This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. .This is a work of fiction.
______________________________________________________________________________
Gumising akong masaya dahil kakatapos lang kahapon ng exam namin this quarter. Pag ka bangon ko demeretso agad ako sa banyo para maligo, pag ka tapos non ay bumaba na agad ako at handa ng pumasok sa school. Pagkababa ko ay nakita ako ni lolo at inaya ako kumain, lumapit ako at binati siya pero hindi na ako kumain dahil baka ma late pa ako papasok.
Mga ilang saglit lang din ay nasa eskwelahan na ako, pag ka pasok ko sa room ay agad hinanap ng mata ko si kaylee, agad nakita ng mata ko at tinakbo siya para batiin. Sa sobrang ganda ng umaga na yun na sobrahan lalo dahil halos buong araw yata kaming walang klase dahil busy lahat ng teacher sa pag aayos ng grades ng student.
"hoy! kumain lang kayong dalawa hindi man lang talaga ako inaya!" Sigaw ng kaibigan namin si jodan, sabay upo nito.
"Nag message ako sayo pero hindi mo naman nireplyan kaya na una kami" sabi ni kaylee at biglang nalungkot pa ang mukha.
"Sorry naman, magrereply naman ako kaso may pogi kasi dumaan kanina, ayun nalimutan kona hehe"
"Bat kasi naghahanap kapa ng pogi andito naman ako jodan! arte mo!"
"Kadiri girl, kalibutan naman!"
Nagkulitan silang dalawa habang ako kumakain ng tahimik habang pinapanood man diri si jodan kay kay, at puro banat naman tong si kaylee kay jodan. cute.
Pagkatapos namin kumain ay dumeretso agad kami sa room dahil baka may mag lesson, pero pinalabas kami ng maaga ngayon kaya tuwang tuwa ang mga kakaklase ko. Nag ka ayain naman jodan at kaylee na mag mall daw dahil maaga naman kaming binalabas at sa susunod na mga araw ay magiging stress nanaman kami. hindi sana ako sasama kaso pinilit ako ni kay kaya wala na rin akong magawa. Hinintay pa namin ang iba pa naming kaibigan para raw masaya ang gala. andito kami ngayon sa tapat ng gate habang inaantay namin ang dalawa pa naming kaibigan.
Hindi rin naman nag tagal at naka alis rin kami papuntang mall. kumain muna sila sa may food court ng mall bago daw sila mag laro sa arcade. habang ako ay pinapanood lang silang mag kulitan. habang kumakain ay biglang natahimik dahil kay jodan, lahat tuloy kami ay naka tingin sakanya ngayon na naka tulala sa lamesa.
"oy! ayos kalang? anyari bat natahimik?" sabi ni ceejay at siniko si jodan dahil mag katabi sila.
"Hmmm....naisip ko lang kasi bigla, na baka dumating yung araw na hindi ko na kayo kaibigan kasi baka mag ka hiwahiwalay tayo ng school pag dating sa college" sabi nito na malungkot ang mukha
"Gaga! ang layo layo pa! hindi mo pa nga ako sinasagot e!" sabi naman kaylee kay jodan, kaya nailing nalang ako at mahinang tumawa.
Napa sarap ang kwentohan namin kaya hindi na kami nag laro, ang dami nami napag usapan katulad ng kung anong kukuhanin sa kurso kung kailan namin plano mag jowa at iba pa. Pero dahil masyado ng late napag desisyon namin na umuwi at wag mag tagal dahil baka mapagalitan pa kami.
"hoy kay tara na! ano oras na oh!, oy ceejay , grey kayo na bahala kay zane ah! una na kami ingat kayo bye!" Paalam neto at hinatak na si kay paalis. kaming tatlo nalang ang nandito ngayon sa labas nang mall. Hindi ganun kalayo ang bahay ni grey saamin at ganun din si ceejay.
"ummm so.... una nako?" patanong na sabi ko.
"hatid na kita" sabi ni grey kaya tumango nalang ako para maka uwi na agad. kaso bigla akong hinawakan ni grey sa braso kaya agad naman ako tumingin sakanya at tinaas ang dalawang kilay. "Bakit?" tanong ko rito. Agad siyang umiwas ng tingin saakin at tumingin siya kay ceejay, napakunot ang noo at nakapamulsa pa ito. biglang napahawak si grey sa baba sabay tingin saaming dalawa. "ahh.... jay ano sorry...naalala ko may pupuntahan pala ako, pwedeng ikaw nalang mag hatid kay zane?" tumango lang si ceejay sakanya at nagpaalam na ito at lumakad na.
Sumakay narin kami ng jeep ni ceejay. nang makakababa sabi niya ay ihahatid niya ako sa bahay namin dahil baka kung ano pang mangyari saakin, hindi na ako nag reklamo dahil alam kong wala kawala sa mukong na'to.
"Zane... ahhhh kamusta pala exam mo? tanong niya saakin, sinagot ko naman yun na ayos lang at nag kwentohan kami habang nag lalakad. hindi naman nag tagal at nakarating rin kami sa bahay. inaya ko siyang pumasok pero sabi niya ma uuna na siya kaya tumango nalang ako.
Pagpasok sa bahay ay umakyat agad ako para maligo, kumain ako ng unti sa baba at umakyat rin agad. Pag akyat ko kinuha ko ang loptop at umupo sa kama nag check ako ng emails at sinara agad yun pagtapos. Tumayo ako at nilagay sa desk ko ang loptop. pagka lagay ko ng loptop may napansing akong susi sa gilid. kinuha ko iwan para tignan, inaalala ko saang susi ito. nang maalala ako na may box ako agad kong kinuha iyon at binuksan. Ang mga laman noon ay halos luma na. may mga papel na hindi na rin nababasa. Agad nakuha ng attention ko ang isang keychain at isang papel na nababasa naman kahit papaano. binasa ko iyon at laking gulat ko na andun ang pangalan ko, nag hanap pa ako ng iba at nakita ko sa pinaka baba ang isang folder. Napakunot ang noo ko sa isang contrata doon sa loob ng folder. May pangalan ko iyon at may pirma ni daddy yun. inilabas ko lahat ng iyon at binasa ng mabuti ang contrata. at nang buksan ko ang iba pang naka lagay sa loob ng folder nakita ko ang mga pictures ko.
Nang makita lahat yun, bumalik sa lahat ng aalala ko noong nag tratraining ako. Kung gaano ko ka gusto ang ginagawa ko. kung gaano ako kasaya pag nag tratraining ako, at kung gaano ka saya ang puso ko pag nakaka hawak ako ng baril.
Bakit? bakit niya ako pinigilan sa sa gusto ko? bakit hindi niya sinuportahan? bakit feeling ko noong nawala si daddy ay hindi niya na rin ako mahal? bakit niya ako pina tigil sa gusto ko? Ang dami kong tanong, kay mommy kung bakit niya ako pina alis sa agency na mahal ko. kaya ba hindi ko alam kung anong gusto kong kunin na kurso?
Humiga ako at ang dami pa ring tanong sa utak ko dahil sa mga nakita ko. Bigla akong nabuhayan na tuparin ang gusto ko. kung saan alam kong susuportahan ako ni daddy kahit wala na siya.
BINABASA MO ANG
Secret Agent
ActionIsang solid na mag kakaibigan ang meron si Zane Hill, ngunit kaya niya kayang protektahan ang mga ito sa panganib na madadala niya sa buhay ng mga ito. Can she protect her friends in the middle of her mission? can she sacrifice her life for the per...