Choices

9 2 0
                                    

Hi, ako nga pala si Wendy, 29 years old. Isa akong nurse dito sa Singapore. Gusto ko lang i-share ang kwento ng love life ko.

Fourth year high school nang maging kami ni Harold. Sinagot ko siya during our graduation. Dalawang taon niya akong niligawan, kaya naman sobrang saya niya nang sinagot ko siya. Second year high school pa lang kami noon nang mag umpisa siyang manligaw sa akin. Naalala ko pa, hindi siya pumapalya sa pagbisita sa bahay tuwing sabado kahit sa kabilang baranggay pa siya nakatira. Napaka-tyaga niya akong niligawan, kaya naman alam ko sa sarili ko na worth it naman siyang sagutin.

Bakit ganoon katagal ko syang sinagot? Una ay dahil masyado pa kaming bata noon, bawal pa akong mag-boyfriend. Pangalawa, sabi ko noon sa sarili ko na kapag nag-boyfriend ako, gusto ko sya na yung una at huli. Ayoko kasi ng pakiramdam na may ex. Nakita ko kasi sa mga ate ko na hirap sila mag-move on at ayokong maranasan iyon. Kaya maingat talaga ako sa pagpili. May mga nanligaw din naman sa akin na iba noon, pero si Harold lang talaga ang matiyaga na nag-antay at nag-effort, kaya naman sabi ko sa sarili ko, siya na nga talaga yung taong pinapanalangin ko.

Napakabait na boyfriend ni Harold, sobrang sweet, kumbaga sabi nga nila, "boyfriend material". During our college days, we enrolled sa magkaibang school. Siya, sa University of Cebu at nag-take ng BS Marine Transportation. Ako naman ay sa Cebu Doctor's University, Nursing kasi ang course ko. May kalayuan man ang mga schools namin ay hindi naging hadlang iyon sa relasyon namin.

Sabay kaming nangarap at sabi namin, sabay naming tutuparin ang mga iyon. Kaya naman after 4 years sa college, ay halos sabay kaming gumraduate. Tanda ko pa, magkasunod ang araw ng graduation namin noon. Sobrang saya namin dahil finally, tapos na kami sa pag-aaral at makakapag start na kami to plan for our future. Sobrang close rin namin sa pamilya ng isa't isa. In fact, minsan nagdi-dinner pa ang buong pamilya nila sa bahay namin. Pakiramdam ko tuloy, everything is so perfect about us.

Months after graduation,naipasa ko ang nursing board exam. Finally, isa na akong ganap na registered nurse. Agad akong nakapasok sa isang hospital sa Cebu while Harold is also taking trainings dahil malapit na siyang sumakay sa barko. Masayang masaya ako kasi feeling ko, ang perfect na ng buhay ko.

One day, my colleague offered me if I want to work sa Singapore. Malaki daw kasi ang sahod ng mga nurses doon. Of course I want to have a better future with Harold kaya sabi ko susubukan ko. Aminin natin na hindi kalakihan ang sahod ng mga nurses sa Pilipinas, kaya marami talagang natutuksong mangibang bansa at isa na ako doon. Ipinaalam ko ang plano ko kay Harold, 2 months na sya sa barko noon. Ngunit hindi siya pumayag, ang sabi niya hindi ko na daw kelangan mangibang bansa dahil sapat naman daw ang kinikita niya para sa future naming dalawa. Gusto kong matuwa sa mga sinabi niya, pero sabi ko sa sarili ko, kailangan ko rin mag-step up sa career ko. So kahit salungat sa kagustuhan ng boyfriend ko ay itinuloy ko ang pag-aapply papuntang Singapore. Di kalaunan ay naintindihan din naman ako ni Harold, sa kasunduan na tatapusin ko lang ang 2 years contract ko sa SG at babalik na ako sa Pinas upang magpakasal na kami. Napaka-swerte ko kay Harold, alam ko talagang mahal na mahal niya ako dahil naiintindihan niya ako.

After ilang buwan, nagulat ako, kasi napakabilis ma-process ng application ko. Ang buong akala ko, maaantay ko pa ang pagdating ni Harold pero sa kasamaang palad, 3 weeks before dumating si Harold sa Pilipinas ay nakatakda naman ang pag-alis ko. Muling nagalit si Harold nang malaman niya ito, sinabihan ako na huwag nang tumuloy at antayin na lamang ang pagdating niya. Pero matigas ang ulo ko, itinuloy ko parin ang pag-alis ko kahit labag sa loob nya. Pinapili niya ako kung sya daw ba or ang career ko. Hindi ko alam ang isasagot ko, pero sabi ko sa kanya, kung talagang mahal niya ako ay hahayaan niyang gawin ko ang gusto ko dahil para rin sa aming dalawa to. Mahal ko ang boyfriend ko pero gusto ko rin maglevel up sa career ko. Ngunit hindi kami nagkasundo ni Harold sa tagpong iyon, desidido sya na papiliin ako between him and my career. Sobrang nadurog ang puso ko. Hindi ko inaasahan na darating ako sa point na hindi ko alam kung ano ang pipiliin ko.

Short Stories CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon