"Hindi ito yung pinangarap ko eh, hindi ito yung pinangako natin diba."
"Putangina ni Merlyn kabit."
Galit na sabi ni Diana at sinara ang laptop. Napakunot nalang ang noo niya ng makita niya sa telepono niya na alas tres na ng madaling araw. "Shit." Iling na sabi nito. Nadali nanaman siya ng 'isang episode nalang matutulog na ako.' Scam.
"Ano? Buhay ka pa?" Tawa tawang sabi ni Abi kay Diana.
"Buhay pa pero si merlyn kabit gusto ko patayin."
"Tulfo nanaman sis? Ano isasagot mo sa deptals niyan? Debit murder merlyn kabit, Credit kulong?" Biro naman ni Abi.
Ganon talaga daanin nalang sa biro ang pagkabagsak sa accounting. Itawa nalang natin. hahhaPUTAhahahaBAGSAKhahahahYARIhahahahKAYhahahahMAMAhahahahHELPhahahahah
"Bakit nung sinearch ko yung Raffy Tulfo sa netflix walang lumabas?" Seryosong tanong ni Diana.
"Seryoso ka?" Sandali naman napatigil sa paglalakad si Abi at tiningnan ng mabuti si Diana. "Hala seryoso ka ngang gaga ka!"
"Scam. Ang mahal mahal almost thousand per month walang tulfo? Sa youtube nga libre lang may raffy tulfo in action na. Pwede pa idownload." Reklamo ni Diana, napailing nalang si Abi at nagpatuloy nalang sa pagrereview.
"Ewan ko sayo Diana, mas mataas pa chance kong pumasa sa departmental exam kaysa maging matino ka." Iling na sabi nito na nagpatawa nalang din kay Diana. "Mag review ka na rin kaysa tulfo ka ng tulfo jan, ano ba napapala mo jan sa tulfo na yan?"
"Stress kay merlyn kabit? I mean yun lang din naman napapala ko sa accounting stress rin. Parehas lang."
"Jusko lord."
Bakit ba niya naging kaibigan ang taong ito?
Abi
Message ni Diana dito.
Abi:Bakit?
Diana: Saan ka?
Abi: Lover's lane. Palabas ng gate 3. Bakit?
after an hour
Diana:Punta ka PAV
Abi:Gago. Kanina 1 hour na last text mo asa cavitex na ako
Diana: putang!!!
Abi:Minumura mo ba ako?!!1
Diana: Pautang
Abi: Ay sige. Murahin mo nalang ako! hahha.
Diana: Gago! SKSKKS pautang na nga kasi
Abi: Asa may cavitex na nga ako teh
Diana: Baba ka!
Abi: Gaga ka ah
Abi: Paano nasa cavitex na nga ako kulit mo ah
Abi: grabe maka request us2 matutupad agad
Abi: sino ka ba sa tingin mo panganay na anak ni hesukristo?
Binulsa nalang ni Diana ang telepono dahil sigurado wala naman na siyang mapapala pa kay Abi.
"Excuse me is this seat taken?" Napaangat naman ng tingin si Diana. Franki Russell. One of Lou's bestfriend--kumbaga common friend.
"Uh no..hindi..hindi.." Sabi ni Diana at ngumiti dito. Nawala lang ang ngiti nito ng bigla bigla ay kumuha si Franki sa kinakain ni Diana na kwek kwek.
Linchak na buhay naman oh!
Hindi naman siya madamot kaya lang yan na nga lang kinayanan ng pera niya eh, lalakad na nga lang siya pauwi para makakain ng kwek kwek. Tsk. Isa pa hindi pa nga nababawasa ni Diana ang binili niyang kwek kwek---bale si Franki pa ang unang nakakain nito.
"Sarap?" Sarkastikong sabi ni Diana.
"Yeah. You want?" Ngiting sabi ni Franki at nilapit ang kwek kwek kay Diana. Wow ah!
"Thank you ah." Diana sarcastically said at kumuha ng isang kwek kwek.
"You're welcome." Ngiting sabi ni Franki. Aba aba. "If you want more kuha ka lang ah?" Dugtong na sabi pa ni Franki.
Anong--malamang kukuha pa talaga siya kung gusto pa niya eh sakanya yan eh.
"Thank you talaga ah!" Hindi naman na mapigilan ni Diana ang inis sa boses nito at medyo napasigaw na siya. Ngunit hindi naman pansin ni Franki ito at patuloy parin sa pagkain ng kwek kwek.
Hanggang sa matira na ang last piece. "It's okay, sayo nalang." Nanadya ba talaga itong taong to? Isip isip ni Diana.
"So paano ba yan? I'll go ahead na ah? See you when I see you. Thank you sa pagshare ng kwek kwek." Franki said at ngumiti nalang ulit.
Ilang sandali lang ang nakalipas. "Diana!" Sigaw naman ni Seth. "Uy! Kwek kwek! Pahingi." Nagulat nalang si Diana sa biglang pagdating ni Seth at bigla nalang kumuha sa wala pang bawas na kwek-kwek.
Teka?
Wala pang bawas na kwek kwe?
Shit.
Ibig sabihin kay Franki talaga ang kinakain niyang kwek kwek kanina? At itong wala pang bawas na kwek-kwek ay yung kanya.
Shit.
Baka ipatulfo siya nito!
YOU ARE READING
tulflix (wattpad ver)
Storie d'amoreFRANKIANA AU where diana is super fan ng raffy tulfo in action and franki is may super crush naman kay diana and para mapansin siya nito pinatulfo niya "Idol raffy kahit pisong duling wala akong ninakaw diyan." "Ano ba kasi ninakaw sayo nito ni dian...