Chapter 3

69 13 1
                                    

"Ayoko sa bobo" walang emosyon niyang sabi at binalik ulit yung earphone sa tenga niya.

"HAHAHAHHAHAHAHAHAHAHHAA"

sabay sabay na nagtatawan mga classmate ko na akala mo di rin mga bubu. Hooy pareparehas lang tayong nagkokopyahan dito noh!

"Okeeh keeyo?" pinandilatan ko sila pero wala paring tigil sa pagtawa tong mga dimunyu na'to.

"Everyone stop! It's alright Gianna, may time pa naman tayo para magisip kung sino yung gusto nating partner" Sabi ng president namin na si moonie.

"At ikaw naman yoongi dahan dahan sa pananalita" sabi ni pres pero tiningnan lang siya ni yoongi. Ay unbothered si kuya mo.

Inaamin ko naman na may pagkabobo nga ako pero grabe atake cyst hA?????

Bumalik na ako sa pagkakaupo ko habang si jack naman tinatawanan parin ako.

"Okay na pres! Si jack na partner ko!" Sigaw ko na nilapit ko pa yung mukha ko sa likod ni yoongi para naman marinig niya lalo. Akala mo diyan ha!

"hOY ANONG-" aalma pa sana si jack kaso tinapalan ko na yung bibig niya gamit ng palad ko. Pwede naman na pagtyagaan to kahit papano.

"Nagsama ang dalawang bobo"  mahina pero rinig na rinig naming sabi ni yoongi na ikinatawa na naman ng buong klase.

Double kill ah.

-

Lunch na namin at niyaya ako ni jack na pumunta sa canteen namin. Naiwan ako dito sa table dahil pinakuha niya sa ref ng school yung kimchi na fresh from korea daw. Sus mukha niya eh baka galing lang yon sa mga samgyupsal restaurants dito.

Nagbbrowse ako ng facebook at naisip kong iistalk si yoongi. Ang pogi mo talaga huhu palahi naman.

Binasa ko yung comment section ng bagong profile picture ni yoongi, karamihan eh mga babaeng chararat at may mga bakla pa.

wAIT

speaking of bakla. Mwehehehe alam ko na kung pano gumanti kay yoongi. Atittude ka ghORL hA???

"Sinetch itong poging schoolmate natin na lawit din pala ang gusto? 100 reacts guys itatag ko HAHAHAHAHA"

Status posted

Ang famewhore ko naman wtf

"Hoy gianna puro ka chismis sino ba yan"

"Totoo ba to morin? Jusko kokonti na nga lang pagi satin kapwa niya pa gusto niya anuna"

"Wag naman sanang si yoongi to. Tsaka imposible"

Wala pang 5 minutes naka 70 reactions agad ako mwehehe. 

*ding*

"Min Yoongi sent you a message"

As predicted HAHAHAHA i luv eet

"Where tf are you?" Chat ni yoongi

"Yiee sinasabi ko na nga ba eh. Miss mo ako?"

"Delete that stupid post now morin I'm telling you"

HAHHAHAHAHAHHAHA mygad yoongi. Actually guys wala naman talaga akong balak ilaglag si yoongi, famewhore lang talaga ako anuba.

"Anong tinatawa mo diyan?" Tanong ni jack habang binababa sa table yung bitbit niyang tray.

"Wala, wala. CR muna ako" paalam ko dahil naiihi na ako sa kilig sis.

"Wow kanina di pa nagcr nung umalis ako" reklamo pa niya na di ko nalang pinansin dahil naiihi na talaga ako.

Pagdating ko sa cr dito sa canteen ay sakto namang may nakapaskil na papel.

"Under maintenance" wow kung sineswerte ka nga naman. International school mga sirain facilities anuyon? Charot. No choice naman na umakyat ako pa 3rd floor dahil panigurado walang tao dun dahil lunch break nga namin. Luminga linga pa ako dahil baka nandiyan lang si yoongi sa tabi tabi patay tayo diyan.

After I did my business ay naghugas ako ng kamay at binuksan yung pinto ng cr para lumabas na.

"Morin" madiin na sabi ng isang nilalang na nakasandal sa gilid ng pinto na siyang ikinagulat ko.

"HOY ANONG GINAGAWA MO DIYAN NANINILIP KA B-" sigaw ko kaya naman agad niyang tinakpan bibig ko. SHET AMBANGO NG KAMAY NIYA HUHU

"Can you shut up?" Sabi ni yoongi. Oo si yoongi nga, ano kaya ginagawa niya dito? Uuuy iniistalk ako.

"Eh ano ba naman kasing ginagawa mo sa pinto ng cr ha?" Mahina kong tanong.

"Delete that stupid post" nakakunot noo niyang sabi na may diin pa rin sa salita.

"Magplease ka muna" pangaasar ko

"Ulol" mariin niyang sabi at umalis na.

aY ATITUDE TALAGA

Sinundan ko siya ng takbo kahit lakad lang naman ginawa niya, sanaol mahaba biyas no. Nang makalapit na ako ay inasar ko pa siya lalo.  "Sige itatag nalang kita mamaya dun" sabi ko at mabilis na tumakbo papuntang elevator.

Pagkatapos ng lunch ay bumalik agad kami ni jack sa classroom. Pati pala siya ay curious na rin doon sa pinost ko kanina pero sinabi ko nalang sakanya na joke yon mahirap na daldal pa naman neto. Maya maya lang ay dumating na rin si yoong ina parang walang nangyari kanina. Kaya naman naisip kong asarin ulit siya.

"Oy jack, sige na nga sasabihin ko na sayo kung SINO  ba talaga yung NASA POST KO KANINA" pagdiiin ko para mas marinig ni yoongi.

"Dami mo pang hanash eh sabihin mo na dali!" Kita mo din tong taong to kalalaking tao napakachismoso.

*ding*

May nagnotif sa phone ko kaya naman chineck ko kung ano iyon.

"Please?" Chat ni yoongi.

"Oh anong nginingiti mo diyan?" Tanong naman ni jack na kinukulit parin ako habang nakapout. Chismoso talaga kahit kelan.

"Wala na di na gagana yan kung kanina mo pa kasi sinabi eh"

"So what do you want?" Tanong niya pa ulit.

Di na ako nagdalawang isip at nireplyan siya

"Research partner tayo :))"

Bigla naman siyang tumayo na siyang ikinagulat naming lahat dahil napahampas siya sa desk niya.

Hala nagalit yata. Joke lang naman yun eh.

"Namjoon, please tell Miss Berdin that Morin and I will be research partners" sabi niya at lumabas ng room.

What in the world.

How To Get Your Crush To Like You Back / Min Yoongi FanficTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon