Ivy's POV
"Buti naman at tumigil ka kakahanap dyan kay Mark mo!". At tumingin naman saken si Alexander Ford nang walang emosyon.
Really?! Landi landi talaga nito!!"Hay! Tse! Maghanap ka na ng gusto mong cellphone! Baka ipa-ka cancel ko pa tong challenge na to!". At iniripan nya na naman ako ulit.
Bakla nga naman talaga! Umalis nalang ako at naghanap na ng gusto kung bilhing cellphone. Di pa naman luma tong CP ko. Siguro mag wa-one month palang to saken. Pero sadyang boring na yung cellphone na to! Kaya kailangan ng palitan! HAHAHA! Parang pera ko ang winawaldas ah! HAHAHA.
Gusto ko kasi yung latest na iPhone. Syempre yung may malinaw na camera. HIHIHI! Para sa vlog! May camera naman ako pero sadyang tamad lang talaga akong mag-asikaso! Haha. Buti nang sa phone ako mag vlog. Para pag naka-shoot na ko diretso na edit. HAHAHA!
Ng di ko makita yung hinahanap kung cellphone ay dun ko napag-pasyahan na magtanong sa sales lady na naka-bantay. Pero bago muna yun hinanap ko muna si Alex. Baka tinakasan nya na ako. Nakita ko naman sya nag-cecelphone. Ahhhh! Kawawang Alex. Mukhang mauubos ang pera nito. HAHAHAHA. Mayaman naman sila eh! Kaya Go! Bahala sya dyan. Bibilhan ko naman sya ng Liptint eh.
"Miss nasaan yung cellphone na iPhone 11 Pro?". Yeah! iPhone 11 Pro talaga yung gusto ko. Salamat naman at mabibili ko na rin yung cellphone. Mas magiging maganda na yung vlog ko. HIHIHI!
"Ahhh yun po ba? This way po!". At sinundan ko nalang ang sales lady. Liko there! Liko every where. Marami akong nakitang mga cellphone na bagong labas pero sorry sila! Mas bet ko yung iPhone. Haha. "Ito Po". At tinuro nung babae ang iba't ibang klaseng iPhone. Wew!
Umalis na yung saleslady at ako ay pumili nalang. Nakita ko naman agad yung hinahanap ko ang iPhone 11 Pro. Kinuha ko agad ito at pumunta agad sa Camera. Pak! Ang linaw! Nag-selfie selfie muna ako! Haha! Tinry ko muna mag vlog vlog. HAHAHA! Ok naman sya.
"Yan ba yung gusto mo? Bilhin mo na!"
"Ay kabayo!". At muntik ko nang mabitawan yung cellphone na hawak ko. Gag*ng Alexander Ford to ah! "Ikaw talaga Alexander Ford! Bigla ka nalang nanggugulat! Paano kung nabitawan ko yung cellphone?! Ede magbabayad tayo ng wala!!". Tumingin naman sya saken ng walang emosyon. Aba! Ang baklang to! Nag e-emote! Ano problema nito? Kay Mark? Love Life? O Pera?
"Tapos ka na? Bilhin na natin yan! Halika na!". At napa-irap naman sya ulit. Hala! Parang yatang masungit ang baklang to?! Dinatnan ba sya nung nakatayo sya kanina?!
"Oh eto na!". At inayos ko ulit yung laman. At tinakpan.
"Yan lang?". Tanong saken ni Alexander Ford. Napanga-nga nalang ako sa sinabi nya. Insulto ba yun? Marami bang pera ang baklang to? Mayaman pala sila.
"Eh? Ilan ba gusto mo?". Tanong ko sa kanya. Para sigurado. Baka gusto nya dagdagan yung kinuha ko para ibigay sa akin. Maloloka na ako nun!
"Kumuha ka pa ng isa". Seryuso nitong sabi. Really? "Wag kang umasa na sayo yang isa kasi saken yung isa". At napa-irap naman sya ulit. Na-una syang nag lakad at ako naman ay naiwang naka-tulala.
Really? Parang maldita ngayon ang bakla ah! Di ko naka-take ng gamot! Gamot sa utak! Nakaka-bwesit eh!! Sinundan ko nalang sya at nung nasa-counter na kami ay agad kung binigay yung dalawang box ng iPhone 11 Pro. Nagulat naman yung cashier. First time?! At napa-irap nalang ako.
Habang may tina-type yung cashier dun sa computer. Ay napag-isip isip ko muna mag-libot at maghanap ng case. At pop socket. Ng makita kung may case ng phone sa bandang left side namin ay agad akong pumunta dun.
Di naman mahirap hanapin yung gusto mong case kasi may mga label naman ang bawat case (tapos kayo walang label) . Hinanap ko naman ang case na para sa iPhone 11 Pro. At di naman ako na bigo. Pumili muna ako ng case na maganda. Marami namang case na magaganda pero di ko bet. Kaya nangalkal pa ako ng iba. Basura lang?! HAHAHA
"Ivy! Bilhan mo na rin ako ng case!". At agad naman akong napa-lingon kay Alexander.
"Ok!". Tipid ko nalang na sagot kay Alexander. Pumili na ako ulit ng bongga. May nakita akong case na pang-summer na na color pink yung moto. Tapos may naka-sulat na Love sa gitna. Yun nalang ang kinuha ko.
Nag-hanap na rin ako ng isa pang case para kay Alexander. Syempre dapat pang-lalaki kasi baka mahalata sya ng Mommy at Daddy nya! Haha! Di pa kasi out! At di naman ako nahirapan kasi may nakita akong case na Galaxy yung design. Kinuha ko nalang yun. At bumalik na sa counter.
Nang maka-rating na ako sa counter ay nakita ko nang binabalot na nung babae yung binili naming cellphone.
"Nakapag-bayad ka na?". Tanong ko kay Alexander.
"Oo". Tipid nalang nitong sagot at tinanggap yung mga naka-balot na naming cellphone. "Naka-pili ka na ng case?". Tanong saken ni Alexander. Kahit di saken sabihin ni Alexander Ford alam kung parang may nangyari masama. At yun ang kailangan kung malaman.
"Oo". At pina-kita ko sa kanya kung napili Kung case.
"Ok". At kinuha nya yung case at binigay sa cashier. Agad naman ini-scan nung babae yung price ng babae.
"1000 sir". At binalot na nung babae yung case at aakmang dudukot sana si Alexander ng wallet pero-
"Alex, ako nalang". At dinukot ko yung 1000 na nasa bulsa. Tira yun sa baon ko kanina.
"No, ako nalang". Bubunot na sana si Alexander Ford ng 1000 sa wallet nya pero binigay ko na yung 1000 sa cashier.
Narinig ko napa-buntong hininga si Alexander Ford. Sabi na nga ba eh! May problema nga siya! Ma-chika nga sya mamaya! Haha! Binigay na sakin nung cashier yung case.
Narinig kung humakbang si Alexander papalayo.
"Ma'am mukhang pong nag-seselos yung Boyfriend nyo". Deritsong Sabi nung cashier saken.
"Boyfriend? Ako? Sya? Hindi ah!". At napa-iling nalang ako.
Agad ko namang hinabol si Alexander Ford. Ang bilis nyang mag-lakad! Napa-isip naman ako dun sa sinabi nung cashier. Si Alexander Ford Moteriño? Sumi-selos? Malabo. Hmm!
-END_OF_CHAPTER_2-
Twitter: @leocriss_
BINABASA MO ANG
My Boyfriend Is A Gay
Teen FictionWhat if your friend is starting to fall in love with you? What if? But there's a problem, he is a GAY. What are you going to do? Are you going to stop your feelings? or tell him that you love him? I'm Ivy Perez and he is Alexander Ford Monteriño...