simula

55 2 0
                                    

Simula

Unang apak ko pa lang sa buhangin ay labis na kasiyahan agad ang pumuno sa aking puso. Kitang kita siguro iyon sa aking ngiti. Hindi ko na napigilan at para akong batang sabik na sabik sa dagat. Mabilis ang aking mga yapak at sinapit ko na ang mismong pangpang. Inilibot ko ang paningin sa tanawin sa aking harapan. Hindi na mabibilang sa kamay at paa ang dami ng beses ng aking pagbalik dito pero palagi pa rin akong namamangha sa natatangi nitong ganda.

Pumikit ako at dinama ang init ng araw, hampas ng hanging maalat at tunog ng bawat marahang hampas ng alon sa dalampasigan. Ilang minuto siguro akong ganoon lang ang pwesto habang iniikot-ikot ang talampakan upang lumubog sa buhangin. Maya maya pa nag-pasya na akong ilubog na ang aking paa sa tubig. Dahil naka short ako, naglakad pa ako ng kaunti hanggang sa umabot na sa tuhod ang tubig.

Ilang mga dagat na aking narating pero ito pa ring lugar na ito ang paborito ko sa lahat. Maaaring hindi na patas ang aking paghusga. Naging pangalawang tahanan ko na ito kaya talagang espesyal ito para sa akin. Madaming memorya akong dito binuo, mula sa aking pagkabata noong binili ito nina mama hanggang sa ngayong tumanda ako.

"Ash, it's only 2 in the afternoon! You're gonna burn your skin this early in to our vacation," sigaw ni kuya Enzo mula sa lilom ng malaking coconut tree sa likod ng aming rest house.

Dahil sa tirik ng araw, kinailangan kong harangan ang tama nito papunta sa akin para lang maaninag ang itsura ng kuya ko. Kita ko ang kunot ng kaniyang noo, halatang hindi papaya kahit pilitin ko pang payagan akong manatili doon. Bumuntong hininga ako bago tuluyang umatras at pumunta sa kung nasaan siya.

"Wait 'til around 4 if you really want to swim. Don't you want to rest?" salubong niya. Napansin siguro ang pagbusangot ko. Nang nakalapit ako ay agad siyang nag squat at kinuha ang kamay ko para maituon sa balikat niya. Dala niya pala ang aking tsinelas na ibinaba niya upang mahawakan ang bukong bukongan at mapagpagan ang mga pinong butil ng buhangin na kumapit sa basa kong paa. Napangiti naman ako sa kaniyang ginawa.

Nang natapos siya sabay kaming naglakad papunta sa back porch ng bahay. Maka ilang hakbang pa bago ko siya sinagot, "You know how much I like it to be around the sea. If I could, I'd probably be swimming right now."

Nilingon niya ako ng may malaking ngiti habang nakanguso na ako sa kaniya. Umaapila pa din ng kaunti, baka gumana. Ngunit walang epekto, "I thought so."

"But weren't you here by yourself for the past two summer breaks? We celebrated the holidays here din, last year. Don't you want to visit a different place for a change?"

"Kuys, I also wonder why I never had enough of this place but it does feel like home away from home. My safe haven I guess," saktong apak namin sa unang hakbang paakyat sa porch ng bahay.

Surprisingly sabay kaming umikot at umupo sa unang baitang paharap sa dagat.

Humangin kaya tumunog ang wind chimes sa may pintuan sa aming likuran. Muli, pumikit ako at dinama ang sariwing hangin. Pagmulat ko ay naramdaman ko ang paninitig ni kuya.

"You sure you want to celebrate your birthday here? I mean, we won't be able to invite many people if this would be your choice. It won't be as extravagant as Tati's debut. It would probably be-," at pinutol ko na siya bago niya pa maidetalye ang reklamo niya.

"That's the point kuya, I want it simple. If possible, I don't even want to have a celebration. I'd prefer for it to be just like any other day.  I just agreed on this because mom, dad and both you and kuya Alas insisted on celebrating. We compromised on saving that day for snorkeling around our favorite spot and having dinner with the whole family, that's even too much for my liking already" I made sure I sound enthusiastic just to assure him I'm really contented with my decision.

Blessed CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon