init ng sikat ng araw na tumatama sa aking mukha, kinusot ko ang aking mata at bumangon. Nagtapis ako ng bathrobe at pumunta sa terrace ng kwarto. Ramdam na ramdam ko ang malamig na simoy ng hangin na humahampas sa aking mukha. Dahilan para tangayin nito palikod ang itim at tuwid kong buhok. Ilang minuto ang lumipas nagpasya na akong maligo upang makapag agahan.

Maling AkalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon