Izia's POV
Kasalukuyan kong inaayos ang aking mga gamit.
Nakapagpaalam na ako kayla mama at papa. Nung una nagtaka sila kung saan ko nakuha yung pera at bakit daw ako aalis.Ang sabi ko naman sa kanila ay pagaaralin ako ng amo ko habang nagtatatrabaho. Naging maganda naman reaksyon nila pero syempre di maawasang magkaroon ng iyakan haha ganun talaga.
Ang balita naman kay ate ayun nagpoprogress naman sya. Lumalaban talaga si Ate sa sakit nya.
Ng maayos ko na yung mga gamit ko ay agad ko namang binaba ang mga iyon. Hindi ko na pinatulong pa si mama kasi ayoko ngistorbohin sya.
Pagbaba ko nakita ko si Mama na kausap yung driver na susundo sa akin.ano kaya pinaguusapan nila.
"Mama!" sabi ko ng makababa ako.
Naibigay ko narin pala yung pera na nakalagay duon sa envelop. Nung una nagtataka sila saan ko nakuha yun. Ang sabi ko naman binigay sa akin yan sa paunang bayad nung boss ko.
Nagaalanganin pa si mama na kunin pero sinabi ko na para kay ate iyon at sa kanila kaya kinuha na niya.
Agad namang kinuha ni kuyang driver yung dalawa kong bagahe.
Habang si Mama naman ay pinapanood lang kami.Lumapit ako kay mama at niyakap sya.
"Ma wag ka ng malungkot hah para sa atin naman ito ehh haha!" sabi ko kay mama.
Masakit sa aking makitang umiiyak si mama. Kaya di ko maiwasang maiyak.
"Ms. Salvador" tawag sa akin nung driver.
Nasa likod na ng sasakyan yung mga bagahe ko kaya ako nalang ang hinihintay.Tumingin ako kay mama at niyakap ulit sya.
"Mama alis na ako.. Wag kayong magalala sa akin Ma ok ako ok.." sabi ko at pumunta na sa sasakyan.
Nang makasakay ako sa sasakyan ay agad kong ibinaba ang ang salamin para tanawin si Mama at kinawayan sya.
Kumaway sya pabalik. Ngumiti ako ng mapait.
Hanggang sa umandar ang sasakyan ay nakatanaw parin ako sa bahay. Hanggang sa hindi ko na sya matanaw ay isinara ko na ang salamin at pinahid ang luhang tumulo na sa pisngi ko.
Tinignan ako ni kuyang driver at ngumiti nalang ako sa kanya.
Tuloy tuloy lang sa pagmamaneho si kuya. Habang ako walang ginagawa kaya nakatingin lang ako sa labas.
Napakalayo na ng byinahe namin ng makarating kami sa bahay ng mga Monteverde.
Inabot siguro ng limang oras pero hindi ako inantok.
Agad na bumaba si kuyang driver at pinagbuksan ako ng pintuan ng sasakyan. AnlNMg gentle naman ni kuyang driver.
Bumaba na ako at dumiretso sa likuran ng sasakyan para kunin ang mga bagahe ko ng harangin ako ni kuyang driver.
"Ms Izia ako na pong bahala diyan! Nasa loob po si Sir Loudemir at hinihintay kayo..." sabi nya.
Kahit anong pilit kong kuha sa bagahe ko matigas talaga si kuya. Kaya ayun dumiretso ako sa loob ng pasilyo.
Napakalaki at napakaganda talaga ng bahay nila. Kaya di ako makapaniwala na titira ako dito ng pansamantala.
Nang papasok na ako ng bahay nakita ko si Sir Loudemir at ang isang binata na nakapamulsa. Nakaitim ang suot. (Nasa taas po yung picture ni Kenneth Ethan Monteverde kung ano po yung suot nya)
Bigla akong kinabahan ng magtama ang tingin namin nung lalaki. Napahigpit ako sa paghawak ng aking braso.
"Izia come here!" sabi ni Sir Loudemir ng mapansin akong hindi gumagalaw.
Agad naman akong lumapit sa kanila.
"Yes Sir!" sabi ko namana ng makalapit ako.
" Ang cute mo pala pagnamumula ka Izia hahaha!!" sabi ni Sir Loudemir dahilan para mapahawak ako sa pisngi ko.
"Tsk!" napatingin ako sa binata. Anong problema nito.
"BTW Izia this is Kenneth Ethan Monteverde!" sabi ni Sir Loudemir.
" Ahh ako si Izia Salvador! Nice to meet you..." sabi ko at inilahad ang kamay ko sa kanya pero hindi nya pinansin kaya ibinaba ko nalang.
"Ganyan lang talaga yan Izia wag mo ng pansinin!" sabi ni Sir Loudemir.
"Ahh ok lang po baka naninibago sya sa akin..."
"thats nice haha so the two of you know each other so I need to go now! I have a lots of meeting now bye guys!!" sabi ni sir Loudemir at umalis na.
Habang ako heto naiilang sa binatang nasa harapan ko.
Tignan no sya dahil matangkad sya sa akin ng 2 inches siguro. At nakita kong nakatingin na pala sya sa akin.
Napaatras ako ng bahagya. Bakit bumibilis tibok ng puso ko. Nakadagdag pa yung suot nya.
"Stop staring me you stubborn.." sabi nya na agad ko namang ginawa.
Teka saan sya pupunta?
Hanggang sa may pinasukan sya. Yun marahil ang kanyang kwarto.
Napahawak ako sa dibdib ko. Nagiging abnormal na yata yung puso ko ang bilis ng pagtibok.
"Hayst!" buntong hininga ko.
"psst!!" nakasinig ako ng isang munting pagsitsit.
"Miss dito hahaha!" sabi ng isang magandang babae.
"Hi ako nga pala si Samara Dimatulac! You are??" tanong nya sa akin.
" Ako si Izia Salvador!" sabi ko.
"Ikaw marahil yung girlfriend ni Sir Kenneth!" sabi nya. Dapat ko bang sabihin sa kanya na fake girlfriend lang ako ni Sir Kenneth?.
Ngumiti nalang ako.
"Nga pala follow me ituturo ko sayo kwarto mo!" sabi nya at sinunod ko naman sya.
Napakabait naman nito...
Mukha namang maganda ang kahihinatnan nito...
A/N: Pls Don't forget to Vote and Comment Thanks....
BINABASA MO ANG
Fake Relationship Project
De TodoShe will Be the Most Lucky Girl who will have the Empire Son which is Kenneth Ethan Monteverde... Kakayanin nya kaya ang buhay ng kasama ang lalaking unang magpapatibok ng puso nya. Kaya nya bang tanggapin ang parusa at ang katotohanan na Hindi toto...